Chapter Sixteen

8.8K 247 2
                                    

Maaga kaming nagising kinabukasan. Dahil ito ang unang araw ng pagsasanay namin. Magkakasama kaming nag agahan. Sa wakas meron na ring kanin at ulam, a typical breakfast,  bacon, egg and hotdog. Sabagay my kapangyarihan sila kaya everything is possible.

"Pinahanda ko talaga yan para sa inyo." Sabi ni Theos.

Nagpasalamat kami sa kanya at inatak na namin ang nakahaing pagkain.

"Guys dati tayo ang nag t-train ng troops. Mukhang tayo naman ang i-t-train ngayon haha." Sabi ni Max habang puno ang bibig.

"Oo nga, kamusta na kaya ang base ko?" Sabi ni Ash, ang kinaaadikan niyang clash of clan ang tinutukoy nito.

"Ayun wasak na ang base tapos ubos pa ang loot, kaya nga ako nagdala ng powerbank. Ayaw naman gumana sa gubat, at isa pa wala ding internet 'don." Ako na isa rin na adik sa coc.

"Hindi ba gumagana ang electric devices doon? Mukhang nakokontrol na ng mga tauhan ni Marduko ang gubat." Sabi naman ni Theos, na hindi ko alam kong nag lalaro ng coc, malamang hindi!

"Kaya nga 'wag tayong kampante. Baka anytime sumugod ang mga 'yun! We can make it guys. Mag focus tayo sa training." Sabi ni Jeff.

"We need your help, after training kapag handa na kayo lulusob tayo sa Asupre. Para mabawi ang kapatid ni Dylan at mapakawalan ang mga bihag." Sabi ni Theos.

"Salamat sa inyo." Masayang sabi ni Dylan.

Pagkatapos naming mag almusal ay nag palit na kami ng damit. Paglabas namin ng palasyo ay pumitik sa hangin si Theos, at nagkaroong ng portal.

"This is the fastest way to the training ground. Pasok na!" Sabi niya.

Para lang kaming pumasok sa pintuan. Lumantad sa amin ang mlawak na kapatagan, malayo ang mga puno. May bundok akong natanaw ngunit malayo ito sa amin.

Ilang saglit pa ay dumating si Malakya. Kasama ang dalawang salamangkero, at mga mandirigmang engkantado.

"Handa na ba kayo sa pagsasanay? Kasama ko ngayon si Aydan at Falcon, kami ang magsasanay sa inyo. Pero nais muna naming subukan ang lakas ng inyong pangangatawan.

"Marunong kami sa martial arts." Proud na sabi ni Max.

"Mabuti, gaya ng sabi ko ay susubukan namin ang inyong lakas." Kinumpas nila ang kanilang mga baston, biglang naglabasan ang mga ahas, tigre, lion, malaking ibon at meron pang dragon.

"Huwag na huwag kayong magpapahuli, kung ayaw ninyong maging tanghalian nila kayo!"

"Wehh? Seriously ipapakain ninyo kami dyan kapag nahuli kami?" Takot na tanong ni Ash.

"Seryosohin nyo 'yan, mahigpit sila pagdating sa pagsasanay. Maaring ikapahamak ninyo iyan. Totoo ang mga nilalang na nakikita ninyo." Sabi sa amin ni Theos.

"Pwede 'wag na yang ahas?" Halos maihing sabi ko, mas malaki pa kasi 'to sa ahas sa gubat.

"Magsisimula na tayo." Sabi naman ni Aydan. Bigla nalang silang naglaho, kaming anim nalang ang natira kasama ang mga mabangis na hayop.

"Guys, wag kayong magpapakain ha." Sabi ko habang unti-unti ng umaatras.

"Max, pakitaan mo ng pinagmamalaki mong martial arts." Sigaw ni Ashly ng makita niyang humakbang na ang lion. Nagpulusan na sila, kaya tumakbo na rin ako.

Walang lingon likod akod akong tumakbo. Pakiramdam ko ay hindi na ako sumayad sa lupa, nakarating na ako sa mapunong bahagi. Sa pag aakala kong walang nakasunod sa akin ay nagkakamali ako.

Paglingon ako ay mabilis na gumapang ang ahas papunta sa akin. Dahil sa takot ay napapikit ako, naramdaman kong nilingkis ako ng ahas. Sa sobrang pandidiri at takot ko sa kanya ay, pinilit kong makawala sa pagkakalingkis niya.

Halos hindi na ako makahinga, binuka niya ng malaki ang kanyang bibig. Akmang lulu-lunin na niya ako ay buong lakas kong pinag hiwalay ang braso ko, nakaramdam ako ng kakaibang lakas. May mainit na bagay na dumaloy sa mga ugat ko. Pag dilat ko ng mata ay wasak at pira-piraso na ang ahas. Para itong nasunog, dahil umuusok pa ito.

Hindi ko alam kong paano ko nagawa, dahil nakapikit ako. Naramdaman ko lang ang mainit na bagay na lumabas sa akin. Dahan dahan akong nag lakad habang nakikiramdam sa paligid.

Roarrrr--Roarrrr!!

Shemay-na kalamay. Ikaw pala Lion, kamusta ka naman? Habang paatras ako, unti unti naman siyang lumalapit sa akin, anong gagawin ko? Alam ko may powers ako, eh? Hindi ko alam kung paanu palabasin. Sigurado ako may magic word 'yun.

Thunder fireeeee!!!! Wesshhhhisss-wosshh-woosshh..---- Habang naka kamiey-hami
ey-wave ang kamay ko. Lalo lang nagalit ang Lion.

Play deadddd lion, play dead!!! Sabi ko, sabay takbo, tumalon na kasi ito papunta sa akin. Malapit na niya akong maabutan, nang bigla akong madapa! Pag lingon ko ay nasa ere na ito papunta sa akin. Naramdaman kong gusto ng humalagpos ang puso ko, pati balun-balunan at atay ko ay inatake ng nerbyos.

Nag slomo-ang paligid ko, tatayo na sana ako, ngunit naipit ang paa ko sa pagitan ng dalawang ugat. Ayaw matanggal ng paa ko, ramdam ko din na sprain ito.

Hinintay ko nalang ang kapalaran kong maging pagkain ng lion, ng biglang may kumislap na parang kidlat. Bumagsak ang lion sa harapan ko. Mukhang wala na itong buhay, napatingin ako kung saan nanggaling ang liwanag..

Dylan!? How could you do that? May kapangyarihan ka'na?"

Imbes na sumagot ay lumapit ito, at tinanggal ang pagkakaipit ng paa ko.

"I just discovered earlier, when the tiger is about to grab me. Nag concentrate ako kaya napalabas ko ang energy na parang kidlat. Sabi niya.

"Really? Me, I burned the snake but I don't know how to release that kind of energy again?"

Hindi siya sumagot, bagkus ay hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Habang magkaharap kami, inutusan niya akong pumikit at mag concentrate.

I feel the heat running in my viens. Paikot-ikot ito sa buong katawan ko. Pagmulat ng mata ko, nakagawa kami ng fire ball.





ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Where stories live. Discover now