Chapter Eighteen

6.9K 248 3
                                    

Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko. Anak ng talunan? Hindi ba pinagtaksilan ang mga magulang namin! Napakawalag modo ng babaeng ito, akala ko lahat dito sa Dyamantes ay mababait. Katulad din ito sa mundo ng mga tao na may masama at mabuti.

"Pinag taksilan sila at hindi talunan!" Pigil ang galit na sabi ko.

"Magdahan dahan ka sa pananalita mo Vera, hindi mo alam kong gaano sila kahalaga sa Dyamantes." Malumanay ngunit inis na sabi Theos.

"Ang katotohanan lang ang sinasabi ko Theos." Sabi pa nito.

Inis kong tinungga ang laman ng kopita ko.

"Bakit ka nandito?" Inis kong tanong.

Hindi niya ako pinansin sa halip ay lumapit ito kay Dylan.

"Ipag paumanhin mo Dylan, hindi ko gustong lapastanganin ang mga magulang mo. Sana ay mapatawad mo ako." Sabay papungay ng kanyang mata.

Tumango lang si Dylan. Tinabihan ito ni Vera at nag usap ang mga ito.

"Shit Andrie nangangamoy flirt. Kong hindi lang nakakahiya kay Theos, kanina ko pa yan binuntal." Gigil na sabi ni Ash sa akin.

"No wonder na mahangin, eh sila daw ang tagapangalaga ng hangin. Letse siya sagarin niya ako at manghihiram siya ng mukha sa aso." Gigil na sabi ko.

"Selos ka ano?" Nanunudyong tanong niya.

"Oo, at gusto ko siyang patayin grrr." Sabay halakhak namin ng malakas ni Ashley.

"May nakakatawa ba?" Tanong ni Vera, habang nakataas ang kilay.

"Masama bang tumawa dito?" Mataray na sagot ni Ash, napangiti naman ako.

"Baka hindi mo kilala ang kausap mo?" Mataas ang boses na sabi ni Vera.

"Spell I DONT CARE!" sabay irap ni Ash.

"Tama na yan baka magka initan pa kayo, nandito tayo para mag saya." Tense na sabi ni Theos.

"Exactly Theos, were here to celebrate. Tayong pito lang!" Patutsada ko.

"Matalas ang iyong dila babae." Sigaw ni Vera sabay wasiwas ng kanyang kamay nakita kong may enerhiyang sibat na papunta sa akin.

Sinalag ko ito at binalik sa kanya, tinamaan siya at tumilapon. Akmang susugurin ako ng mga kawal na kasama niya. Ngunit namagitan agad si Theos, tinulungan ni Dylan si Vera na makatayo. Lalong umusok ang bumbunan ko.

"Bitch, don't mess with me!" Galit na sigaw ko sabay martsa, papunta sa silid namin. Sumunod naman si Ashly sa akin.

Humabol din ang tatlong lalake sa amin.

"Andrie, ok ka lang?" Tanong ni Jeff.

"Eto badtrip, ang talas ng dila ng babaeng 'yun."

"She deserved that, masyado siyang mayabang." sabi naman ni Patt.

Pumunta na rin ang mga boys sa silid nila, kami naman ni Ash ay tumungo sa kwarto namin.

"Nakakainis si Dylan tinulungan niya pa talaga ang babaeng 'yun." Gigil na sabi ko, sabay hagis ng katawan ko sa malambot na kama.

"Hayaan mo na, alam mo naman gentleman talaga si Dylan." Sabi naman ni Ash.

"Ah basta, I hate them both!" Sabay takip ko ng unan sa mukha.

"Hate agad? So sinasabi mo magpapatalo ka ng ganun ganun lang? Hahayaan mong mapunta si Dylan kay Vera?" Panunulsul naman ni Ash.

"No way!" Sigaw ko naman.

----

Dahil sa nangyari ay ipinatawag kami ng konseho.

"Hindi ko nagustuhan ang ginawa ninyo. Kayo nga dapat ang magpanatili ng kapayapaan sa Dyamantes. Hindi 'yong kayo pa ang manguna para magkagulo." Galit na sabi ni Malakya.

"Siya ang lumapastangan sa akin! Sinaktan niya ako!" Galit na sigaw ni Vera sabay turo sa akin..

"Gusto mo saktan talaga kita? Sinungaling 'toh." Inis kong sabi.

"Tumahimik kayo, ayoko ng maulit ang nangyari.," Sabi ni Malakya.

"Konseho hindi mo ba siya paparusahan sa ginawa niya sa akin?" Sabi pa ulit ni Vera. "Kong hindi ay makakarating ito sa aking amang hari." Pananakot pa nito.

"AYAW MONG TUMIGIL?" Galit na galit na sabi ko sabay tayo. Nakita kong lumapit sa akin si Aydan at Falcon. Inakay nila ako palabas ng tanggapan ng konseho. Alam kong may ginawa sila sa akin dahil namigat ang talukap ng mga mata ko.


----

Pagmulat ko ay nasa silid na ako, nakatunghay naman sa akin si Ashly mukhang inaabangan ang paggising ko.

"Buti at nagising kana. Ayos ka lang ba?"

"Ano ba ang nangyari Ash?" Naguguluhan kong tanong.

"Sa sobrang galit mu kanina, yung mata mo naging kulay apoy at asul. Ang buhok mo naman biglang nagtaasan naging kulay asul na nakakasilaw. 'At ang katawan mo lumagablab na parang apoy. Kung nakita mu lang kong paanu nataranta ang mga konseho kanina. Paglabas ninyo ayun napagalitan si Vera, mukhang lalong nadagdagan ang galit niya sayo. Kaya mag iingat ka, napahiya kasi siya sa amin." Paliwanag ni Ash

Napabuntung hininga ako at tumayo para uminum ng tubig. Nang biglang may kumatok sa pinto, pagbukas ko ay ang tatlong konseho. Pinapasok ko ang mga ito.

"Andrea kamusta na iyong pakiramdam?" Tanong ni Malakya.

"Mabuti naman po, bakit nga pala kayo naparito?"

"Narito kami para paalahanan ka, wala pang diwata ang nagtaglay ng kakayahang taglay mo. Pag aralan mong pigilan ang emosyon mo. Maari itong ikapahamak ng Dyamantes, lalo na ang sarili mo." Sabi ni Malakya.

Pagkatapos ng ilang babala at paalala ay umalis na ang mga ito. Para naman akong nanghina sa sinabi nila. Ang kakayahang taglay ko ay siya ring mitsa ng buhay ko?

ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Where stories live. Discover now