Chapter Thirty-Nine

6.9K 190 5
                                    

Ilagay mo na sa timbangan ang ikaapat na elemento Andrea. Sabi ni Ditana, nasa harap kami ng timbangan dito sa pinaka gitnang bahagi ng Dyamantes. Umusal muna ako ng dalangin bago ko inilagay ang bato. Kumulog ng malakas at lumindol ang buong Dyamantes. Unti-unting umusbong ang kulay asul na espada. Nasaksihan ito ng buong Dyamantes. Tuluyang pumantay ang espada sa tatlong kahanay nito kasabay nito ay pagkabuo ng ikaapat na kaharian.

Kakaibang liwanag ang lumukob sa buong Dyamantes. Nagkaroon ng mga fireworks sa lahat ng bahagi, nag silabasan ang lahat ng nilalang at nagbigay pugay. Napawi naman ang mga kalumbayan at napalitan ng pag asa.

"Andrea?!" Magkasabay na tawag ni Dylan at Lukan. Patakbong lumapit si Dylan sa akin at niyakap niya ako ng napakahigpit! Ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko.

Ipinakilala ko sa kanila si Ditana. Nagbatian ang mga ito, nagulat kami ng biglang nagkaroon ng bahaghari. Lumitaw ang ulo nito sa harapan namin, nagpakita muli ang Diwatang Bathala. Sabay sabay kaming yumukod sa harapan niya.

Natuwa ako sa muli nating pagkikita binabati kita Andrea. Hindi mo ako binigo. nakangiting sabi ng Diwatang Bathala.

Salamat po mahal na Bathala. Tugon ko naman.

Dahil naibalik na ang lahat ng elemento. Humiling ka ng kahit ano Andrea. Apat na kahilingan ang ibibigay ko sa iyo.

Pinag isipan kong mabuti ang aking hihilingin.

Mahal na Bathala kong maari ay ibalik mo ang buhay ng mga may tapat at malinis na puso. Ang una kong hiniling.

Nasa aking pangangalaga ang
lahat ng may mabuting puso. Tanging ang mga masasama
lamang ang inihuhulog ko sa kaparusahan ng balong walang hanggan. Matutupad ang iyong kahilingan.

"Ang pangalawa kong kahilingan
ay makabalik ang mga mabubuting engkantada at engkantadong nais manirahan sa Dyamantes. At ang pangatlo kong kahilingan ay makabalik ang mga taong naligaw sa gubat sa kanilang mga mahal sa buhay. Ang pang apat ay mananatili magpakailanman ang kapayapaan at pag ibig ng bawat nilalang sa Dyamantes."

Masusunod Andrea, tunay ngang mabuti ang iyong puso. Ibabalik ko ang lahat ng mga mabuting nilalang sa Dyamantes at bubuksan ko ang lagusan para sa lahat ng mga diwata. Ibabalik ko ang mga taong naligaw sa gubat.

Biglang nagkaroon ng liwanag,
nakita kong sumambulat ito sa
buong Dyamantes. Nabuhay ang
mga mandirigma, napangiti ako
ng malingunan kong lumilipad ang mga kaibigan ko papunta sa amin.

Nagkaroon ng arkong bahaghari sa harap namin. May tatlong pares na magkahawak kamay na hari at reyna ang lumabas doon.

"Reyna Erina, Haring Hermes?!" Gulat na sambit ni Ditana, ngunit galak na galak ito at agad yumuko.

Halos hindi naman ako makahinga lalo na ng tinawag nila ako.

"Andrea?" Malamyos ang tinig nito lumapit ang mga ito sa akin at niyakap ako.

"Ina? Ama?" Naluluha kong sambit, hindi ko akalain na magkikita pa pala kami.

"Dylan?" Tawag naman ni Haring Eduke at Reyna Hana. Nakita ko ang pananabik sa mata ni Dylan, niyakap din nito ang mga magulang niya.

Nakita ko naman si Theos at Lukan, kasama ang hari at reyna ito siguro ang mga magulang nila. Nagsulputan ang maraming engkantada at engkantado, sa mga lagusan. Nakita ko si Dina at Hulyan pati narin si Aling Dalya. Kumaway ang mga ito sa akin, gumanti rin ako ng kaway sa kanila. Dumating naman si Marduko at Celine gulat na gulat naman si Dylan. Nagyakapan silang magkapatid. Si Marduko naman ay nagbigay pugay sa Hari at Reyna nito. Nakita ko rin si tito Rex at tita Ysabel ang parents ni Ashly. Lumapit si tito Rex kay ama, magkapatid nga pala ang mga ito. Dumating din ang parents ni Max, Jeff at Patrick. Nagkaroon tuloy ng family reunion.

Nagpakita ulit ang Bathalang Diwata.
Natutuwa ako at sa wakas naibalik na sa timbangan ang mga elemento. Iniatas ko na sina Haring Eduke at Reyna Hana ang mangalaga sa apoy. Si Haring Hermes  at Reyna Erina sa tubig. Si Haring Tadeo at Reyna Athena ang mangalaga sa lupa. Ikaw naman Dylan at Andrea ang maging tagapangalaga ng Hangin. Ibinasbas din ng Bathala ang walang hanggang kapayapaan.

Magkahawak kamay kami ni Dylan na lumipad paitaas. Nakita namin ang bagong Dyamantes, naka korteng pa krus ang apat na kaharian sa gitna nito ang apat na espada. Nabuo din ang mga pamayanan sa paligid ng kaharian makikita mong masaya ang lahat ng engkantado at engkantada.

Isang linggong nagdiwang ang Dyamantes, pagkatapos ay ikinasal kami ni Dylan.

BEST WISHES!

Sigaw ng barkada pagkatapos kaming basbasan.

"Binabati kita anak." Maluha-luhang sabi ng aking ina. Ganun din si ama, masaya sila para sa amin ni Dylan.

Si Ditana naman ay siya paring tapat na tagapangalaga ng aking ina. Pero nakita kong nagkakamabutihan sila ni Jeff. Si Theos at Ashly naman ay officialy engaged na. And the rest of the boys ay may nililigawang nag gagandahang mga diwata.

Bumalik naman si Marduko at Celine sa lupa. Ganun din ang parents nila Ash, Max,  Pat. at Jeff. Pero pwede silang bumalik anytime, binasbasan namin ang lagusan tanging ang mga may pahintulot lang ang pwedeng
lumabas at pumasok dito.

"I love you Andrie!"

"I love you more Dylan!!!"

Masaya kaming lumipad at nag ikot sa buong Dyamantes. Walang pag-sidlan ang aming kaligayahan...




ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon