Chapter 32 part 1

0 0 0
                                    


Chapter 32 part 1

Lumipas ang ilang oras habang naglalakbay si Nathaniel pabalik sa galica. Sa gitna ng gubat ay huminto ang karwahe nila upang magpalipas ng magdamag dahil kinakailangan na  makapagpahinga ang mga kabayo na humihila sa mga karwahe.

Ang karwahe nila ay may haba na isang  metro at kasya ang higit dalawampu pasahero ngunit ang bawat isa ay may itinakda lang na pwesto at upuan kaya hindi ito komportableng tulugan kaya naman kinakailangan nila lumabas at magtayo ng kanilang mga tutulugan.

Nag handa ng mga tent ay ilang kasamang manlalakbay nito habang si Nathaniel ay nanatili sa karwahe at binabalak na doon na magpalipas ng gabi.

Habang nakahiga ay naririnig nito ang malakas na tunog ng paghampas sa labas na tila may pinupokpok na bakal kaya naman tumayo sya upang silipin ito.

Sa paglabas nya ay nakita nya ang dalawang lalaki na inaayos ang napakalaking itak na ginagamit sa pakikipaglaban ng isa sa mga ito.

Ang lalaking nagmamay ari nito ay may matipunong pangangatawan at halos pitong talampakan ang taas. Isa itong adventurer na nagmula sa probinsya kabaru na sakop pa rin ng bansa ng galica.

At ang isa namang lalaki na may silver na buhok at naka cape ng mage at ginagamit ang kanyang mahika para tulungan ang kasamahan nya na ayusin ang sandata nito.

Dito napansin ng matipunong lalaki na nagising si Nathaniel dahil sa ginagawa nyang pag iingay kaya naman humingi ito agad ng paumanhin sa binata.

Napaka hinahon ng pagsasalita nito at tila napakabait kaya naman hindi nag alangan na sumagot si Nathaniel dito.

" Hm.. ok lang hindi rin naman ako makatulog din sa loob. Teka napakalaki naman ng sandata mo? Isa ba kayong manlalakbay??" Tanong ni nathaniel dito.

Agad syang sinagot nito at ipinakilala ang sarili bilang si Harik na isang vanguard sa kanyang party at ikinuwento nya na mga manlalakabay sila na nagtutungo sa mga tore upang kumuha ng mga quest sa tore ng Agata.

Ang gitnang bahagi ng Tore ay isang party zone kung saan lahat ng quest sa laro ay kinakailangan ng tatlo o higit pang mga kalahok bago makasali.

Ipinakilala naman ng mage ang sarili bilang si masaw at tinanong kung manlalakbay din ba ang binata katulad nila.

" Naku hindi, isa lang akong  normal na tao teka ako nga pala si nathaniel." 

" Pupunta rin ba kayo sa galica tama?" 

Dito ikwinento ni Harik na natalo sila sa nakaraang quest kaya naman itinapon sila sa malayong gubat ng laro. Mabuti na lamang ay nakakita sila ng karwahe na pupunta sa isang bayan na may tore.

Naglakad si Nathaniel at pinagmasdan ang sandata ni Harik ng malapitan. Dito hinangaan nya ito at pinuri habang hinahawakan ito. Kasabay nun ay ang pag puri nya kay harik habang sinasabi na napaka exciting ng buhay ng mga ito at inamin na naiingit ang binata sa pagiging adventurer ng mga ito...

Dahil sa magiliw at may mananabik na reaksyon ni nathaniel ay natanong nito kung nais ba ng binata na maging adventurer katulad nila.

Agad naman sinagot ni nathaniel ito at pinagmalaki na kung may nag iisang hiling sya na mangyari ay ang pagiging magaling na adventurer dahil para sa kanya ay napakasaya nito ngunit dahil isa lang syang normal na tao ay mahihirapan syang tuparin ang bagay na iyon.

REWRITE : Lets escape the realityWhere stories live. Discover now