Chapter 34 part 1

0 0 0
                                    

Chapter 34 part 1

Sa pagpapatuloy ng laban kung saan inatake ng hindi pangkaraniwang batang babae ang kanilang grupo ng mga karwahe kung nasaan nakasakay sila Nathaniel.

Nagawa ng batang babaeng ito na mapatay ang lahat ng pasahero gamit ang mga lumulutang na isda na gawa sa tubig sa pamamagitan ng mahika na nag mula sa baston na hawak nito.

Walang nagawa sila harik at ang mga kasama nito sa kapangyarihan ng bata at ngayon pati si Aibara ay nanganganib na mapatay nito gamit ang napakaraming water sword fish.

Pagkatapos ng pag atake ng mga ito ay hinawi ng batang babae ang baston nya para alisin ang jellyfish na nagiging proteksyon nya upang makita nya ng maayos ang paligid.

" Mukhang sinusubukan nilang tumakas." Bulong nito.

Pagkawala ng usok ay nakita nyang wala na sa kinaroroonan nila sina Aibara kung saan sya inatake nito at nabatid na nakatakas ito sa ginawa nya.

Kaya naman dahil doon ay napaisip ang batang babae kung dapat nya bang sundan ang mga ito o hayaan na lang na makatakas sa kanyang paningin.

" Kinakailangan ko ng maraming ispirito." Sambit nito.

Habang kay Nathaniel, tumatakbo ito ng matulin habang ginagamit ang crimson item nya at hindi ito tumitigil hangang sa tuluyan na silang nakalayo ni Aibara sa lugar.

Isang minuto lang ang lumipas ay tuluyang napagod si Nathaniel at halos tatlong kilometro na rin ang layo nila.

Dahil na rin sa bilis ay hindi nya nagawang makabalanse at dahil doon ay nadapa sya at sumobsob silang dalawa ng dalaga sa lupa. 

" Aray, bakit ba hindi ko maperpect ang pag gamit ko nito." 

Kahit na napatigil ng enerhiya nya ang pagdurugo ng mga sugat ay nakakaradam parin sya ng kirot gayumpaman natuwa sya na nagagawa nya ng utusan ang enerhiya nya ayon sa gusto nya at nabatid na maaari nya pala matutunan ang mga bagay bagay ng paunti unti.

Ilang sandali pa ay napaupo na silang dalawa sa kinahihigaan nila at iba sa inaasahan ay biglang tumayo si aibara at kwinelyuhan si Nathaniel.

" Anong ginawa mo? Bakit mo ako dinala dito? Nasa lugar pa na yun si Harik at Masaw."  Galit na sigaw nito.

Parang masisiraan ng bait si Aibara habang ipinipilit sa binata na ibalik sya doon nito upang mag isa nyang iligtas ang kanyang mga kasama.

" Pero aibara.. hindi pwede." 

" Anong hindi pwede? Wag mong sabihin na hindi pwede dahil alam kong kaya mong tumakbo ng mabilis pabalik doon." 

Dahil sa agresibong ikinikilos ni Aibara ay sinubukan na lang maki usap  ni Nathaniel na maging kalmado ito para makapag isip ng maayos at malaman ang sitwasyon nila.

Sinubukan nyang ipaunawa sa dalaga na hindi dahil sa hindi nya kayang ibalik ang dalaga sa lugar na iyon kundi dahil wala na silang pwedeng iligtas pa.

Dahil sa narinig mula kay Nathaniel na wala ng natitirang buhay sa lugar na iyon ay lalong nagalit si Aibara sa kanya at hindi nito basta tinangap ang nasabi ng binata.

" Hindi pwedeng mamatay sila harik at masaw. Ibalik mo ako doon kailangan ko silang tulungan." 

Naramdaman ni Nathaniel ang pagdadalamhati nito at hindi nya kayang makipagtalo dito at pigilan ang nararamdaman nitong galit sa kanya.

" Bakit kailangan mo akong ilayo sa kanila? Bakit?!" Sigaw nito.

" Sila lang ang pamilya ko at kailangan nila ako." Mangiyak ngiyak nitong sambit.

REWRITE : Lets escape the realityOù les histoires vivent. Découvrez maintenant