Chapter Four

10.8K 359 2
                                    

Huminto ang tricycle, natanaw ko ang kubo malapit sa kalsada. Mukhang nag-iisa lang ang kubo sa lugar na ito. May usok na nang-gagaling dito, ibig sabihin may taong nakatira. Kung mapanganib, bakit may nakatira pa rito?

"Hanggang dito nalang ako, mabuti pa ay dumaan muna kayo sa kubo. Kay tata Dario,isa s'yang albularyo. Marami siyang alam tungkol sa bundok." Sabi ng driver.

"Salamat brod." Sabay abot ni Jeff ng isang libo.

"Mag-iingat kayo." Sabi pa nito bago umalis.

Naglakad kami papunta sa kubo, may isang lalakeng sumulpot sa gilid ng kubo. Nasa late thirties siguro ang edad nito.

Magandang tanghali po, kayo po ba si tata Dario?" Tanong ko.

"Anak 'nya ako, anong kailangan ninyo sa tatang ko?"

"Ah.. Mga hikers po kami." maagap na sagot ni Ashly.

"Hali kayo dito sa likuran." Sumunod naman kami sa kanya. Malinis ang paligid ng kubo may mga nakasalansan na panggatong na kahoy sa isang tabi. Marami din silang tanim na gulay, may mga manok din na native na nagkalat habang naghahanap ng matutuka nila sa damuhan.

Pag dating namin sa likod ay may naka upo na lalake nakatalikod ito sa gawi namin. Mukhang taga syudad din ito, basi sa pananamit niya. Katabi niya ang isang camping bag. Ibig sabihin mountaineer din ito, ngunit bakit siya nag iisa?

Kaharap naman niya ang isang matanda, 'ito na siguro si tata Dario.

Magandang hapon po. Sabay sabay na bati namin. Napalingon naman ang lalake, pamilyar ang kanyang mukha.

Ano ang kailangan ninyo?" hindi tumitingin na tanong ni tata Dario." Maupo muna kayo." Sabi niya pa ulet. Ngunit nakatingin lang ito sa iisang direksyon.

Tumalima naman kami at naupo sa upuang kawayan. Bahagya lang sumulyap sa amin ang lalake at uminum ito ng kape. Military cut ang gupit nito, matangkad at malaki ang katawan. Sa tantya ko ay nasa late twenties lang din ito.

"Aakyat ba kayo ng bundok?" Tanong ni tata Dario.

Opo.. Sagot namin. Bahagya namang tumango ang lalake sa gawi nila Jeff. Ngumiti lang din ang mga ito.

"Alam nyo naman siguro ang bali balita na mapanganib ang bundok. Bakit pa kayo tutuloy?"

Hindi kami sumagot-nagkatinginan muna kami!

"Eh, totoo po ba 'yon?" Tanung ko.

"Tumanda na ako ng ganito ngunit patuloy pa rin akong lumalaban para mabawi ang anak kong babae. Kinuha siya ng kalikasan, nong minsang pumunta kami diyan para manguha ng prutas. Dalawampung taon na ang nakaraan." Bakas sa mukha nito ang matinding lungkot.

Nagkatinginan  kami..

"Ilang beses na akong pumasok sa gubat sa paanan ng bundok. Ginamit ko ang aking kakayahan bilang albularyo, pero napakalupit ng mga elemento. Binulag nila ako ng mapatay ko ang isa nilang kasamahan, nag anyong  ibon ito. Nagising nalang ako, nasa labas na ako ng gubat madilim ang paligid. Nawala na pala ang aking paningin, gayun pa man naghihintay parin ako ng tamang pagkakataon. Bago manlang lisanin ng katawang lupa ko ang mundo, ay mabawi ko sana ang anak ko." Kaya pala hindi manlang siya tumitingin ay bulag pala ito, nakaramdam ako ng awa.

Nagkatinginan ulet kami-- tahimik kami at naghihintay pa sa sasabihin ni tatang.

"Siya nga pala si Dylan, kaya siya naparito upang hanapin ang kanyang nawawalang kapatid!" Napatingin kami kay Dylan.

"Seriously??" Si Ashly.

"It's been two month's hindi na nakauwi si Celine ang kapatid ko. Dito din sila nag punta ng mga kaklase niya. Ngunit hindi na siya nakabalik. But the rest of her classmate ay naka uwi, napahiwalay daw ito ng may humabol na hayop sa kanila." Malungkot na sabi ni Dylan.

"Baka naman, nagtanan at paeklay niya lang na nawala siya." Hindi ko na naman napigilan ang bibig ko.

"Who are you to judged my sister? You don't even know her!" Medyo galit na sabi niya. Napahiya naman ako.

"Pinakita niya ang picture  ng kapatid niya. Isa nga ito sa mga pumasok sa gubat. Natatandaan ko pa." Sabi naman ng anak ni tata Dario.

"Pinahanap nyo na ba siya?" Si Jeff.

"Yes, una hinanap siya ng locale police dito. Then umupa kami ng mga private imbestigator para maghanap. Pero walang resulta, natatakot daw sila maraming wild animals sa gubat. That's why I quit my duty as a soldier. Para hanapin ang kapatid ko."

"Mag isa kang papasok sa gubat?" tanong ni Max.

"Yes..hindi ako titigil hanggat hindi ko siya nakikita."

"Gaya ng bilin ko sayo iho wag kang magpapalansi sa mga bagay na makikita mo." Sabi naman ni tata Dario.

"Yes, tatang maraming salamat po sa mga payo mo."

"So ano guy's tutuloy pa ba tayo??" Tanong ni Jeff.

Nagkatinginan muna kami..

"Nandito nalang din tayo 'e. Deh tuloy na natin." Sabi ni Ashly,. Hindi ako nagsalita, badtrip ako kay Dylan.

"Dylan kong gusto mo magsama-sama nalang tayo?" Sabi naman ni Jeff.

"Kong ok lang sa mga kasama mo? Walang problema." Sagot naman nito.

Okeyyyy!! Halos sabay-sabay na sabi nila maliban sa akin.

"Kong ganun mag iingat kayo."Sabi ni tata Dario, tinawag nito ang anak at may pinakuha ito sa loob.

"Siya nga pala we haven't introduce our selves.. Ako si Jeff, sila naman si Ashly, Max, Patrick at Andrea."

"It's Andrie." Sabat ko, ayoko kasi na tinatawag ako na Andrea masyadong feminine. Hindi naman ako boyish, basta hindi ko lang feel.

"Dalhin nyo ang mga batong ito, 'wag nyong ihihiwalay ito sa inyong katawan. Proteksyon ito sa masamang elemento. Kaunti nalang ang natira sa agimat na batong ito kaya bihira akong magbigay." Isa-isa kaming dumampot ng batong kulay puti. Isinuot namin, ginawa na kasi itong kwintas.

ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Where stories live. Discover now