Chapter Nineteen

6.8K 238 6
                                    

Pinatawag ko kayo para mag pulong tayo sa pagsalakay natin sa Asupre. Apatnapung libong mga hukbo ang sasalakay, papangunahan ito ng mga prinsipe at prinsesa ng apat na elemento ang bawat pangkat ng hukbo. Sabi ni Theos.

Nakita kong masama ang tingin sa akin ni Vera, mag katabi sila ni Dylan. Halos hindi ko na nakakausap si Dylan dahil madalas magkasama ang mga ito Pagkatapos ng pulong ay nagmadali akong umalis. Nakita kong mukhang enjoy na enjoy makipag usap si Dylan dito.

"Hoy saan ka pupunta? Bakit ka nagmamadali?" Habol sa akin ni Ash.

"Balak kong pumunta sa bundok para maghanap ng dragon na paamuin ko." Wala sa mood na sabi ko.

"Hindi mo ako isasama?" Nandidilat ang matang tanong ni Ash. Hinila ko ito at tumalon kami sa mataas na bahagi ng palasyo at lumipad patungo sa bundok ng dragon.

"Wow ang cute nila, ano kayang kulay ang maganda?" Tanong ni Ash sa akin. Kahit ako din ay nahirapang pumili. Ang gaganda kasi ng kulay ng mga ito.

"Common baby, come to mama?" Pang aakit ni Ash sa kulay golden yellow na dragon. Ngunit binugahahan siya nito ng apoy.

Napansin ko naman ang kulay purple na dragon. Katamtaman lang ang laki nito. Mukha itong matamlay dahil nakalundo ang ulo nito sa lupa. Nilapitan ko ito at hinipo, bahagya lang itong tumingin sa akin at pumikit ulet. Nakita kong may sugat ito, may nakabaon na kahoy sa bandang likuran. Unti unti kong tinanggal ang nakabaon na kahoy. Para naman itong umiiyak, base sa ungol nito.

Pagkatapos kong matanggal ay umagos ang kulay green na dugo. Hinipo ko ang sugat niya, may bahagyang liwanag ang kamay ko. Naampat ang pag durugo at sumara ang sugat. Ibig sabihin ay may kakayahan din akong magpagaling? Inangat nito ang ulo niya, mukhang bumalik ang lakas nito. Kumuha ako ng damo at tubig, agad siyang kumain at uminum. Pagkatapos ay naigagalaw na niya ang kanyang pakpak.

"Andrie look, I tamed a dragon." Sigaw ni Ash habang nakasakay ito sa golden yellow na dragon. Sigaw ito ng sigaw habang lumilipad sila.

Pumagaspas naman ang pakpak ng katabi kong dragon habang nakatingin sa akin. Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin.Sumakay ako sa likod niya.

Baby be careful, kaya mo na ba? Tanong ko, as if naman na sasagot ang nilalang na ito. Bumuga ito ng apoy at masigasig na lumipad.

Sumunod ito kela Ashly, tuwang tuwa kami ng makita namin ang ilan pang bahagi ng Dyamantes. Huminto naman ang dragon sa may water falls, Napakaganda ng lugar, at napakalinaw ng mala kristal na tubig. Naligo kami ni Ashly, may parte na malamig at maligamgam na tubig. Naligo din ang mga dragon, tuwang tuwa naman ang bago kong alaga habang sinasabuyan ko ito ng tubig.

Pag balik namin sa palasyo ay inihabilin namin sa kawal ang bago naming alaga. Habang naglalakad kami papasok sa Palasyo ay nakasalubong namin ang mga kalalakihan.

"Saan ba kayo galing, kanina pa namin kayo hinahanap?"Nag aalang tanong ni Jeff.

"Namasyal lang kami Jeff. Don't worry safe naman dito." Sagot ko naman.

"Sige mag bihis na kayo para makapag meryenda na tayo." Sabi naman ni Patt.

Sobra kaming nalibang, hindi pa kami nakpag tanghalian. Nakaramdam ako bigla ng gutom ng maalala ko. Pagkatapos naming magbihis ay agad kaming kumain ni Ashley. Habang nagmemeryenda naman ang kalalakihan.

"Bakit parang ang lungkot mo ata Andrie, is there something bothering you?" Tanong ni Patt.

"Yes. I miss mom and dad." Malungkot na sabi ko.

"Gusto mo ba munang umuwi?" Tanong ni Theos.

"Pwede ba?"

"Ikaw kung gusto mo? Matagal pa naman ang pagsalakay natin. Aantayin pa natin ang pag bilog ng apat na buwan dito sa Dyamantes." Sabi naman ni Theos.

"Oh my, your going home? I'll go with you." Segunda naman ni Ashly.

"How about you boys?" I asked.

"Saka na ako uuwi kapag maayos na ang lahat." Sabi naman ni Jeff. Ganun din naman ang desisyon ni Pat, at Max.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam si Theos at Ash na may pupuntahan. Tumayo na rin ako at lumabas ng palasyo. Naupo ako sa upuan sa hardin.

"Andrie, can I join you?" Biglang sumulpot si Dylan.

Tumango ako at umusad. Umupo siya sa tabi ko.

"Are you mad?" Tanong niya.

" No!" Maiksi kong sagot.

"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong pa ulet niya.

"Bakit naman?"

"Kasi halos hindi na tayo nag uusap eh. May nagawa ba ako?"

Napatingin ako sa kanya, at umiling, ayoko ng magsalita. Gusto ko ngang sabihin na siya nga itong busy kasama si Vera, tapos ako pa ang may issue?

"Dylan kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala." Si Vera. Ang nilalang na kinaiinisan ko dito sa Dyamantes.

"Bakit naman Vera?" Tanong ni Dylan kay Vera.

"May salo-salo sa aming kaharian, mamayang gabi siguraduhin mong makakarating ka." Sabi pa nito.

Pumayag naman agad si Dylan. Niyaya ito ni Vera na mamasyal. Tumingin pa ito sa akin na parang nanghihingi ng permiso. Blankong mukha ang sinalubong ko sa kanya.

"Andrie, saglit lang ha?" Paalam pa nito sa akin.

Kahit matagal, kahit wag ka ng bumalik! Inis na sabi ko ng makaalis sila.

Pagpasok ko ay nakita ko ang tatlong bugoy. Ibinalita nila sa akin na invited sila sa party nila Vera.

"Pumunta na kayo boys. Baka sabihin paimportante kayo." Sabi ko.

"Don't worry sayo parin ang loyalty namin." Sabi ni Pat.

Kaming dalawa lang ni Ashley ang hindi invited sa party. Gigil na na gigil ako kay Dylan. Talagang ipinapakita niya na wala akong halaga sa kanya.










ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Where stories live. Discover now