chapter 18 part 1

0 0 0
                                    


Chapter 18 part 1

Lumipas ang isang araw ay nagsimula na ang pagsusulit sa pag aaral ang lahat ng lumahok at binibigyan kami ng isang araw upang magreview tungkol sa alituntunin,batas at iba pang bagay tungkol sa eskapa.

Binigyan kami ng tatlong libro tungkol sa kasaysayan, mga lugar at namumuno sa eskapa. Kada isang araw pagkatapos pagaralan ang isang libro ay bibigyan kami ng exam.

Madali lang naman talaga ito dahil kailangan mo lang kabisaduhin gayumpaman nahihirapan ako dahil kahit pareho ang lengwahe na nakalagay dito ay may mga salita na mahirap bigkasin at memoryahin.

Naka upo ako sa loob ng training facility sa gilid lang ng dorm at tahimik na nagbabasa. Pinayagan kasi ako ni Ataparag na gamitin ang silid sa pag aaral.

Nangawit ang katawan ko sa pag upo kaya naman uminat muna ako kahit saglit at doon napatingin ako kay Ataparag habang kinakausap ang ibang kasamahan nya.

Kahit sa mga kasamahan nya ay magiliw at lagi syang nakangiti kapag nagsasalita. Hindi maitatanging na mahal at gusto sya ng mga tauhan nya.

Bigla ako napapangalong baba habang tinititigan sya dahil naalala ko ang nasabi ni Nyabu tungkol sa misyon nila ni Toto.

Sampung taon na nung maassign sya sa misyon na inutos ni Sei sa kanila ni Toto at iyon ay ang bantayan si Ataparag.

Binangit nya na napakahalaga ng Crimson item na taglay ni Ataparag at hindi ito pwedeng mapunta sa iba pero higit pa doon ay ang sumpaan ni Ataparag at Sei noon.

Nagkaroon ng kasunduan si Sei at Ataparag kapalit ng pagbibigay nito ng Crimson item na hindi na muling Kakain ng Tao at ng ibang nilalang.

Sa oras na gawin nya yun ay kamatayan ang ipapataw sa kanya at walang pwedeng bumali sa kasunduan na iyon.

Siguro hindi noon tunay na naniniwala si Sei kay Ataparag na magagawa nitong malabanan ang tukso na hindi kumain ng tao kaya nya nagawa ang kasuduan bilang paghahanda sa masamang pwedeng mangyari.

Gayumpaman ay mahaba na ang sampung taon at siguro naman talagang nawala na sa isip nya ang pagka takam nya sa laman ng tao.

Pero paano kaya kung nagawa nya nga ito? Gagawin kaya nila toto at nyabu na patayin si Ataparag? Hindi ko masasabi kung gagawin nila pero wag naman sanang umabot ito sa ganun dahil sa nakikita ko ay mahal na mahal nila ang leader nila.

Nakita ni Ataparag na nakitingin ako sa kanya kaya naman ningitian ako nito at kinawayan.

Nilapitan nya ako upang ayain na muling lumabas ng dorm para samahan syang maglibot at kumain na rin sa labas.

Hindi naman ako tumangi dito at agad na tumugon sa tanong nya.

" Syempre naman, sino ba naman ako para tumangi na makipag date sa napakaganda naming leader." Pag bibiro ko.

" D-da-date? Mister nathaniel naman, hindi pwedeng makipag date sa oras ng duty ang isang sundalo ng eskapa." Nahihiyang sagot nito.

" Hahaha alam ko, nagbibiro lang ako miss Ataparag."

Lumipas ang ilang oras ay sinamahan ko sya sa paglilibot nya at pag check sa bawat pwesto ng mga tauhan nya.

REWRITE : Lets escape the realityWhere stories live. Discover now