chapter 37 part 2

1 0 0
                                    

Chapter 37 part 2

Sa kasalukuyang nagaganap na labanan sa pagitan ng pwersa ni Agane at ng anak ni halloween ay unti unti ng nauubos ang mga sundalo na lumalaban sa mga ito at walang magawa si agane upang tulungan ang mga tauhan nya.


Hindi kaya ng mga ito ang bawat atake na ginagawa ng mga tauhan ng siren gayumpaman ay wala sa mga ito ang tumatakbo at umaatras sa laban.


Buo ang loob nilang labanan at tulungan ang kanilang heneral na ngayon ay mano manong nakikipag laban kay juggernaut.


Halos yumayanig ang lupa sa bawat pag tama ng kanilang mga suntok at pag sasabayan ng atake.


Alam ni Agane na nagagawang iabsorb lang ng katawan ni Juggernaut ang mga suntok nya at hindi rin ito napipinsalaan gamit ang hangin.


Napakatibay ng baluti nito sa katawan at ang tanging magagawa lang ni agane ay makipag sabayan hangang sa maubusan ang kalaban nya ng enerhiya upang suportahan ang pang depensa nito.


Gayumpaman kahit si agane ay hindi nakakasiguro kung kaya bang tumagal ng katawan nya sa pagtangap ng maraming atake at kung sino sa kanila ang unang mauubusan ng enerhiya.


Pumasok din sa isip nya na hindi magandang ideya ang maghintay sa pang hihina ng kalaban nya dahil sa sitwasyon nila, oras ang kalaban nya dahil kapag hindi sya nakagawa ng paraan para talunin si juggernaut ay mauubos ang kanyang mga tauhan.


Sa kabilang banda habang abala si Agane sa pakikipag laban ay naghahanda naman ang siren ng isang magic circle para mag cast ng spell.


" Masyado ng nauubos ang oras ko, kung ganun wala na akong magagawa pa kundi tuluyan ng wasakin ang lahat sa bayan nyo." 


Nagliwanag ang napakalaking magic circle sa kalupaan at biglang lumitaw ang nakataas na pader ng tubig na halos may taas na dalawampung talampakan.


Nagulat ang lahat sa nakita nilang pader ng tubig na uni unting nagkakakorte bilang isang napakataas na gate.


Kasabay ng pag kumpas ng baston ng siren ay bumukas ang higanteng pinto na gawa sa tubig. 


Ilang sandali pa ay maririnig ang kalabog at padyak ng mga paa. Nagulantang ang lahat maging si agane ng makita ang libo libong slender na naglalakad palabas sa gate.


Ang mga ito ay mga halimaw na isda na may matitipunong pangangatawan at may taas na syam na pulgada. Kilala sila bilang mga nilalang ng karagatan.


Nakakaramdam ng takot ang mga sundalo dahil alam nila kung gaano kababangis at kalalakas ang mga nilalang na nasa harap nila.


" Kayo ng bahala dito, kailangan kong makuha ang tao." Sambit nito habang sumasakay sa isang pagi paalis ng lugar.

REWRITE : Lets escape the realityWhere stories live. Discover now