Chapter Twenty-Seven

5.9K 199 3
                                    


Dahan dahan kong iminulat ang aking mata. Bahagya akong nasilaw sa liwanag, iginala ko ang aking paningin. Wala ako sa kwarto namin ni Ashly? Tumayo ako ramdam ko ang pangangalay ng aking kalamnan. Dahan dahan akong naglakad patungo sa bintana. Pagkasilip ko nalaman kong nasa bandang tuktok ako ng palasyo nila Theos? Bakit nandito ako, diba lumipat na kami kela Dylan?

Napalingon ako ng narinig kong bumukas ang pinto. Si Ashly pala.

"Ash. si Dylan?" Tanong ko. Sinara nito ang pinto at lumapit sa akin, niyakap niya ako.

"Buti naman gising ka na." pilit ang ngiting sabi nito.

"Bakit gaano ba ako katagal na natulog?" Takang tanong ko.

"Dalawang linggo." Tipid na sagot niya.

"Ganun katagal?" Naalala kong pinatulog ako ni Malakya. Walang kabuhay buhay ang Ashly na kaharap ko ngayon. "Ash, ano bang nangyari? May masama bang nangyari kay Dylan?" Nag-aalalang tanong ko.

"Ok lang si Dylan." Malungkot na sabi niya.

"Samahan mo ako, tayo nalang ang pumunta sa kaharian niya."

"Hindi na pwede Andrie, makinig ka muna please." Halos maiyak na sabi ni Ashly, kinutuban ako ng hindi maganda.

"Tell me Ash." Malumanay sa sabi ko, umupo kami sa kama.

"Naalala mo naman siguro nong sa dagat tayo. Tinamaan ka ng itim na salamangka, na katumbas sa mundo natin ay parang venom ng ahas. Na kong hindi agad malapatan ng lunas ay ikamamatay mo. Tanging elemento ng hangin ang pwedeng magtanggal nito. Kasama ng mga kapangyarihan ng mga salamangkero. Sinamantala ni Vera at ng amang hari nito ang pagkakataon..."

"Anong ibig mong sabihin?" Naiiyak na tanong ko.

"Ikakamatay mo kasi Andrie, kong hindi ka malapatan agad ng lunas, kapalit ng pag papagaling sayo ay ang pagsanib ng dalawang kaharian. Isang linggo ng kasal si Dylan at Vera..."

Nang marinig ko ang sinabi niya ay para akong sinaksak sa puso ng isang libong beses.

" Ash hindi totoo yan! Pupuntahan ko si Dylan." Pumikit ako para maglaho, ngunit hindi nangyari. Sinubukan kong lumipad ay hindi naman ako umangat. Napakalayo ng tinakbo ko pababa, nakayapak lang ako. Habang hawak ko ang laylayan ng hanggang sakong na puting damit ko. Nakarating ako sa baba, lumulan ako sa karwahe. Ayaw pang sundin ng engkantado ang utos ko. Dumating din si Ashly sumakay ito sa karwahe, saka palang kumilos ang engkantado.

Hilam ng luha ang mga mata ko, nanlalabo na ang paningin ko sa sobrang pag iyak. Pagdating sa kaharian nila Dylan ay ayaw pa kaming papasukin, nakita ko ang mga kaibigan kong kausap si Dylan habang naka angkla si Vera dito. Pakiramdam ko nawala sa akin ang lahat, pati ba naman kaibigan ko? Mawawala rin sa akin. Sabay sabay silang napalingon ng sumigaw ako.

Agad naman silang lumapit sa akin maliban kay Dylan at Vera.

"Andrie anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Jeff.

"Tinatanong mo ako kong anong ginagawa ko dito? Hindi nyo manlang ba kakamustahin ang KAIBIGAN NINYO?" Tinapunan ko sila ng matalim na tingin.

"Hindi sa ganun Andrie." Mahinang sabi ni Patrick.

"SHUT UP! PARE PAREHO KAYO!"

Palapit naman si Dylan at Vera. May sinabi ito kay Vera, bumitaw ito sa pag kakahawak sa kanya.

"Paano mo nagawa sa akin to Dylan? Sinaktan mo na naman ako!" Galit na sabi ko.

"I'm sorry Andrea, ginawa ko lang ito para gumaling ka." Malungkot na sabi nito

"Sa ginawa mo, para mo na rin akong pinatay. Alam mo ba 'yun?" Hindi ko napigilang hindi humagulgol sa sakit na naramdaman ko.

"Tama na Andrea, umalis ka na dito. May asawa na ako hindi na tayo pwedeng magkita. Ginawa ko ito para sa kaligtasan mo." Walang emosyon na sabi ni Dylan at tumalikod ito.

Hindi ako sumagot, pinunasan ko ang luha ko at tumalikod. Naglakad ako patungo sa karwahe at tahimik na lumulan dito. Pinigilan ko ang pagpatak ng luha ko, para ano pa at iiyak ako? Mukhang tanggap na nga ni Dylan ang kapalaran namin. Kasunod ko si Ashly at sumakay na rin ito sa karwahe, tahimik ito.

Pagdating sa palasyo nila Theos ay tinungo ko ang silid na tinuluyan namin dati. Inayos ko ang back pack ko. Nagbihis na rin ako ng damit na galing sa bag ko.

"It's up to you Ash. kong magpapaiwan ka dito."

Hindi ito sumagot agad itong nagbihis ng damit niya.

"Hindi kita iiwan Andrie, kahit anong mangyari." nakangiting sabi niya, niyakap ko siya. Si Ash nalang talaga ang natitira kong kaibigan.

"Lets go Ash." Yaya ko sa kanya. Mukhang busy ang mga salamangkero. Walang nakapansin na umalis kami.

Nasa tapat na kami ng lagusan, bahagya kong nilingon ang Dyamantes. Huminga ako ng malalim bago kami tumawid sa lagusan. Lumabas kami sa isang parke, sa syudad na pala ang labas nito.

Naghiwalay na kami ni Ash at umuwi sa mga bahay namin. Pagdating ko sa bahay ay wala sila mommy at daddy, pag pasok ko sa kwarto ay nilapag ko ang bag ko. Napatingin ako sa malaking salamin.

"Shit ang laki ng ipinayat ko, humpak ang mukha ko." May nakita ako sa likuran ko isang maliit na tao. Galit ko itong nilingon.

"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" Galit na sabi ko sa itim na maliit na tao.

"Nakikita mo ako?"

"Oo, umalis na kayong lahat dito, alam mo bang galit ako sa mga engkanto. Maghanap kayo ng lilipatang lugar, sa mga walang tao. Pag nakita pa kita dito at mga kasama mo ay papatayin ko kayo." Nilabas ko ang latigong apoy at ipinakita sa kanya. Nahintakutan itong lumabas ng kwarto. Sinilip ko sila nagsitakbuhan ang mga ito palabas ng bahay. Natulog ako ng mahimbing, kailangan kong makabawi ng lakas at magbagong buhay.








ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon