Chapter 28 part 1

1 0 0
                                    


Chapter 28 part 1 

Hindi naging maganda ang  naging sitwasyon na hinaharap ni Ataparag nung mag punta ito sa isa sa mga bayan na kasalukuyang nilulusob ng black scorpion.

Hindi nya inaasahan na makaharap ang tatlong prime hube kasama na dito ang pinuno ng black scorpion na si harbelio na kilala bilang Mud beast.

Isa itong alpha at nasa ika sampu sa Black list criminal ng Eskapa. Ibigsabihin ay kadalasan na isang sandata ng diyos kagaya ni Sei ang humuhuli at pinapaiwasan ang ibang myembro ng eskapa na may antas na columbus na umaksyon laban sa mga ito.

Pinamunuan nya ang Black scorpion na may layuning sumakop ng mga bansa at mangibabaw sa lahat upang katakutan ang kanilang lahi.

Sa kanilang laban ay nahuli si Ataparag ng mga luwad ni Harbelio at nagawang pisatin nung mabalot nito ang dalaga.

Pagkatapos durugin ay unti unting nagbabalik sa lupa ang putik at tuluyang nasira ang bilog na hugis nito.

Sa pagkakataon na iyon nakita nila ang nakahandusay na katawan na nagmula sa loob ng bilog na luwad.

" Huh? Mabilis sya."

Isang lasog lasog na katawan ng halimaw ang nakahiga sa lupa ang nakita nila at hindi katawan ni Ataparag kaya naman naging alisto ang mga ito sa paligid nila.

Ilang segundo lang ang lumipas ay lumitaw sa gilid ni Harbelio si Ataparag at naka amba ng pag sipa.

Ganunpaman nagawang maramdaman ni Harbelio ang atake nya at bago pa tumama ang sipa ni Ataparag sa mukha nito ay humarang na ang luwad para protektahan ito.

"Ano?" 

Nagulat si Ataparag sa pag salag nito na parang pader at agad na tumalon palayo upang bumwelo muli.

Sa paglapag ng kanyang paa sa lupa ay agad nitong binunot ang patalim nito sa crest nya sa bewang at bumulusok ulit palusob.

Kahit na kumikilos ito ng mabilis ay nagagawa ng luwad na umiikot sa paligid ni Harbelio na salagin ang mga atake ni Ataparag na tila ba may sarili itong buhay.

Nagpatuloy ang pag salag ng mga ito sa bawat atake ng dalaga habang si Harbelio ay nakatayo lang at kalmado na tila ba hindi nababahala sa ginagawang pag lusob ng dalaga.

Hindi magawang mahiwa ng patalim ni Ataparag ang luwad at nabatid nya na bale wala ang ginagawa nyang pag atake kaya naman muli syang tumalon palayo at nagpakawala ng awra na gumawa ng malakas na pwersa ng hangin.

Kasabay ng pagtama ng hangin kay Harbelio ay ang pagdikit ng mga insekto ni Ataparag sa katawan nito.

Sa pagkakataon na iyon nagkaroon ng pagkakataon si Ataparag na maka atake ng hindi nito napapansin.

Nagsimulang humigop ng enerhiya sa katawan ni Harbelio ang mga insekto at unti unting lumalaki habang nakadikit sa kanya.

" Explode ." 

Sumabog ang mga insekto nito sa katawan ni Harbelio at sa tindi ng pagsabog na ginawa nito ay gumawa ito ng napakalakas na pwersang nagpatalsik sa mga bagay bagay palayo.

Isang minuto din natahimik ang lugar hanggang sa unti unting naglalaho ang makapal na usok sa paligid at lumitaw ang naging pinsala ng pagsabog.

REWRITE : Lets escape the realityWhere stories live. Discover now