Chaptet 13 part 2

2 0 0
                                    


Lumipas ang ilang oras ay tinipon ni ataparag ang kanyang team sa loob ng kwarto na iyon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lumipas ang ilang oras ay tinipon ni ataparag ang kanyang team sa loob ng kwarto na iyon.

Nakahanay ito sa sampu at nakasulat sa isang malaking whiteboard ang kanilang nakatokang gawain ngayong araw.

Karamihan sa kanilang task ay ang pagbabantay sa hanganan ng bayan o hindi naman ay ang pag iikot sa bayan.

Nasa harapan si ataparag kasama si Nyabu at Toto habang ito ay nagsasalita at pinapaalalahanan ang mga tauhan nya na magreport pagkatapos ng araw.

" Maaari na kayong magtungo sainyong mga tungkulin, mag iingat kayo at maging alerto palagi." Sambit nito.

Pagkatapos bigyan ng mga tungkulin ay isa isa ng nag aalisan ang mga tauhan nito sa loob ng silid na iyon.

Ilang saglit pa ay lumapit ito saaking kinauupuan upang kausapin ako.

Hindi maalis sa mukha nya ang kalungkutan at hindi makatingin saakin ng deretso.

" Ah.. eh .. mister nathaniel, gusto kong humingi ng tawad sa nangyari." Sambit nito.

" Alam ko naguguluhan ka pa sa nangyari kanina pero gusto ko lang sabihin na wala kang kasalanan."  Dagdag nito.

" Huh? Ah .. hm.. salamat naman , sinabi na rin saakin kanina nung babaeng berde ang buhok ang tungkol sa nangyari." Sagot ko rito.

Dito nagulat sya at may nakapagsabi na saakin ng sitwasyon nya at ipinaliwanag saakin na may mga pag kakataon na hindi nya namamalayan na bumabalik ang katawan nya  sa dati nitong anyo.

Madalas ito mangyari kapag malubha ang pinsalang natamo nya sa laban o hindi naman kaya nalasing sya pero hindi nya inaasahan pati sa pagtulog nya.

" Sa totoo lang ngayon ko lang naranasan na magbalik sa dating anyo sa kalagitnaan ng gabi." Paliwanag nya.

Hindi ko sigurado kung totoo ba ang sinabi nya o kagaya ng sinabi nung babae ay hindi sya aware minsan sa nangyayari sa katawan nya. 

Habang nag uusap kami ay sumabat bigla si Nyabu at tulad noon ay napaka sungit nito.

" Halata naman ang dahilan leader kung hindi mo hinayaan matulog sa unit nyo ang isang tao ay hindi kayo magugutom sa karne ng tao." Sambit nito.

Biglang tinakpan ni Ataparag ang bibig nya at itinangi na hindi na sya kumakain ng tao at ng ibang nilalang.

" Maniwala ka mister nathaniel, wala talaga akong balak na kainin ka gusto ko lang naman makatulong talaga sayo." 

REWRITE : Lets escape the realityWhere stories live. Discover now