Chaptet 13 part 1

0 0 0
                                    


Chapter 13 part 1 

Pagkatapos akong  dalhin ni Ataparag sa dorm ng team nya at patuloyin sa kanyang unit ay pinagbasa nya ako ng rules and regulation ng eskapa at ng team nya.

Medyo okay naman kahit maliit ang unit nya may banyo, sala at kusina at dahil walang pagitan ay  nakikita ko ang ginagawa nya sa kusina habang nagbabasa ako sa sala.

Abala itong nagluluto habang nasuot ng pambahay at ang kulay pink na apron na bagay na bagay sa kanya. 

Kaya kahit sinabi nya na isa syang nakakatakot na halimaw ay hindi ito kapanipaniwala lalo na kung makikita mo syang kumilos at maghanda ng kakainin namin na parang isang normal na tao.

Hindi ko maiwasang hindi sumilip silip sa kanya habang ginagawa ito dahil nakakatuwa ang pagka clumsy nya habang nag mamadali sa ginagawa.

Medyo weird lang ang kulay ng mga mata nya at may kung anong weirdong sungay sa ulo pero sa totoo lang maganda naman talaga sya.

Ilang sandali pa ay natapos ito sa ginagawa nya sa kusina at nagsimula na kaming kumain.

" Hindi ko alam kung masarap ang luto ko pero sana magustuhan mo." 

Amoy palang ng pagkain na niluto nya ay halos maglaway na ako at sa totoo lang hindi na mahalaga saakin kung masarap ito o hindi dahil kanina pa ako nanginginig sa gutom.

Hindi ko alam kung bakit pero napakarami nyang inihanda at isa sa pinagtataka ko ay puro ito karne. Para bang huling kain ko na ito sa daming nakahandang masasarap na pagkain.

Gayumpaman hindi na ako nagtanong at kumain na lang dahil wala naman sigurong problema gayung paborito ko naman ang karne.

Kinagabihan ay pinahiga nya ako sa isang banig sa sala upang doon matulog, komportable naman ito dahil napakalambot ng mga blanket na pinahiram nya.

Lumabas sa ng kwarto nya suot ang kanyang pink na panjama para iabot ang mga unan. 

" Kung kailangan mo pa meron pa akong extra sa loob." Sambit nito.

" Naku, hindi miss ataparag. Sobra sobra na ito okay na ako dito." Sagot ko agad.

" Kung ganun matulog na tayo at bukas ay maaga pa tayo pupunta sa base para ipasa ang iyong aplikasyon."  Sambit nito.

Hindi nito nakalimutan na mag good night saakin kasabay ang magandang pag ngiti. Hindi ko alam kong tama pa ba na enjoyin ko ang napakagandang trato nya sa tulad ko o baka naaabuso ko na ang kabaitan nya. 

Ilang oras pa ang lumipas habang naka higa ako at nag iisip kung ano ang dapat gawin sa sitwasyon ko.

" Ano bang mangyayari kaya saakin dito. Naiipit na ako sa sitwasyon na wala naman akong pagpipilian." 

Kung iisipin ko mabuti kahit mahanap ko si koko ay tiyak na hindi nya rin ako iuuwi ng basta basta sa earth at sa ugali nyang iyon tiyak lalaitin nya lang ulit akong duwag at talunan.

Pero kaya ko nga bang maging matapang lalo na sa pag tupad sa misyon ko? Ano ba ang kaya kong gawin dito?

Ngayon na iisip ko na ang pag sali sa team ni ataparag na lang ang tanging paraan para mabuhay dahil tiyak magiging pulube lang ako sa lugar na ito kapag umalis ako dito.

REWRITE : Lets escape the realityWhere stories live. Discover now