Chapter Thirty-Seven

6.1K 189 1
                                    

Nailagan ko agad ang pagtira ni Malakya. Inipon ko ang lakas sa kamay ko, ngunit kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Naghahalo ang lamig at init, ibinato ko sa gawi nila ang nabuong liwanag. Tinamaan si Aydan, nagulat ako dahil naging estatwang yelo ito.

"Ano ang ginawa mo Andrea?" Dumagundong ang boses ni Malakya. "Kamatayan ang kaparusahan sa ginawa mo." Sigaw nito sabay umang sa akin ng kanyang baston.

Bago pa ako tamaan ay naglaho ako. Pumunta ako sa bulwagan, kong nasaan ang mga kaibigan ko.

"Humanda kayo, nakasagupa ko ang mga konseho. Nag kainitan ang usapan namin." Nagsitayuan ang mga ito.

Lumitaw naman si Malakya at Falcon, galit na galit ang mga ito. Dumating naman sina Lukan, Max, Dylan at Vera.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Lukan.

"Mga kawal hulihin ninyo si Andrea, isa siyang lapastangan!" Galit ang boses na sabi ni Malakya.

"Kayo ang lapastangan, mga taksil sa Dyamantes!" sigaw ni Lukan.

"Nasisiraan ka ba ng bait Lukan, naniniwala ka sa mga taga lupa." Sabi naman ni Vera.

"Isa ka pa Vera, baka akala ninyo hindi namin alam ang balak ninyo. Kasama mo ang taksil na salamangkero na kapag nakuha namin ang elemento ay papatayin ninyo kami." Nginisihan ko si Vera.

"SINUNGALING!" Sigaw ni Vera sabay wasiwas ng malakas na hangin.

Gumanti ako, sinalubong ko ito ng tubig ang hangin at nabuo ito. Ibinalik ko ito sa kanya. Tumilapon ito, galit itong tumayo.

"Dylan titingnan mo lang ba ang ginawa niya sa akin?" Sigaw na Vera sabay tire ulet ng hangin. Ngunit bago ito makarating sa gawi namin ay pinigilan ito ni Dylan.

"DYLAN!!!" Sigaw ni Vera.

"Alam ko ang mga ginawa mo sa amin Vera, ngunit nanahimik lang ako. Ngayon magtutuos tayo." Nangagalaiting sabi ni Dylan.

Dumating ang lahat ng salamangkero at mga mandirigma na kaalyansa nila Vera. Nagliparan kami palabas ng palasyo, nahati sa dalawa ang pangkat. Pagtingin ko ay konting engkantado lang ang nasa pangkat namin. Nakita ko si Cenon na nangunguna sa mga mandirigmang pumanig sa amin. Sumugod ang pangkat ng mandirigma nila Malakya, sinalubong ito nila Cenon. Gumawa ng shield sila Malakya, nang tirahin namin ito ay hindi tinablan. Tumitira din ang mga ito, puro pag-iwas ang ginagawa namin. Dahil kahit gumanti kami ay hindi sila tinatablan. Biglang tinamaan si Ashly at Jeff. Ngunit hindi ko sila magawang lapitan, halos patay na rin lahat ang mga mandirigma na kaanib namin. Sugatan rin si Cenon ngunit patuloy ito sa paglaban.

"HINDI NINYO KAMI KAYA ANDREA!" Sabay halakhak ni Malakya. Ibang iba ito sa mahinahon at tahimik na konseho na nakilala ko.

Paglingon ko ay muntik na akong tamaan ng kidlat na galing sa baston ni Falcon. May biglang humawak sa kamay ko si Dylan.

"Andrie naalala mo ba ang panaginip natin?!" Napatingin ako sa kanya.

Sabay kaming pumikit habang magkahawak ang aming kamay. Naramdaman ko ang mainit at malamig na bagay. Pagdilat ko ay nakalikha kami ng nag-aagaw ang asul at pula na kulay ng enerhiya. Tumira ng sabay sabay ang mga salamangkero, sinalubong namin ito ng bolang apoy. Natupok ang mga ito hanggang tuluyang maging abo. Dali dali namang tumakas si Vera, naalala ko bigla si Aydan. Naglaho ako at pinuntahan ko ito, ganun parin ito. Binasag ko siya, maya maya ay lumindol ng malakas. Kitang kita ko mula sa tuktok ang pag kawala ng espadang hangin. Kinutuban ako bigla, pumunta ulet ako sa labanan. Wala si Dylan at Lukan, sugatan na si Theos, at ang iba pa.

"Andrie abangan mo ang lagusan, itatakas nila Vera ang elemento." Sabi ni Theos hinang hina na ito. Halos patay na ang lahat ng kawal, nag iiyakan ang mga diwata. Hindi ko aakalain na hahantong sa ganito.

Lumaho ako at pumunta sa lagusan, nakita kong nakalabas na sina Vera, Haring Petre kasama  si Prof Demitrios. Sinalubong niya siguro ang mga ito sa lagusan.

"Habulin natin sila!" Sabay pasok ni Lukan sa lagusan.

Sumunod kami ni Dylan, paglabas namin sa lagusan ay napunta kami sa Disyerto. Tumatakbo si Vera at kanyang ama kasama si Prof Demitrios. Agad akong naglaho at lumitaw sa harap ni Vera, sinampal ko ito.

"Hayop ka Andrea!" Sigaw nito ngunit sinuntok ko ito sa sikmura, bago pa ito makaganti ay nakadistansya na ako.

"Mas hayop ka Vera!"

Naglaban kami, pakiramdam ko ay ang lakas lakas ko. Nag tunggali kami gamit ang espadang kidlat. Ganun din ang hari at si Dylan. Kalaban naman ni Lukan si Prof Demetrios.

"Para sa lahat ng ginawa mo sa amin Vera!" sigaw ko, itinarak ko ang espadang kidlat sa dibdib niya. Napaluhod ito at akmang magsasalita pa ngunit bumulwak ang kulay asul na dugo nula sa bibig niya.

"VERA!!!" Sigaw ni haring Petre, bago ito makatakbo ay tinagpas ni Dylan ang ulo nito. Dilat ang mga matang bumagsak ang ulo nito sa buhangin.

Napaatras naman si Prof Demitrios bago ito makatakbo ay nilamon ito ng buhangin. Iniangat ito paitaas ni Lukan at halos sabay sabay naglaho ang kanilang katawan. Napatingin kami sa umiilaw na elemento ng hangin. Nilapitan ko ito, agad naman itong lumutang at pumunta sa palad ko.

"Magmadali kayo, bumalik na tayo sa Dyamantes." Sabi ni Lukan.

Pagdating namin sa pinagdausan ng laban ay patay na ang nga kaibigan ko. Umagos ang luha ko, hindi ko alam kong sino ang lalapitan ko sa kanila. Napaluhod naman si Lukan, nabitawan naman ni Dylan ang kanyang espada. Tumangis ang mga diwata, habang yakap nila ang kanilang kabiyak. Nag iyakan ang mga bata habang pilit ginigising ang kanilang mga ama. Halos madurog ang puso ko sa sobrang sakit! Pinilit kong tumayo at pumunta sa pinakagitna ng Dyamantes at nilagay ko sa timbangan ang elementong bato ng hangin. Umusbong ang espada ngunit hindi lumindol, dumapyo ang nakakakilabot at malamig na hangin wari bagang nakikiramay ito sa kabiguan ng buong Dyamantes.

ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Where stories live. Discover now