chaptet 21 part 2

0 0 0
                                    


Chapter 21 part 2

Dahil sa kahilingan ni Suwi ay napatayo si Agane at hiniling kay Sei na wag masyadong magpadala sa kanyang emosyon dahil kahit na palagpasin ni magdalena ang kapabayaang ito ay tiyak na magagalit ang ibang sandata kay Sei at baka matigil ang magandang samahan sa pagitan nya at sa mga bansang sumusuporta sa kaharian nya.

Bumuntong hininga lang si Sei at umiiling para ipakita ang kanyang hindi pag sang ayon sa hiling ni Suwi.

" Nagkakamali ka ng inaakala dahil hindi kita tinutulungan dahil gusto kitang maligtas lang sa kamatayan." 

Ipinaliwanag ni Sei na nagkainteres syang tulungan si Suwi dahil sa nakikita nyang potensyal sa kanya at maaaring magbago ang isang maling paniniwala tungkol sa mga Soul eater.

Tunay na hindi makatarungan ang paglipol sa mga soul eater at kailangan nilang magbulag bulagan  sa mga nangyayari kaya naman hindi nagugustuhan ni Sei ang bagay na ito.

Ninanais nyang mabago ang lahat at ang susi sa mga ito ay kung matutulungan sya ni Suwi na humanap ng paraan para hindi na muling kumain ng kaluluwa ang mga soul eater.

Napaisip si Suwi at nanahimik dahil alam nya na parang napakaimposible nun. Napayuko sya habang sinasabi kay Sei na kahit naman tulungan nya si Sei ay walang magbabago dahil kung may paraan man syang nalalaman ay hindi na sana aabot sa pag kaubos ng kanyang lahi ang problemang ito.

" Si serphia ay isa sa natitirang Spirit Pet na nagmula sa banal na puno at wala na ang banal na puno na tinutukoy ko ngayon kaya duda ako kung marami pa ang nanatiling buhay sa mga panahon na ito na katulad nya." Sambit nya.

Binangit nya na maraming panahon ang ginugol ng mga kalahi nya para solusyunan ang pagkauhaw ng katawan nila sa ispirito pero lahat ito ay nabigo at nauwi lang sa wala.

" Kung ganun sinasabi mo bang wala ng ibang solusyon? " sambit ni Sei.

Napayuko na lang si Suwi at hindi tinugon ang tanong sa kanya ni Sei.

Sa pagkakataon na iyon ay bigla nyang naisip ang tungkol sa nabangit ni Nathaniel.

" Tama, kung meron man makakatulong saatin ngayon ay walang iba kundi ang tao na si nathaniel." Sambit nito.

Nagtaka si Sei sa nasabi nito at gustong malaman kung bakit sinasabi nya na ang isang ordinaryong tao ang makakapag bigay ng solusyon sa daang taon ng problema ng lahi ng soul eater.

Dahil doon ay nasabi nya ang mga nabangit ni Nathaniel sa kanya na nakikita nito ang hinaharap at nakaraan ng isang nilalang kaya naman alam nya ang mga bagay tungkol kay Suwi.

Ikwinento nya kay sei na nung una ay hindi nya pinaniniwalaan ang binata sa mga sinasabi nito at ipinaalam nya rin na hindi nya talaga kilala si Nathaniel at nagkukusa lang itong tumulong dahil nalalaman nito ang nakaraan at nakalipas nya. 

" Hindi ako sigurado kung anong abilidad ang meron sya o kung totoo man ito pero napatunyan nya saakin na may nalalaman nga sya sa nakaraan ko nung mag usap kami." 

" Isang tao na may abilidad na makita ang hinaharap at nakaraan? Napaka imposible na mangyari iyon kamahalan ." Sambit ni Agane.

Ang ganung kakayahan ay mahahanlin tulad sa class S crimson eye  at walang kakayahan ang isang tao na magtaglay nun. Ang crimson eye ay komukonsumo ng life energy kaya hindi ito basta pwedeng taglayin ng mahinang tao.

REWRITE : Lets escape the realityOnde histórias criam vida. Descubra agora