Chapter Twenty-Four

6.6K 223 4
                                    

Pagkatapos naming mamili ng mga gamit ay sumakay na kami ng eroplano papunta sa Palawan.
Pag dating namin duon ay
kailangan pa namin sumakay ng bangka patawid sa Isla.

Pagdating namin sa Isla ay agad kaming tumungo sa pinareserve naming bahay na may tatlong kwarto. Tanaw mula sa balkonahe ang dagat. Napakaganda ng karagatan, hindi mu aakalain na ang ilalim nito ay may isang mundo ng mga kakaibang nilalang.

Balak muna naming mag matyag sa karagatan. Naiitatago din namin ang aming kapang yarihan. Upang hindi kami paghinalaan.

"Guys punta muna tayo sa supermarket para makapamili," Yaya ni Ashly sa amin.

Maiingay pa kami habang pasakay sa jeep, para lang kaming mga turista na galing ng Maynila, at walang paki alam. Nagtatawanan, tuksuhan at biruan kami habang nasa sasakyan. Pagdating namin sa supermarket ay kumuha sila ng dalawang malaking push cart.

"Sige kuha lang kuha, maraming taga bibit." Sabi ni Ash, habang panay hagis sa push cart ang mga nagustuhan niyang pagkain.

After mag grocery ay kumain muna kami ng lunch sa isang fastfood, na katabi ng supermarket.

"Guys tinawagan 'nyo na ba ang parents ninyo?" Tanong ni Theos.

"Oo nga two months din pala tayong nagbakasyon." Sabi ko. Ayaw ko munang tawagan sila mommy baka pauwiin lang ako.

"Tinawagan ko si Mommy, naku narindi ang tenga ko." Sabi ni Ash. May pag ka strict kasi ang parents nito.

"Sanay naman ang parents ko, alam naman nila na gala ako." Sabi naman ni Jeff.

Pagkauwi naman ay inayos lang namin ang mga groceries. Pagkatapos ay nag kanya kanya na kaming pasyal sa tabing dagat. Magkahawak kamay kami ni Dylan habang naglalakad. Papunta kami sa pinaka dulong bahagi ng Isla.

Malalaki ang bato at malakas ang hampas ng alon sa bahaging ito. Normal rin ang kilos namin at hindi kami gumagamit ng anumang mahika. Naupo kami at pinanuod namin ang pag lubog ng araw. Hanggang dumilim ay wala naman kaming napansing kakaiba. Kaya ipinasya naming bumalik sa bahay.

"So guys may napansin ba kayo sa paligid?" Tanong ko.

"Meron syempre." Seryosong sagot ni Max, agad akong napalapit dito.

"Ano ang napansin mo Max?"

Tumingin muna ito sa amin bago nagsalita. "Mapuputi sila, makikinis, makukurba ang katawan, tapos naka two piece ang hot-!.." Sabay ngisi nito. Nagtawanan naman ang mga boys.

"Naku musettt ka talaga!.." Seryoso pa naman ako. Sabay kurot ko sa kanya. Hagalpakan parin ng tawa ang mga ito.

Iniwan ko ang mga ito at pinuntahan si Ash sa kitchen, kakaluto lang ng pag kain.

"Mga sira ulo talaga 'yong mga 'yun!" Natatawa kong sabi habang naglalagay ako ng kubyertos sa mesa.

"Hay naku nahahawa na nga si Theos sa kanila." Habang naghahain naman si Ash.

Nagdinner agad kami upang makapag pahinga ng maaga. Bukas kasi maraming kaming water activities na gagawin. After dinner ay lumabas kami ni Dylan sa terrace, malakas ang malamig na hangin na galing sa dagat. Niyakap naman ako ni Dylan, habang nakatingin kami sa dagat.

"Sana matapos na ang lahat ng ito Andrie." Sabi niya habang hinahaplos ang braso ko.

"Oo nga para makapamuhay na tayo ng tahimik." ani ko.

"Para makapag pakasal tayo agad." dugtong niya. Para namang kiniliti ang puso ko sa sinabi niya.

Nang may mapansin kami sa dilim. Para itong taong tubig, nakamasid ito sa amin. Nagkunyari kami na walang nakita at pumasok kami sa loob ng bahay.

Sumenyas si Dylan sa kanila na meron kaming nakita, tumango lang ang mga ito. Nagsipasukan na kami sa mga kwarto namin para mag pahinga. Share naman kami ni Ashley ng room.

Tulog na si Ash, ng lingunin ko ito. Nakaramdam na ako ng antok, ng mapansin kong may nakasilip sa bintana. Nakamasid ito sa amin, hindi ko na masyadong tinitigan. Nagkunyari akong tulog, ipinikit ko na ang mga mata ko.

Ilang saglit pa ay naramdaman kong may humawak sa paa ko, malamig ito na parang yelo. Pinakiramdama ko ang paligid kung may kasama pa ito. Wala akong maramdamang ibang aura, naramdaman kong lumutang ako. Hinihila niya ako habang nakalutang sa ere, nag panic ang utak ko. Hindi ko alam kong hahayaan ko lang ba ito, na isama ako sa kuta nila 'o kaya lalabanan ko ito?

Hinayaan ko nalang ito na tangayin ako, mas maigi para siya mismo ang magdala sa akin kay Ditana.
Pinandigan kong tulog talaga ako, nakita kong nasa dalampasigan na kami. Biglang may bumalot sa akin na parang sapot bago kami lumubog sa tubig. Hindi ako nabasa ng tubig, normal padin ang paghinga ko.

Lumangoy ito pailalim habang hawak niya ang paa ko, kitang kita ko ang mga halamang dagat at ibat ibang uri ng isda. Maya maya ay pumasok kami sa isang kweba, pagkaraan ay sinapit namin ang isang malaking gate ng makapsok kami roon ay nakita ko ang isang palasyo. Pumasok kami roon at dinala niya ako sa harap ng isang napakakisig na lalake na nakaupo sa trono.

"Mahal na hari, iniaalay ko sayo ang bagong alipin." Habang nakayuko ito. Nakatihaya na ang posisyon ko na parang normal lang na nakahiga.

Bumaba naman ang hari sa trono at tiningnan ako, hinaplos niya ang mukha ko. Ngumiti ito habang tinititigan niya ako.

"DALHIN SA SILID!!" utos niya sa alipin. Agad itong tumalima at hinila ulet ako.





ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Where stories live. Discover now