chapter 25 part 1

0 0 0
                                    


chapter 25 part 1

Ilang minuto lang ang lumipas ay nagbalikan na ang mga natitirang mga aplikante kasama na sila nathaniel.

Dumeretso ito sa pagamutan dala ang babaeng fox na iniligtas nya.

Habang nagbalik naman si Xxv kung saan naroon si Yuki para mag report sa kanyang pagbabalik.

Muli syang lumitaw sa tabi ni yuki gamit parin ang pulang usok at ipinaalam ang mga nangyari sa isla.

" Magaling ang ginawa mo up Red cloud, masasayang ang talento nila kung mamamatay lang sila sa pagsusulit." Sambit ni Kyros.

" Pero nakita mo ba ang nangyari sa laban? Lalo na sa taong pinapabantayan ko sayo?" Tanong ni Yuki.

" Ah.. si Nathaniel po ba? Sa tingin ko may kakaiba syang kapangyarihan pero hindi ko alam kong ano iyon dahil wala akong maramdaman lg ano mang malakas na enerhiya sa katawan nya pero marahil may mga hawak syang mga crimson item na hindi natin alam ang mga kapangyarihan." Sambit nito.

" Kung sa bagay posible nga iyon at iyon din siguro ang dahilan kung bakit hindi sya tinablan ng atake ng gagamba kanina."

Biglang sumingit si Pyun sa usapan at kwinesyon ang pagpasa nila Nathaniel sa pagsubok gayung hindi naman talaga sya umakyat sa puno at lumaban sa mga halimaw para kunin ang itlog.

Agad naman na ipinaliwanag ni Kyros na wala sa patakaran na ipinagbabawal ang pamumulot ng itlog na nahulog sa lupa at ang mahalaga sa ngayon ay nakakulekta ito ng higit isang daang itlog.

Naging positibo ang pananaw ni Kyros sa ginawa ng binata dahil kasi dito ay magkakaroon ng maraming supply ang pwersa ng mga gamot na makakatulong sa lahat.

" Bahala ka basta hindi parin ako kumbinsido sa paraan kung paano nakakapasa ang tao na yan."

Dito napansin ni Ruri na masyadong mainit ang mata nito sa taong si Nathaniel na pwede naman nyang hindi pansinin.

Inamin naman ni Pyun ito dahil nga na nababahala lang sya sa nangyayari dahil baka sa unang pagkakataon ay may isang normal na tao na halos walang alam sa pakikipaglaban ang pumasa sa pagsusulit na ito.

" Hahayaan nyo na lang ba maging sundalo ang mahinang taong kagaya nya?"

Ayaw nito madungisan ang kalidad ng proseso ng pagpili at baka maliitin ang kanilang ginagawang pagsusulit kung saan pwedeng pumasa maski ang mahihinang mga nilalang.

" Para saakin ay maliit na bagay lang iyon pero kung talagang gusto mo syang subukan ay ako na ang gagawa para sayo." Sambit ni Ruri habang nakangiti.

Tumayo si Ruri sa kinauupuan nya at lumapit sa screen habang nakangiti at excited sa gagawin nyang pagsubok.

" Gawin nating mas exciting ang mga nangyayari."

Lumipas ang ilang minuto ay binigyan na ng instruksyon ang mga kasali sa pagsusulit.

Muling binigyan ang mga aplikante ng tatlong oras upang mag pahinga at makapag handa para sa susunod na pagsubok.

Maraming hindi na kayang magpatuloy pa dahil sa naging pinsala nila sa pagharap sa mga gagamba kahit na kasi nagsara ang mga sugat nila ay hindi kayang maibalik ng mahika ang kalagayan ng katawan dulot ng pagkatrauma nito at panghihina dahil sa kakapusan ng enerhiya at lakas.

REWRITE : Lets escape the realityWhere stories live. Discover now