Chapter Twelve

9.1K 293 7
                                    

"Ash? Baka hindi na tayo makabalik sa lupa. Sabi kasi nila kapag kumain ka ng pagkain ng engkanto, hindi ka na daw makakabalik." Pasimpleng bulong ko sa kanya.

"Diba itim na kanin 'yon, 'eh wala naman black rice dito?" Ganting bulong niya, mukha itong natakot hindi na nito nilulunok ang pagkain sa loob ng bibig niya.

"May problema ba?" Kunot noong tanong ni Prinsipe Theos.

"Busog na kami!" Magkasabay naming sabi ni Ashly.

"Kong inaalala ninyo ang pagkain, hindi totoong hindi na kayo makakabalik sa lupa kapag kumain kayo sa aming hapag." Nakangiti pang sabi nito.

"Huh? Paano mo nalaman ang pinagbubulungan namin?" Tanong ni Ash.

"Magkakatabi lang tayo, kaya imposibleng hindi ko kayo maririnig. Oh siya, kumain pa kayo. Pupuntahan ko muna ang mga kasama ninyo." Sabi niya at umalis na ito.

"Sama natin Andrie, pinakain na nga tayo tapos pinag isipan pa natin ng masama?"

"Kaya nga, 'eh. Wag tayong maniwala sa sabi-sabi. Tingnan mo 'yong asin, hindi tumalab sa engkanto." Nakangiwing sagot ko sa kanya.

"Oo nga nakakahiya naman dito sa gold plate, fork and knife. Isukbit ko kaya sa bewang ko tong knife at fork. T'yak malaking halaga 'to. Mahal pa naman ng gold sa market." Nakangising sabi ni Ash.

Nag katinginan kami at nagkatawanan. Nakaagaw pansin naman ito sa mga taga pag silbing engkantada, sa 'di kalayuan, mula sa pagkakayuko ay napatingin sila sa amin.

"Nahiya ka pa, isama mu na itong plato." Ganting bulong ko, napatingin naman kami sa plato. Malaki kasi ito sa ordinaryong plato. (As usual laugh trip ulet!)


"Joke lang gusto pa naming makauwi ng buhay." Pabulong at naka bungisngis na sabi ni Ash.

Sinamahan kami ng taga pag silbi pabalik sa silid, kong saan nagpapahinga ang barkada namin. Gising na ang mga ito at nakikipag kwentuhan sila kay Prinsipe Theos.

Guys?! Patakbo kaming pumunta sa kanila. Niyakap namin sila isa-isa, pati si Dylan ay nayakap ko din, sa sobrang tuwa. Para naman akong napahiyang kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

"I'm glad we're all safe." Sabi ni Jeff.

"Kaya nga eh, kala ko nga mamatay na ako dun." Sabi naman ni Max.

Kumain naman ang mga boys kami naman ay dinala ng dalawang engkantada sa isang malaking silid. Magkahiwalay pa sana kami ng kwarto ni Ash, pero sinabi naman na mag share nalang kami sa isang kwarto. Pagkaalis nila ay nagtitili kami ni Ash, para kaming nasa one million star hotel sa sobrang gara ng silid. Malaki ang dalawang kama, at may kurtina pa ito ng mga makukulay na gemstone beads. Ang tukador naman ay opal at gold na may kakaibang disenyo. Napapalamutian din ito ng diamonds na kulay olive green.

"Grabeness, gisingin mo nga ako Andrieee!" Tili ni Ash habang hawak ang suklay na ginto.


"Tsss. Sigurado ako hindi tayo nanaginip 'no! Tara ligo na tayo?" 'aya ko sa kanya.

Pumasok kami sa pinto na itinuro ng engkantada kanina. Medyo mahaba din ang pasilyo na may lilac carpet. Bumungad sa amin ang isang malaking swimming pool, makulay ang paligid nito. Sa gilid nito ay may water falls. May mga petals pang nakalutang dito. Sa bandang kaliwa ay may crystal tub jacuzzi.

May isang basket naman na nakapatong sa couch katabi ng mga tuwalya. May laman itong sponge, body oil na napakasarap ng amoy. Sabon at shampoo, at iba pa. Basta hinulaan nalang namin kong alin ba sa mga ito ang shampoo at sabon. Kakaiba kasi ang lagayan, nag swimming muna kami sa pool na maraming colorfull rose petals.

Pagkatapos naming magsawa lumangoy, ay pumunta kami sa jacuzzi. Binuhos namin dito ang oil at liquid soap. Paglubog ng katawan namin ay heaven ang feeling, bukod sa maligamgam ang tubig ay may instant body massage ka pa.

After maligo ay bumalik kami sa kwarto. Pumasok kami sa walk in closet na pinakita din sa amin kanina. Humanap kami ng damit, halos pare pareho lang na mahaba ang mangas at hanggang sakong ang mga damit. Makukulay ang mga ito, ngunit napakalambot naman ng tela. Kulay royale blue ang pinili ko, si Ashly naman ay kulay fuchia pink. Nagmukha kaming prinsesa sa mga suot namin.

Habang nag aayos kami sa malaking tukador ay may nakita kaming mga jewelries, sa loob ng drawer nito. Syempre hindi na namin sinuot kasi that's too much na. Hehe.

"Wow look at this, itong necklace ay alexandrite at itong earings naman ay scarlet emerald. Alam mo bang ito ang pinaka rare na gems sa mundo." Sabi ni Ashly, habang hawak ang kwintas na may oval shaped pendant, at ang malaking hikaw na red. Nakaka temp talaga ang mga bagay dito. Lahat kasi maganda at makinang sa paningin

"Nakakaakit 'no? Ang gaganda nila malay mo sinusubukan lang tayo, kapag nagkamali tayo ay.." Sabay senyas ko ng gilit sa leeg. Namutla naman si Ash biglang binalik nito sa drawer ang mga hawak na alahas .

Maya maya ay may dumating na engkantada, pinapatawag daw kami ng ko nseho. Sumunod kami sa kanya, nagulat kami ng pumasok kami sa isang silid bigla itong umangat, shemayy uso din pala ang elavator dito. Kita naman ang labas ng palasyo, paraiso ang lugar na ito puno ng bulaklak at makulay na puno ang hardin. May mga makukulay na ibon at malalaking paro paro.

Ilang saglit lang ay halos hindi ko na sila makita, mukhang nasa tuktok na kami ng palasyo.

Pagpasok namin sa silid ay mukha itong malaking conference room meron pa itong malaking screen sa dingding, hindi naman LED kasi may kidlat kidlat factor pa ito. Nandoon na din ang mga boys. Seryoso ang mukha ng mga ito, naramdaman kong kinurot ako Ash, alam kong natatawa ito sa damit ng mga boys. Pigil na pigil ko lang din matawa, nakita kasi namin na naka upo na lahat. Mukhang matatandang engkanto ang mga ito, kakaiba ang naramdaman ko.

Bakit kami ipinatawag? May nilabag ba kami? Shemayy baka ma stuck kami dito forever!! At dito ko mapatunayan ang salitang forever. Tsss.

ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon