Chapter Twenty-Six

6.2K 193 4
                                    

Dahil sa pagtatago namin sa  paparating na nilalang. May napansin akong liwanag na tumatagos sa pagitan ng mga bato. Sinilip ko kung saan ito nagmumula. Nakita ko ang espada ng tubig. Nakatusok ito sa gitna ng kaharian. Nang makita ko ng malapitan ang mga sirena ay kabaliktaran ito sa aking inaasahan.

Kalahating isda at tao nga ang mga ito, ngunit wala silang ilong. Singkit at mapula ang kanilang mata. Matatalas ang kanilang ngipin na may dalawang pangil. Mataas din ang hair line nila, malapad tingnan ang kanilang mukha. Mahahaba ang daliri ng kanilang kamay at may manipis na balat na siyang nag didikit sa mga ito. Kulay matingkad na asul ang kulay ng buo nilang katawan.

Walang kapaguran ang mga itong lumalangoy sa paligid ng espada. Sa tantya ko ay libo ang kanilang bilang. Nakasilip din pala ang mga kaibigan ko sa mga mga butas.

"Ang dami nila, tapos pito lang tayo? Kakayanin ba natin ang mga yan?" tanong ni Ashly.

"Hindi ko alam hindi pa natin alam ang kanilang kakayahan." Sagot naman ni Theos.

"Umakyat muna tayo para pag planuhin ang pag salakay natin." sabi ni Dylan.

Lumangoy kami paakyat ngunit laking gulat namin ng hinahabol na kami ng mga kalalakihan. May mga hawak na malaking tinidor, at malalaking sako. Paglingon namin ay may biglang tumira sa amin, tinamaan ako ng kulay itim na parang tinta! Pakiramdam ko ay naparalize ang buo kong katawan. Pati utak ko ay hindi na rin makapag isip ng maayos. Tanging mata ko nalang ang naigagalaw ko. Para akong lantang dahon na kusang sumusunod sa agos ng tubig.

Gumanti din  si Theos at Dylan, lumikha ito ng malaking ipo ipo sa dagat. Tinangay nito ang mga kalaban paibaba. Nakita ko nalang na
niyayakap ako ni Dylan, ngunit hindi ko siya nararamdaman. Habang lumalangoy sila paahon. Nataranta ang mga ito, naririnig ko sila. Hindi nga lang ganun kalinaw, para akong nasa malalim na balon.

"Anong gagawin natin? Nag iiba na ang kulay ni Andrie." Mangiyak ngiyak na sabi ni Ashly.

Nakatunghay silang lahat sa akin ngunit wala akong maramdaman. Nakita ko ang mga mata nila punong puno ng pag aalala. Bakit kahit utusan ko ang isip ko wala na itong kakayahang gumamit ng salamangka.

"Magmadali kayo, iligpit nyo ang mga gamit ninyo babalik tayo sa Dyamantes." sabi ni Theos nawala silang lahat sa harapan ko.

Nakita kong na gumawa si Theos ng lagusan, Buhat buhat ako ni Dylan ngunit hindi ko maramdaman ang kanyang bisig. Isa isa silang pumasok sa lagusan. Nakita nalang  na pabulusok na kami patungo sa kong saan. Bakit ba sila takot na takot? Eh ako nga walang maramdaman. Ipinikit ko ang mga mata ko, ito nalang ba talaga ang may kakayahang gumalaw? Pati ang pandinig ko ay limitado na rin.

Pag mulat ng mga mata ko ay nakita ko ang mga salamangkero. Salit salitan sila sa pag lapat ng lunas na kapangyarihan. Alalang alala ang kanilang mga mukha. Niyayakap ako ni Ashley. Bakit siya umiiyak? Mamatay na ba ako?

"Handa ka bang gawin ang lahat Dylan? Para mailigtas mo siya kailangan mo ang hari na siyang tagapangalaga ng hangin." narinig kong sabi ni Malakya.

Hindi sumagot si Dylan, basta nalang itong umalis. Ipinikit ko ang aking mga mata, hindi ko na rin ito kayang idilat. Pagkalaan ng isang saglit ay may nararamdaman ako. Masakit?.. May pakiramdam na ako? Ngunit bakit ganito? Napakasakit, para akong tinutusok ng libo libong karayom. Gusto kong sumigaw ngunit walang lumalabas sa bibig ko. Ni walang kakayahang bumuka ito. Naninikip ang mga kalamnan ko, pati ata dugo ko ay hindi na dumadaloy patungo sa puso ko.  Nangingimay at napakasakit ang aking pakiramdam. Ilang oras kong ininda ang sakit na iyon.

Nakita kong dumami ang tao sa paligid. Nakita ko ang mga bagong mukha ng salamangkero, at isang hari? Parang may ginagawa itong ritwal. Nakapaligid sa akin ang mga salamangkero, kasama si Malakya. Sabay sabay nilang inaangat ang kanilang baston. Lumabas ang kanilang kapangyarihan papunta sa bato na hawak ng hari. Habang nakatapat sa akin ang bato ay unti unting nawala ang napakasakit na pakiramdam. Para itong sinisipsip ng hangin, tumigil lang sila hangang sa tuluyan itong naglaho. Hinang hina ako ngunit wala na ang sakit na naramdaman ko. Umalis ang hari kasama ang mga salamangkero. Tanging mga kaibigan ko at sila Malakya ang natira, umiiyak ang mga ito habang isa isa akong niyakap. Ngunit bakit wala si Dylan?

Makaraan ang ilang saglit ay naibuka ko na ang bibig ko.

"Si Dylan?" Tanong ko.

Nagkatinginan ang mga ito, walang sumagot sa tanong ko. May dumating na diwata, may dala dala itong tubig. Ibinangon ako ni Theos at inalalayan nila akong makainom ng tubig. Uhaw na uhaw ako, napakarami kong nainum na tubig. Tahimik parin ang mga ito.

"Ashly nasaan si Dylan?" Takang tanong ko. Hindi parin sila sumasagot! Napahamak ba si Dylan, at ayaw nilang sabihin sa akin kung nasaan ito?

"Bingi ba kayo? Nasaan si Dylan?" Histerikal na tanong ko. Umiiyak na ako, nakayuko ang mga ito.

"Matulog ka muna Andrea." Sabi ni Malakya, sabay tapat niya sa akin ng kanyang baston. Gusto kong magprotesta ngunit tinangay ng antok ang diwa ko.

ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Where stories live. Discover now