chapter 26 part 2

0 0 0
                                    


Chapter 26 part 2

Lumipas ang tatlong oras sa pwesto ni Nyabu, nagmadaling lumapit ang mga sundalo nya upang mag report. 

" Kapitan malapit na po ang dagdag na pwersa galing sa galica." 

" Talaga? Magaling kailangan maireport na ito sa heneral." Sambit ni Nyabu.

Nagmadaling naglakad si Nyabu papunta sa loob ng bayan at dumeretso sa tent kung nasaan si Ataparag.

Pag pasok nya ay wala sa loob si Ataparag at muling lumabas. Sa labas ay tinanong nya ang isang sundalong nagbabantay sa labas nito.

" Sandali umalis ba ang heneral?" 

" Huh? Hindi po kapitan, hindi pa po sya lumalabas ng tent." 

Sa pagkakataon na yun ay nagduda na si Nyabu at nagmadaling pinuntahan ang likod ng tent.

Pag punta nila dun ay nakita nila ang maliit na hiwa sa tent kung saan lumabas si ataparag.

" Hindi maaari, asar." 

Kinutuban na ng masama si Nyabu na baka umalis mag isa si Ataparag para iligtas ang mga biktima ng mga bandido.

" Magsikilos kayo, dalian nyo sa pag hahanda at aalis na tayo." Sigaw nito sa mga tauhan nya.

Habang aligaga si Nyabu sa kampo para sundan ito ay nagpapatuloy naman naglalakbay si Ataparag papunta sa kinaroroonan ng mga bandido.

Ginagamit nya ang kanyang Crimson item para maglakbay ng napakabilis.

Hindi tulad ni nathaniel ay nagagawa ni Ataparag na gamitin ito ng tuloy tuloy na parang normal lang sa kanya.

" Nararamdaman ko na malapit na ako sa kanila." 

Ilang kilometro lang mula sa kinaroroonan nya ay kasalukuyang na lumilikas ang higit tatlong libong mamamayan ng ravena at naglalakbay papuntang timog.

Dahil na rin sa matatanda at sugatan na kasama nila ay naging mabagal ang paglikas nila.

Ilang minuto lang ang lumipas habang naglalakad ay muli silang napaligiran ng higit dalawapung halimaw.

Lahat sila ay may bandana sa braso na may tatak ng black scorpion at bakas sa mga itsura nito ang pagkatakam nito sa laman ng nilalang. 

Agad na nagpanik ang mga ravena at nag hiyawan. Naging alisto naman ang mga mandirigma ng ravena at pinotektahan ang mga kababayan nila laban sa mga umaatake.

Gayumpaman hindi sapat ang kanilang lakas at husay sa pakikipaglaban para humarap sa mga mababangis na halimaw.

Ilang sandali pa ay isa isang natatalo ang mga ito at pinapaslang ng mga halimaw habang wala naman magawa ang iba kundi panuorin ito at humiyaw.

" Hoy kayo, wag kayong papatay ng mga bata ng ravena lalo na ang mga babae dahil mabili yan sa mga mangangalakal."  Sambit ng isang halimaw na tumatayo bilang pinuno ng grupo.

" Maawa na kayo, paki usap wag ang mga anak ko." Pag mamakaawa ng isang lalaki.

Walang pag aalinlangan na pinaslang ng halimaw ang lalaki at walang paki elam sa mga pakiusap nito.

REWRITE : Lets escape the realityWhere stories live. Discover now