Chapter Two

15K 416 5
                                    

Pag tingin ko sa orasan ay alas tres na pala ng hapon. Nakarating ako sa bahay bandang alas syete kagabi.

'Tsss. overslept, sakit sa ulo..!

Nakakagutom..


Pinilit kong bumangon, kumakalam na kasi ang sikmura ko. Pagtayo ko ay ramdam ko ang pananakit ng muscle ko. Tinungo ko ang kusina at nag hanap ng makakain. Walang lutong pagkain, maaga kasing umaalis ang parents ko para pumasok sa trabaho. Gabi na kung umuwi ang mga ito. Nag-iisa lang akong anak, kaya lagi akong mag-isa sa bahay. Stay out naman ang katulong namin. Pag weekends naman ay madalas din silang wala.

Bitbit ko ang loaf bread at Cheese na palaman. Bumalik ako sa kwarto para doon kumain. Habang kumakain ay, binuksan ko ang laptop para mag upload ng mga picture. Hobby ko kasi ang photography, hindi naman ako professional photographer pero ang hilig hilig kong kumuha ng mga pictures. Marunong din naman akong kumuha ng anggulo, at konting photoshop para ma-inhance ang quality. Pagbukas ko ng facebook ay tadtad ito ng notification at mga private messages. Hindi ko ito pinansin, inayos ko muna ang mga picture bago in-up-load. Pi-nost ko ito sa facebook, at Instagram ko. Maya maya lang ay sunod-sunod na ang likes at comments sa post ko...

You look good ha!? Atleast pumayat kana, mukha ka nga lang ulikba haha!! Keep it up mamundok kapa para lalo kang sumeksi..!! Lols..

Nanlaki ang butas ng ilong ko nang mabasa ko sa Instagram ang comment ni Tristan, ang 'ex boyfriend ko.

Kaklase ko siya no'ong college at siya din ang first boyfriend ko. I was 18 years old that time at medyo chubby. Nakipag break siya bigla sa akin ng walang dahilan. Isang araw nakasalubong ko siya, pababa na sila sa hagdan. Kasama ang bago 'nyang girlfriend na mukhang anorexic, nakangisi pa ang gago sa akin. Sa sobrang galit ko ay bumulong ako na sana mahulog sila sa hagdan. Paglingon ko ay bigla nalang gumulong ang dalawa. Nabalian pa ng buto ang mga ito, para bang may tumulak sa kanila kaya malakas ang pag bagsak nila.

Sobrang na-shock ako sa nangyari, simula kasi ng mag 18 years old ako ay maraming weird na bagay na nangyari sa akin. Kung ano-ano nalang ang napapanaginipan at nakikita ko. Minsan nga iniisip ko baka nababaliw na ako.

Yabang mo..! Block ka ngayon!! Tsss.

Pagkatapos ko siyang i-block ay pinatay ko na ang laptop, tapos na rin akong kumain kaya nahiga ulit ako, at nagmumuni muni..

May matandang lalakeng nakaputi, mahaba ang balbas,  at walang emosyon ang mukha na biglang lumitaw sa harapan ko. Bigla niya akong hinawakan sa kamay 'at iginigiya ako patayo. May nakita akong liwanag sa likuran niya, naghihilahan kami dahil ayaw kong sumama sa kanya. Talagang binuhos ko ang buong lakas ko para hindi niya ako madaig...

Brrrrittt..briitttt.. 'nagvibrate ang phone ko na nakapatong sa t'yan ko, kaya ako nagising.

Incoming call from Ashly. Hindi ko ito sinagot, ramdam ko ang pangangalay at pamimigat ng braso ko. Nanaginip na naman ako.

Nag-text nalang ito na magkikita-kita kami sa coffee shop kinabukasan.

----

"Guys wala ba kayong napapansin sa akin? Mukha ba akong weird or something?  May kilos ba ako na kakaiba?" Tanong ko while sipping my ice cold coffee.

"What do you mean? 'You look normal naman." Si Jeff.

"Maliban sa mga nightmare mo, everytime we slept  together. Ano ba ang napapanaginipan mo? " Tanong ni Ashly.

"I don't understand, It's really strange kasi. Paulit ulit ang panaginip ko, they are chasing me in the forest, 'o kaya may gustong kumuha sa akin." Sagot ko naman.

"Wag mo ng isipin 'yan. It's just a bad dream ok!! Maiba ako, I did some research about Mt. Bulakaw pero wala akong makita na kahit anong impormasyon sa google." Sabi naman Jeff.

"I did the same thing wala talaga! Sabi naman ni Manang 'yung cook namin sa bahay. Marami daw kababalaghan ang bundok na 'yun. Hindi lang daw basta haka-haka o kwento. Bundok daw ito ng bulalakaw, minsan nga daw ay biglang lumiwanag ang paligid. Parang may firework's, at may nagliliparan na malalaking ibon, na mahahaba ang pakpak. Nasaksihan daw mismo ng lolo ng lolo niya. At nagpasa pasa na ang kwento sa angkan nila, taga doon kasi sila." Sabi naman ni Max.

"Hmm.. 'eh deh mas lalong exciting,! Naalala 'nyo ba nung mag ghost hunting tayo? Paniki lang ang nakita natin. Malay 'nyo totoo ang kwento tapos may madiscover tayo na kakaiba. Bongga diba!?" Sabi naman ni Ashly.

"Hindi daw nag-iisue ng permit sa mga hiker ang lokal na pamahalaan sa bayan na 'yun." Sabi pa ni Max.

"So? Who needs permit anyway!? Hindi nga nagbibigay meaning hindi na natin kailangang kumuha diba?" Sabi ko naman

"What if totoo nga ang mga kwento? Wag nalang kaya tayong tumuloy, ayoko namang dumating sa point na may mapahamak sa atin." Sabi ni Patrick, sa haba ng pinag usapan naming magkakabarkada ay ngayon lang ito nagsalita. Kung hindi tatango, ay tatawa lang din ito kung may nakakatawa.

Tsss ano ka ba!? Naniwala ka naman don,'eh nasa modernong panahon na tayo!!" Sabi ko, may pagka sarcastic akong magsalita minsan. Pero sanay na ang barkada sa akin.

ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Where stories live. Discover now