chapter 17 part 1

0 0 0
                                    


Chapter 17 part 1

Suwi POV.

Dalawang araw ang lumipas mula nung mahuli ako ng mga taga Eskapa at ikulong sa kanilang base.

Hindi ko inaasahan na muli kong makikita ang weirdong lalaking nagpahamak saakin at ngayon kasama ko na nakakulong.

Hindi ko alam kung sino sya pero pinipilit nya na maging kaibigan ko sya at sa umpisa ay nagdududa ako sa motibo nya pero hindi ko inaasahan na aabot sya sa ganito para lang tangapin ko sya.

Binangit nya na kaibigan daw sya ni Xxv pero hindi naman iyon mahalaga saakin dahil lalo ko lang naiisip na itaboy sya dahil kung mahalaga sya sa asawa ko ay hindi sya dapat mapahamak ng dahil lang saakin.

Dinala sya kahapon dito ng mga sundalo sa hindi malamang dahilan pero siguro dahil naghihinala pa rin sila sa kanya na kasamahan ko sya. Napaka hangal nya talaga dahil hindi nya iniisip ang pinapasok nyang gulo.

Gayumpaman kahit na delikado ay talagang disidido ang isang ito na magkaroon ng koneksyon saakin.

Pilit nitong pinagsisiksikan ang sarili para maging kaibigan ko at parang hindi sya titigil hangat hindi ako pumapayag kaya naman wala na akong nagawa kahapon kundi sumang ayon.

Hindi sa gusto ko talaga ng makakasama lalo na isa lang syang mahinang tao pero wala naman akong magagawa kundi pumayag lalo pa nagpupumilit sya.

Mahimbing syang natutulog sa harap ko ngayon marahil napagod na rin ito dahil maghapon syang nag sasalita para lang kausapin ako. Marami syang sinasabi na hindi ko maunawaan pero hindi ko maitatangi na nakakatuwa syang pakingan.

Nagagawa nya akong kausapin na parang magkapantay lang kami at hindi rin sya nagdadalawang isip na magsalita laban saakin na parang hindi sya natatakot sa kaya kong gawin sa kanya.

Naiirita ako sa isang tao pero napaka gaan ng pakiramdam ko sa kanya lalo na kapag nangungulit sya. Nakakaramdam ako ng kakaibang pagkasabik sa sasabihin nya pa na kailan man hindi ko pa nararamdaman noon sa iba.

Hindi, siguro dala ito ng pagkasalat ko sa kasiyahan lalo na maliban kay Xxv ay walang ibang taong nagpakita saakin ng pagmamalasakit at pang unawa.

Alam ko sa sarili ko na hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan pero talagang natutuwa ako nung sabihin nya na gusto nya akong maging kaibigan at pinapatunayan nya yun hangang sa ngayon.

Siguro naman maaari akong magtiwala sa kanya, wala naman sigurong masama kung magiging kaibigan ko sya. Wala nga ba o baka sinasabi ko lang ito dahil sa sarili kong kapakinabangan kahit alam ko na may mapapahamak.

Dahil nga natutulog pa ito ay sinubukan kung lumapit sa kanya upang makita sya ng malapitan.

" Napaka weirdo nya, paano nya kaya akong nagagawang hawakan?" Bulong ko.

Tinangka kong hawakan ito pero habang inilalapit ko ang mga kamay ko sa ulo nya ay bigla akong napahinto dahil sa pagkabahala.

Naisip ko na paano kung kasama sa abilidad nya ang pagprotekta sa kaluluwa nya at maaaring hindi ito gumana dahil natutulog sya, baka bigla syang mamatay kung hahawakan ko sya.

O baka naman nagkataon lang ang nangyari kahapon dahil kakabigay lang ni serphia ng enerhiya saakin nung oras na iyon kaya hindi ko nahigop ang kaluluwa nya.

REWRITE : Lets escape the realityWhere stories live. Discover now