Chapter Fifthteen

9.2K 269 8
                                    

Tumigil ako sa pag iyak. Tiningnan ko ang reaksyon nilang apat. Nakatulala parin ang mga ito.

"Kaya ang mga kapangyarihang taglay ninyo ay pinigilan ng bathala. Upang hindi kayo makapinsala. Hindi pa ninyo ito kayang kontrolin. Ikaw Dylan at Andrea ay binasbasan ng bathala na magtaglay ng apat na elemento. Kayo lang ang tanging may taglay nito sa buong Dyamantes." Sabi ni Malakya.

"Kaya ako napunta sa mundo ng mga tao, upang matupad ang propesiya. Sinikap kong pag ugnayin kayo, hindi nga ako nabigo." Sabi naman ni Prof.

"Kong totoo ang sinsabi ninyo, sino ang kapatid na hari na nasa mundo ng mga tao?" Tanong ko.

"Ang ama ni Ashly, magpinsang buo kayo." Sagot ni Malakya.

Niyakap ako ni Ash, masaya ako ng malaman kong pinsan ko siya. Ibig sabihin magkadugo kami.

"Prof kaya ba panay kwento mo sa akin dati ng Mount Bulakaw? Inaakit mo kaming pumunta dito?" Tanong ni Jeff.

"Sa totoo lang wala talagang bundok, imahinasyon lang ng mga tao ang nakikita nilang bundok. Ang gubat na yaon ang tanging lagusan na nakabukas. Ngunit nalaman ito ni Marduko. Inutusan niya ang kanyang kaalyansa, na ang lahat ng papasok doon ay dudukutin nila. Maging sa mundo ng mga tao ay may mga alipin si Marduko. Sila ang naghahasik ng lagim doon." Paliwanag ni Prof.

"Ibig sabihin full blooded engkanto kami, pati ang mga parents namin?" Tanong ni Max.

"Oo Max, ngunit wala na silang maalala." Sagot ni Prof.

"Sa ngayon gusto kong mabawi ang kapatid ko. Maari ba ninyo akong tulungan sa nararapat kong gawin?" Tanong ni Dylan.

"Magsisimula kayo sa pagsasanay ninyo bukas, upang mabuksan ang lagusan ng inyong kapang yarihan. Sa ngayon ay magpahinga muna kayo sa inyong silid." Sabi ni Malakya.

Nagsitayuan na kami, mag kasabay naman ni Ashly at Theos sa paglalakad. Ang tatlong bugoy ang nauna na sa amin. Samantalang kami ni Dylan ay nasa hulihan.

"Naniniwala ka ba sa mga sinabi nila?"

"Hindi ko alam, pero lahat ng nakita ko kanina ay naging laman ng panaginip ko." Sagot niya.

"Kahit ako din naman, 'yung hinahabol si Reyna Erina sa gubat napanaginipan ko 'yon." Malungkot na sabi ko.

"Pati ikaw napapanaginipan ko Andrea!" Sabi nito. Natigilan naman ako.

"Ikaw din naman, 'yong sa gubat. Ang unang gabi natin sa gubat!"

"Alam ko, pero mas matagal na kitang nakikita sa panaginip ko." Nakangiting sabi niya.

Magkahawak kamay kaming naglakad. Mukhang wala na akong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan. Kawawa naman ang mga magulang ko, hindi ko manlang sila nakasama. Pero maswerte padin ako, minahal din naman ako ni mommy at daddy. Hindi magbabago ang pagtingin ko sa kanila, kahit nalaman kong ampon lang ako.

"Andrie, gusto 'nyo bang sumama mamasyal sa labas ng palasyo? Mamasyal muna kami ni Theos." Sabi ni Ash.

"Oo naman! Mukhang napakaganda sa labas." Pagtingin ko kay Dylan ay tumango ito habang nakangiti.

"Ang daya 'nyo! Kayo kayo lang, magyaya naman kayo dyan!" Sigaw ni Jeff.

"Sus! Tampo agad,  kelan ba may naiwan sa tropa pag dating sa galaan?" Sabi ni Ash.

"Gaano ba kalaki ang Dyamantes Prinsipe Theos?" Tanong ko.

"Malaki, kasing laki ito ng isang malaking bansa sa mundo ng mga tao. Ngunit pinuprotektahan ito ng apat na elemento. 'Yun nga lang hindi na ito ganun kalakas, nawala na kasi ang dalawang elemento. Just call me Theos nalang, masyado naman pormal ang Prinsipe." Sabi nito.

"Mukhang pamilyar ka rin sa salita sa mundo namin, ah?" Sabi ni Ash.

"Absolutely! Matagal din akong nagstay sa mundo ng mga tao, naging tagabantay ninyo ako. Nag aral din ako sa Angelspear Academy, nakatapos ako ng kursong Civil Enginering. Hindi 'nyo lang ako natandaan, kasi mahaba ang buhok ko kapag dito ako sa Dyamantes. Pero nagkita kita na tayo." Sabi niya.

"Wow, talaga ang cool mo naman!" Sabi ko. palabas na kami sa malaking pintuan.

Bumungad sa amin ang mga batang engkantada, naglalaro ang mga ito. Iba't ibang kulay ng bulaklak ang makikita sa paligid. May mga magagandang ibon, mga kakaibang nilalang. Mukhang candy land ang landscaped ng paligid ng palasyo, makukulay kasi ang mga ito.

Malayo layo na kami sa palasyo, napunta kami sa mga prutas. Kulay ginto ang puno ng mansanas, hitik ito ng mapupulang bunga.

"Theos siguro naman, totoo yang mga mansanas na yan?" Nakakita kami sa gubat pero hindi kami pumitas.

"Oo naman, totoo ang punong iyan. Tama lang ang ginawa 'nyo, pain 'yon ng mga engkantong itim. Lahat ng nakakain 'non ay madali nilang makuha. Kaya sapilitan nila kayong kinuha sa pamamagitan ng mga baging." Sabi nito.

"Sige Theos, later muna tayo magchikahan ha! Gusto ko munang i-enjoy ang kagandahan ng paligid." Sabi ko

"Sige mag-gala muna kayo, have fun. Doon tayo Ash." Yaya niya kay Ashlqy.

Hinila ko na si Dylan, magkasama kaming nag ikot. Hindi ko na nakita ang tatlo, malamang kagaya namin ay sobrang na amaze din sila sa lugar.
Nakarating kami sa ilog.

"Andrie i-uwi mo na 'to! Ang yaman yaman mo na pag meron kang ganito sa lupa." Buhat buhat ni Dylan ang gintong bato na kasing laki ng pakwan.

"Pambihira kahit ilog dito mayaman." Sabi ko habang hawak ko ang isang napakalaking diamond. Nakakalat lang ang mga ito sa ilog, makukulay at kumikinang.

Hinugasan namin ang pinitas naming grapes at apple, umupo kami sa tabing ilog. Habang kumakain kami ng apple ay nagkwe-kwentuhan kami. Nang biglang may lumabas na ahas, na kulay gold sa bato, at pumulupot sa paa ko.

"Shemayy! Pati ba naman ahas gold ipapa-eject ko lahat ng ahas dito. I hate snakes!! Sigaw ko, habang nagtatalon.

Napatakip ako ng bibig ng magliparan mga ibon sa mga puno, at nagtakbuhan ang mga kuneho, nabulabog ang mga ito.


ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon