chapter 2 part 1

1 0 0
                                    

Chapter 2 part 1"

 Wish come true"

NATHANIEL'S POV.

 Sa isang normal na araw ng buhay ko ay hindi ko inaakala na may hindi pangkaraniwang nilalang ang nakatakdang bumago sa normal at boring kong buhay.

Sa hindi ko inaasahang tagpo ng mga sandaling ninanais ko ng lisanin ang mundo ay nagpakita ang isang mahiwagang batang babae na ayon sa kanya ay isa daw syang anghel ng Diyos .

Hindi ako madaling maniwala sa mga ganung bagay ngunit ano ang pwede kong gamiting logical na dahilan sa sarili upang ipaliwanag ang ginawa nyang pagkawala sa harap ko at mapunta sa ibang pwesto.

Isang anghel, diwata o baka engkanto ay hindi ko sigurado ngunit pakiramdam ko hindi ako dapat matakot sa kanya lalo pa at maganda sya at mukhang hindi naman nya ako sasaktan.

Gayumpaman ay tinanong ko ito sa mga nais kong malaman tungkol sa pagkatao nya at dala na rin ng duda sa pagbanggit nya na isa syang anghel.

" Seryoso ka ba? "" Sinasabi mo ba na isa kang totoong anghel? " Tanong ko rito.

Kagaya ng nauna nyang reaksyon ay kalmado lang syang nakikipag usap at giniit na totoo ang sinabi nya ngunit nabanggit na hindi raw sya katulad ng mga anghel na kilala ng mga tao na nagdadala ng kaluluwa sa langit.

Sa mga sandaling iyon ay natanong ko kung bakit hindi kagaya ng anghel ay wala syang pakpak at sobrang kakaiba ang panlabas na anyo sa isang anghel.

Napakunot ito ng kilay dahil sa pagdududa ko sa kanya at pumamewang kasabay ng pag sasabi na.

" Kung ganun manuod ka, kaya ko rin magpalit anyo base sa pagkakakilala nyong mga tao saamin."

Muling naglabasan ang mga nagkikislapang mga maliliit na bagay sa paligid nya kasabay ng pag wasiwas ng kanyang mga braso.

Isang hindi kapani-paniwalang liwanag ang unti unting bumalot sa batang babae at ani-mo'y parang usok ito na humuhugis sa katawan nito.

Hindi nagtagal ay unti unti itong nawawala at sa pagkawala nito ay bumulaga ang ibang kaanyuan ng batang babae. "Pambihira"

Ayan na lang ang nasabi ko sa pagkamangha sa ginawa nyang pagpapalit anyo sa mismong harap ko. " Taaadddaahhh !!!! " Sambit nya.

" Kumbinsido ka na ba? mukha na ba akong anghel? "

Sa sobrang kakaiba ng mga nasaksihan ko ay hindi ko na naiisip kung paano nya ito ginagawa basta ang alam ko may mali sa nakikita ko.

Dahil sa pagtatanong nya saakin sa ano ang tingin ko sa kanya ay unti unti kong napagtanto na ibang iba ang anyo nya sa isang normal na anghel.

Suot ang isang manipis at hapit na hapit na kasuotan, lumitaw ang sungay sa kanyang noo sabayan pa ng pakpak at buntot na lalong nagpawerdo sa kanyang anyo bilang anghel.

" Hindi yan isang angel! isa kang demonyo!! " Sigaw ko rito.

Sa pagkakataon na iyon ay parang bula na naglaho ang kaanyoan nya bilang demonyo sa isang kislap kasabay ng halakhak nya sa pagbibiro.

" Niloloko lang kita."

" Ang totoo ay ginawa kami bilang mga bolang enerhiya na walang anyo "

Dito nya sinabi na wala silang eksaktong anyo sa pinangalingan nila at inamin na hindi yun malaking bagay dahil ginawa lang sila para lang sumunod sa utos ng Diyos.

" Tinatawag kaming Divine Alphabets."

Pinakilala nya ang uri nya saakin bilang taga gabay ng mga napili ng dakilang lumikha at dahil nga sa kadahilanan na iyon kaya sya nasa aking harapan .

REWRITE : Lets escape the realityWhere stories live. Discover now