Chapter Twenty-Five

6.2K 205 4
                                    

Samantala alalang alala naman ang mga kaibigan ni Andrea sa kanya lalo na si Dylan.

"Hindi ko naramdamang bumangon siya. Paggising ko saka ko nalaman na wala siya." nagpapanic na sabi ni Ashley.

"Tanghali na, kong mamasyal lang 'yun dapat kanina pa siya nakabalik." sabi naman ni Patrick.

"Halos ikutin ko na ang buong Isla wala talaga siya." Si Jeff.

"Masama ang kutob ko may mga bakas ng tubig sa sahig." sabi ni Dylan sabay punta sa dagat. Pumikit siya at hinawakan ang tubig. "Nasa dagat si Andrea." galit na sabi ni nito.

----

Naramdaman kong may pumasok sa silid na pinagdalhan sa akin. Minulat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng lalake.

"Sino ka?" tanong ko sa kanya.

"Ako si Homer, ang hari ng Oceanus." Pagpapakilala nito sa sarili, ibig sabihin may mga kaharian dito sa ilalim dagat?

"Anong ginagawa ko dito? Bakit ako naririto?" kunwari ay nagpapanic na tanong ko.

"Huminahon ka, hindi kita sasaktan. Ano ang iyong pangalan?"

"Andrie." sagot ko naman.

"Halika Andrie, ipapakita ko sayo ang aking kaharian." Inabot ko ang kamay niya.

Lumangoy kami, napansin kong puro lalake ang mga narito. May mga hawak itong sandata na parang malaking tinidor. Gawa sa bato ang kanilang kaharian, parang isang malaking maze. Dahil marami itong pasikot sikot.

Nakalabas na kami sa isang malaking gate. Sumalubongsa paningin ko ang nakakabighaning tanawin. Halos nahawakan ko na ang ibat ibang uri ng malalaki at maliliit na isda, makukulay ang mga ito. Nakikipag laro ang mga ito sa mga nag-gagandahang halaman, sa tabi
ng mga corals. Marami pa akong nakitang mga lamang dagat, para akong nasa loob ng malaking aquarium. Napakalinaw at napakalinis ng tubig.
Bigla akong nalungkot tiyak
nag aalala na ang nga kaibigan ko. Balak pa naman naming mag island hoping at snorkeling ngayon.

Malayo na ang narating namin, nang may mapansin akong maliwanag sa banda pa roon. Lumapit kami at nakita ko ang mga sirena. Bahagya akong hinila ni Homer at nagkubli kami sa bato.

"Bumalik na tayo." yaya niya sa akin. Lumangoy ulet kami pabalik.

"Homer anong meron doon? Kaharian ba 'yun ng mga sirena?"

"Kaharian yun ni Ditana, siya ang pinakamalakas dito sa ilalim ng dagat. Kinuha niya ang mga sirena at mga kalalakihan. Payapa kaming namumuhay na magkakasama dati. Ngunit nagkawatak watak kami dahil sa kagagawan ni Ditana. Nag hirap ang aming kaharian simula ng dumating siya dito."

"Kayo ba ang nangunguha ng ilang kababaihan na nawawala sa tabing dagat?" tanong ko.

"Oo sa kagustuhan naming magparami, ngunit hindi maaring mabuhay ang mga tao dito. Hindi sapat ang aming kakayahan para panatilihin silang humihinga sa ilalim ng tubig. Nagpasya kaming ibalik na sila sa tabing dagat ngunit dinala siya ng mga taksil kong kasamahan sa kaharian ni Ditana, para gawing alipin. Pati ang aking Ina na siyang reyna ng Oceanus ay ginawang alipin.

Hindi ko alam kong maniniwala ako sa sinasabi niya. Kung ganun nga kalakas si Ditana bakit hindi pa sila tuluyang nasakop nito. Hindi kaya isa itong panlilinlang. Kailangan ko munang magmatyag, sa mga ikinikilos nila. Masyadong kumplikado ang kanyang kwento. Hindi na ako masyadong nagtanong pa. Papasok na ulet kami sa kanyang kaharian.

"Gusto kong ikaw ang maging reyna ng kaharian ko Andrie."

"Hindi pwede ang gusto mo Homer, may boyfriend ako. Isa pa may sarili akong buhay. Hindi ako taga rito sa mundo ninyo."

"Hindi maari, hindi ka na makakaalis dito. Pare pareho lang kayong mga tao mga makasarili." biglang lumaki ang boses niya, naglabasan ang mga galamay nito na parang pugita. Hiniklat niya ako at inilapit sa kanya. "Naintindihan mo ba ako? Sa aking mga kamay nakasalalay ang buhay mo. Kaya sundin mo ang gusto ko." galit na sabi niya.

Pumasok kami sa kanyang silid, nawala ang kanyang mga galamay.
Shemay bipolar ata ito. Kanina mabait tas biglang sinapian. Umupo ako sa kama na gawa sa bato.

"Homer bakit ka ba nagagalit? Pusit ka ba? Bakit nag karoon ka ng mga galamay?"

"Hindi ka ba natatakot sa akin Andrie?" manghang tanong niya.

"Hindi!"

"Bagay ka talagang maging reyna ko, matapang. Yan ang gusto ko." pangiti ngiting sabi pa nito.

Shemayy naloko na. May mood-swing ito kanina galit, tapos ngayon pangiti ngiti naman. Naku papalapit na siya sa akin.

Tumabi ito sa akin at inakbayan ako. sabay halik sa leeg ko. Tinanggal ko ang kamay niya at tumayo. Inis akong humarap sa kanya.

"Bastos!... manyak!!" Gigil na sabi ko.

Naningkit ang mata nito. "Igalang mo ako dahil ako ang hari ng kahariang ito." galit itong tumayo.

Bigla kong pinalabas ang mahabang sibat na yelo, na kasing tigas ng bakal.

"Binabalaan kita Homer, mapipilitan akong saktan ka." sabi ko sa kanya, napaatras naman siya. Halatang nagulat ito. "Inuutusan kita tubig, gapusin mo ang lapastangan sa harapan ko." Bulong ko sa aking isipan. Gumalaw ang tubig at agad itong pumaikot sa katawan ni Homer. Takot na takot ito at halatang hindi na siya makagalaw.

"Alipin ka ba ni Ditana? Magsabi ka ng totoo. Dahil kung hindi papatayin ka ng tubig na nakabalot sayo." sabi ko habang nakatutok ang sibat sa kanya.

"Sino ka?" Gulat na gulat na tanong nito. Habang pilit kumakawala sa pagkakatali sa kanya ng tubig.

"Sagutin mo ang tanong ko!" Lalong humigpit ang nakagapos na tubig sa kanya.

"Oo mga alipin kami, ako ang inatasang magbantay sa labas ng kaharian." Agad na sagot nito.

"Kuog ganun gumagawa ka ng kwento? Bakit ninyo kinukuha ang mga tao sa lupa?" Galit na sabi ko.

"Wala ka ng pakialam dun!" singhal niya. sinamaan ko ito ng tingin.

Bumulong ulit ako at inutusan ko ang tubig na igapos ang mga kalalakihan na nandito sa loob ng kahariang bato.

Pagpikit ng mga mata ko ay nakita ko sila Dylan. Papalapit ang mga ito sa akin,. Naglaho muna ako at sinalubong ko sila.

"Bulagaaaa!" Ginulat ko sila, sabay tawa ko.

"Andrea!!!" Nagulat ang mga ito sa biglang pagsulpot ko.

"Ano ka ba pinag alala mo kami! Bakit ka ba kumikilos magisa, paano kung napahamak ka?" Galit na sabi ni Dylan.

"Oo nga naman Andrie." Segunda naman ng barkada.

"Sorry naman guys, may tumangay sa akin kaya hinayaan ko nalang. Good news alam ko na ang kuta ni Ditana. Bihag ko ngayon ang ilan niyang tauhan."

"Mabuti kung ganun." Sabi naman ni Ashly.

"Huwag mo ng uulitin yan Andrie, pinag alala mo ako." Sabi ni Dylan at niyakap ako.

"Guys mag tago tayo may paparating." sabi ni Patrick, agad kaming nag kubli sa mga halamang dagat at mga bato. Mukhang malaking isda ang paparating at mahaba ang katawan nito na parang ahas.









ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon