Chapter Three

12K 352 6
                                    

Umaga. Nag-e-exercise ako habang nagpapa tugtog ng malakas na music. Bukas na ang alis namin papuntang Mount Bulakaw, tatlong linggo lang nakaraan mula noong inakyat namin ang Mount Paraiso.  Tuwing umaga routine ko na ang pag eexercise, apat na beses naman sa isang linggo ako nag g-gym.

Nagpunas ako ng pawis at uminum ng tubig. Umupo ako sa sofa..

Nasaan ang phone ko?

Dito ko lang 'yun nilapag sa center table. Tandang tanda ko pa bago ako naglatag ng slip matt kanina. Tumayo ako hinanap ko sa kwaro. Wala.

Sa banyo? Wala!

Sa dining area? Wala!

Sa buong sala, pati ilalim ng mga upuan, nakarating ako sa second floor.

Pati sa kwarto ng parents ko at guest room!Wala?! Nasaan 'yon..? Inis na inis ako.

Hininaan ko ang music at..

Punyemas ibalik nyo ang cellphone ko.!!

Nilapitan ko ang landline at dinial ko ang number ko. May nag ring.. pinakinggan ko kung saan banda.

Sa Vase??

Nilapitan ko! Shocks nasa malaking vase nga na nakadisplay. Sinilip ko, umiilaw ang cellphone habang nagriring.  

Sa vase talaga, ano ba ang problema 'nyo pati gamit ko pinapakialaman nyo!!

Hindi ko alam kong sino ang kausap ko. Basta! Trip ko lang mag sisigaw. Paano naman napunta sa vase ang phone ko? Mag isa lang ako sa bahay, sira ulo ba ako para ilagay doon!? May sa maligno 'ata ang bahay na 'to.

Inis akong pumasok sa kwarto, para i-check ko ang mga gamit ko. Lumapit ako sa bintana para buksan ito, hinawi ko ang kurtina. Napagawi ang tingin ko sa swimming pool, ilang metro lang ang layo sa bintana ng kwarto ko.

May nakita akong lalake na nakaputi, nakatalikod ito.

Oh—my!! May magnanakaw? Mataas ang bakod pa'no nakapasok? Bukas pa naman ang main door.

Pasilip-silip akong lumabas ng kwarto, derecho sa kusina at kumuha ng kutsilyo. Pagkatapos dahan—dahan akong lumabas, sinilip ko ang gawi kung saan siya nakatayo. Walang tao! Inikot ko ang buong bakuran, wala akong nakita. Kinakabahan ako, naisip ko na baka nakapasok na ito sa loob ng bahay.

Dinukot ko ang cellphone sa bulsa ko, at tinawagan ang security personnel ng subdivision. Dumating sila, at hinalughog ang buong bahay wala silang nakita.

"Mam baka 'ho namalik mata lang kayo? At isa pa wala naman hong nakapasok na taga labas dahil mahigpit ang security."

"Ganun po ba? Sige po salamat nalang. Natakot po kasi ako, eh."

"Ok lang mam, tumawag nalang ulet kayo kapag may problema. Aalis na po kami." Paalam ng mga ito.

Bumalik ako sa bahay, at nilock ang main door. Hindi naman basta basta mapapasok ang bahay namin, dahil mataas ang bakod at gate.

Shemayy napaparanoid na akooo..

Bumalik ako sa kwarto, muli akong sumilip sa bintana at sinara ito. Nahiga ulet ako sa kama, malinaw ang nakita ko. Imposible naman, halos ilang minuto din ako nakasilip kanina.

Nakaka-praning, bigla kong naalala ang cctv, tumayo ako at pumunta sa library.

Nireview ko ang footage sa swimming pool area at garden, pati ang buong bahay, wala naman akong nakita.

What's wrong with me? Am I crazy??

I think I need to see a phsyciatrist..
Kung ano-ano na ang nakikita ko. I'm scared for myself, paano nga kong may saltik na ako? At isang araw nasa mandaluyong loob na ako!? Poor me.!


----

"Mount Bulakaw, here we come." Sabi ni Ashly, magkatabi kaming dalawa sa bus. Alas kwatro ng madaling araw ay umalis na ang bus sa terminal ng Cubao. Pitong oras raw ang byahe, patungo doon.

Tulog na ang mga kasama ko, kaya nagpasya na rin akong matulog.

Hinawi ko ang kurtina sa bintana ng kwarto ko. Napatitig ako sa lalakeng nakatayo na nakatalikod sa akin. Ilang saglit pa ay unti—unti itong humarap.

Shemayyy ang gwapo..!!

Nabato-balani ako, nagkatitigan kami ng matagal... Nangungusap ang mapupungay niyang mga mata. Kakaiba ang aking naramdaman, umalis ako sa bintana at tumakbo papunta sa labas.

Naglalakad siya papalapit sa akin, inabot niya ang kanyang kamay. Dahan dahan ko namang inangat ang mga kamay ko para abutin ang kamay niya. Gabuhok nalang ang pagitan, mahahawakan ko na ang kamay niya——

"Hoy dito na tayo!!" Napamulat ako bigla. Nakataas ang kilay ni Ashly.
"Kailangan talaga nakangiti ka habang natutulog?" Sita niya.

Badtripp!! Bulong ko, nagbabaan na ang mga pasahero sa bus. Kaya tumayo na rin kami para bumaba.

Iginala ko ang paningin sa paligid, maliit lang ang pamilihang bayan.

Lumapit ang grupo namin sa isang mama na naka-upo sa tricycle, habang nagyoyosi ito.

"Magandang tanghali po, naghahatid po ba kayo sa Tarabun?" Magalang na tanung ni Max.

Binuga nito ang usok at pinatay ang sigarilyo bago nagsalita.

"Tarabun? Ano ang sadya 'nyo roon? Kung ang Bundok Bulakaw, ay 'wag na kayong tumuloy." Sagot nito.

"Magbabayad po kami kahit magkano." Si Max ulet.

"Taga Maynila ba kayo? Alas tres ang last trip ng bus!" Sa halip ay sabi nito.

"Manong bakit po ba ayaw nyo maghatid doon? Hindi nyo ba ruta? Kung ganun ay saan po ba kami pwedeng sumakay? Tanong ko.

"Mapanganib ang lugar na 'yon, marami na ang nawawala sa bundok, kaya simula 'non ay hindi na ako naghahatid ng mga hiker doon!"

"Salamat manong, 'eh nandito na po kami. Sayang lang pinunta namin dito kong hindi namin itutuloy." Sabi ni Ashly.

Sa kakapilit namin ay tinawag nito ang isang binata, para maghatid sa amin. Nag kasya kaming lima sa iisang tricycle, medyo mahirap ang daan mabato ito at baku-baku. Pagdating namin sa patag na bahagi ay natanaw ko ang mataas na bundok.

ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Where stories live. Discover now