Chapter Thirteen

8.7K 305 6
                                    

Tahimik kaming umupo ni Ashly sa harap ng mga boys. Nginitian ko ang mga ito, bahagya lang din silang ngumiti. Ilang saglit pa ay dumating si Prinsipe Theos, kasama si..

Professor Demitrios??? Sabay sabay na sabi namin. Napatayo pa kami sa kina uupaan namin. Sumenyas naman ito na umupo muna kami, dumerecho ito sa tatlong matatandang engkanto. Hindi kami pwedeng magkamali siya si Prof Demitrios Ferrer.  Isa siyang professor sa Angelspear Academy ang school namin noong college.

Hindi lang siya basta professor, siya ang founder ng Green Earth Club kong saan ko nakilala ang buong barkada. Freshman palang ako noon, tumitingin ako sa bulettin board para maghanap ng sasalihang club. Lumapit siya sa akin at kinumbinsi niya akong sumali sa club niya. Mukhang maganda naman ang advocacy kaya pumayag ako. Dito ko nakilala ang buong barkada, magkakaiba kasi kami ng kurso. Ang ilan sa amin ay  naging magkaklase sa ilang minor subjects.

Gaya ko ay si Prof Demitrios  mismo ang nag approach sa kanila para sumali sa club. Nag enjoy naman ako, dahil alam kong nakakatulong ako para i-save ang green earth project. Ito ang naging dahilan kong bakit kami naging nature lover, naispired kasi kami ni Prof.

Pero bakit nandito siya? Sa tingin ko ay isa din siyang engkanto, mahaba din kasi ang tenga niya.

"Nagtataka siguro kayo kong bakit ako nandito, well it's nice to see you again, after three years?! Alam ko marami kayong katanungan, pero mukhang ang kapalaran ninyo mismo ang nagdala sa inyo dito." Sabi ni Prof.

Nagkatinginan kaming anim.

"Ipinakikilala ko sa inyo ang punong konseho ng Dyamantes, si Malakya, ang kanyang kanang kamay si Gadiel, at ito naman si Semalyon. Marami pang myembro ang konseho pero sila ang mahalagang makausap ninyo." Sabi pa ulet ni Prof.

"Prof wait? Why are you introducing them to us?" Nagtatakang tanong ni Pat. Tahimik naman si Dylan, mukhang hindi din ito makarelate.

"Sila ang nakakaalam ng sekreto ng Kaharian ng Dyamantes."

Hehe tsismoso si prof. Sekreto nga eh, may balak sigurong ipagkalat. Duhh! Anung pake namin?

"Ahh ok! Nice meeting you all po, hihi." Muntanga si Ashly, pero tumango naman ang tatlong matanda.

"Hindi 'nyo basta basta makikita ang hinahanap ninyo sa gubat, dahil nasa mundo sila dito sa ilalim ng lupa." Sabi ni Prof.

"So? Alam mo prof na may hinahanap kami  sa gubat?" Kunot noong tanong ko.

"Oo, nasubaybayan ko ang inyong kilos. Nasa Asupre ang hinahananap ninyo. Ginawa silang alipin ng malupit at sakim na si Marduko ang hari ng Asupre."

"Saan matatagpuan ang Asupre?" Tanong ni Dylan, nakita ko ang pag asa sa kanyang mata.

"Sa ilalim ng patay na dagat na pula, hindi kayo basta basta makakapunta duon." Sabi ni Prof.

"Anong kailangang naming gawin para makapunta doon?" Tanong ni Jeff.

"Magandang katanungan." Nagsalita si Malakya, napatingin naman kaming lahat sa kanya.

Hmm.. I want to grab some popcorn! Nakikinig lang ako sa kanila, mukhang hindi nga biro ang pag dadaanan namin. Kung sakaling pupunta kami doon sa Asupre.

"Ang tanong gaano 'nyo na ba kakilala ang inyong sarili?" Sabi pa ulet ni Malakya. Nagkatinginan lang kami.

"Wala ba kayong napapansin sa inyong sarili?" Tanong ni Prof Demitrios.

Shemay ano kayang ibig sabihin ni prof? Of course we know ourself very well. Matagal ko ng kasama ang sarili ko, most of the time nga, naguusap pa  kami. Oo nga pala Psychology Professor si Prof, for sure ginagamitan niya kami ng Psychology. Sa kanya nalang kaya ako magtanong about sa problema ko sa utak?  Nyay! Napangiwi ako.

"Andrea are you with us?" Si prof, nakatingin silang lahat sa akin.

"Tinatanong ka ni prof kong kilala mo ang sarili mo. Eh, mukhang na space out ka na naman." Bulong ni Ash.

"Yes prof, bakit po?"

"Gaano mo ba ka kilala ang sarili mo?" Shemayy anong tanong ba naman yan prof, alam mo na ba na may mental illness ako? Naisip ko, I clear my throat bago ako nagsalita.

"Oo naman prof." Confident na sagot ko.

"Are you sure?" He asked again.

"Ano ba ang issue dito prof? Eh, baka mabaliw ako sa tanong 'nyo!"

"How about you Dylan? And all of you?" Nagkatinginan kami. Sa sinabi ni Prof. Paano niya nalaman ang pangalan ni Dylan? Ahh! Chinika siguro ni Theos.

"Hindi 'nyo ba itatanong sa amin ang  mga panaginip ninyong anim?" Sabi pa ulet ni Prof.

"Prof,  I know we've been in traumatic experience. But I'm pretty sure that I am mentally fit. Mukhang nag cocouncilling tayo dito, ah? " Naka simangot na sabi ko.

Nakita ba ninyo ang dalawang espada sa kaharian? Dati ay apat ang nakatayo diyan. Na sumasagisag sa apat na elemento. Ang bawat elemento ay may tagapangalaga na hari at reyna. Halos dalawampung taon na ang nakaraan ay may nagtaksil sa Dyamantes, Si Marduko ang pinunong mandirigma ng Dyamantes. Kasama niya si Ditana ang tagapangalaga ng reyna ng elemento ng tubig. Ninakaw ni Marduko at Ditana ang dalawang elemento na nag uugnay sa mga bato. Ang elemento ng apoy na napunta kay Marduko at ang elemento ng tubig na kinuha naman ni Ditana."

"Wait ano naman ang kinalaman namin dyan?"  Sabi ni Max

"Malaki kaya makinig kayo!" Ma-otoridad na sabi ni Malakya.

Natahimik kami at nagkatinginan.





ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon