chapter 29 part 2

2 0 0
                                    


Chapter 29 part 2

Patuloy na bumabangon at tumatakbo muli si Nathaniel para iwasan ang mga atake ni Ruri ngunit batid nito na hindi magtatagal ay mapapagod na ang katawan nya at hihinto sa pag takbo.

" Sa ginawa mong pagtakbo ay pinatunayan mo lang na may itinatago ka sa kanila." Sambit ni Melon.

" Anong magagawa ko? Inaatake nya ako gusto mong hayaan kong tamaan ako ng atake nya?" Pag angal ni Nathaniel.

Sa pag kakataon na iyon ay sinabihan sya ni Melon na meron pang isang paraan upang makinig si Ruri sa kanya ng mahinahon at ito ay ang patumbahin ito upang tuluyang makinig sa kanya ang kagaya ni Ruri.

" Nasisiraan ka na kung iniisip mong lalabanan ko sya, alam mong wala akong alam sa pakikpag laban." Sagot agad ni Nathaniel.

Dahil sa patuloy na pagdadahilan ni Nathaniel para iwasang makipaglaban ay pinaalala sa kanya ni Melon na may napakalakas na kapangayarihan na ibinigay nya sa binata at ang kailangan lang nito ay ang gamitin ito ng tama.

Pinaunawa nya rin na walang kwenta ang pagtakbo na ginagawa ng binata at pinapagod lang nito ang sarili dahil sa huli ay mahuhuli lang sya ni Ruri.

Kasabay nun ay binangit nya rin na ang tanging hindi pa nagagawa ng binata ay ang lumaban upang patunayan ang sarili sa iba.

Hindi alam ni Nathaniel kung nakikinig ba si Melon sa sinasabi ng binata dahil alam nya sa sarili nya na wala syang kakayahan makipaglaban at bago sa pag gamit ng kapangyarihan ngunit gayumpaman naisip nya rin na wala talagang patutunguhan ang pagtakbo na ginagawa nya.

Dahil doon ay sinabihan ni Melon na makinig lang ang binata sa mga sasabihin nito na pagtuturo kung paano lumaban at gamitin ang kapangyarihan ni Kula na pinagkaloob nya dito.

Agad naman nagduda si Nathaniel kung makakatulong si Melon gayong isa lang itong malambot na bilog na nilalang at alam nya na wala itong karanasan sa pakikipaglaban.

" Hindi ako nakikipaglaban dahil hindi ako nilikha para doon pero taglay ko ang kaalaman sa maraming bagay sa mundong ito."

" Kaya kong baguhin ang duwag na talunan na kagaya mo patungo sa magaling na mandirigma." Dagdag nito

" Tulad ka na rin ni koko magsalita, natutuwa ba kayong sabihan akong talunan?" Reklamo ni Nathaniel sa kanya.

Habang nag uusap ay huminto si Ruri sa pag habol at ilang saglit pa nagliwanag ang sibat nya at unti unting nagbago ng anyo papunta sa isang pulang kanyon na may limang baril.

" Ang third form ng crimson item nya. Naku hindi maganda ang kutob ko dito. "

Nagliwanag ang likuran ng kanyon at humihigop ng enerhiya sa paligid na tila nag iipon ng energy ball.

" Subukan natin ang bilis mo sa isang ito."

" Death missle"

Tumira ng sabay sabay ang limang baril ng mga missle na gawa sa enerhiya at hinabol si Nathaniel.

Ang espesyal na katangian ng mga bala ng sandatang ito ay ang pagsunod sa target kahit saan ito magpunta at nagagawa nitong lumiko at iwasan na tamaan ang ibang gusali habang humahabol na para bang may sariling buhay.

REWRITE : Lets escape the realityWhere stories live. Discover now