chapter 36 part 2

3 0 0
                                    

Chapter 36 part 2 

Habang nagaganap ang pagsalakay sa Galica ay nagtipon naman sa base ng eskapa ang tatlong Espada kasama na si Magdalena upang pag usapan ang ilang bagay.

Nakaupo at nakahilera sila Pyun, Yuki at ang isa sa mga espada sa napakahabang lamesa na ginagamit ng grupo tuwing magkakaroon sila ng pulong.

Ang may asul na buhok at nakasalamin na lalaking ito ay si Kid lightning at ito ay isang Mythical Beast na nagkaroon ng anyo na kawangis ng tao sa tulong ni Magdalena at sinasabing ang pinakamalakas na Sandata sunod kay supreme comander ng eskapa.

Habang nasa harap naman ng bintana ang isang dalaga na may mahabang kulay brown na buhok at nakasuot ng magarang damit ng reyna. Ibang iba ang itsura nito kesa sa normal na anyo nya tuwing kasama si Xxv at ang ibang sundalo sa labas ng kampo ng Eskapa.

Ginagawa nya ito upang makapag lakbay at makapunta sa ibat ibang misyon.

Si Magdalena ay ang supreme commander ng Eskapa at ang isa sa  pinaka malakas na nilalang sa Endoryo kaya naman gumagamit sya ng ibang kaanyoan at pagkakakilanlan gamit ang mahika tuwing mag papakita sa labas bilang isang normal na sundalo.

Si magdalena ay isang hagen at may kakahayan ang katulad nya na panatilihin ang pag kabata ng mahabang panahon kaya naman namumuhay sya sa anyo ng isang teenager kahit na nasa limang daang taon na itong nabubuhay sa Endoryo.

Gayumpaman naitatag ang Eskapa ng higit tatlong daang taon pa lang nakakalipas at maraming taon ang ginugol nya sa buong buhay sa pag protekta sa kanilang maliit na bayan  bago pa nya pagdesisyonan na likhain ang grupong mangangalaga sa Endoryo.

Sa Pag pupulong nila ng mga myembro ng Eskapa ay nabangit ng mga ito ang pagbibigay ng parusa kay Sei sa paglabag sa panuntunan ng Eskapa tungkol sa pag suko sa eskapa at pagpatay sa mga Soul eater.

Ninanais ni Pyun na mabigyan ng kaukulang parusa si Sei at nararapat na magbigay ng maayos na paliwanag sa pag labag sa kanilang alituntunin ng hindi nito pansinin ang tatlong beses na paghingi ng Eskapa sa Soul eater na madala agad sa base ng Eskapa upang malitis.

" Husto na ang ginagawa ni Reyna Sei, binabale wala nya ang mga sugo na pinapadala natin upang makuha ang soul eater." Sambit ni Pyun.

" Huminahon ka lady Pyun alam mo na hindi natin pwedeng parusahan ang isang Espada sa napaka babaw na dahilan at tandaan mo rin na isa syang reyna." Sabat ni Yuki.

" Mababaw? Ang soul eater ay may kakayahan na kunin ang kapangyarihan ng mga biktima nila at saksi kayo kung gaano ka delikado ang makaharap sila sa laban." 

Dito ipinilit ni Pyun na sa oras na kumain ang isang soul eater ng sapat na dami ng kaluluwa ay kahit silang mga Espada ay walang magagawa para pigilan ang mga ito na pumatay ng mga nilalang.

Ipinaliwanag nya na hindi ito tungkol sa personal na galit nya sa mga Soul eater kundi dahil ayaw nito na maulit ang mga pangyayari ng nakalipas na trahedya at ipinunto nya na hindi nila kailangan mapagdaanan pa ang paulit ulit na pag kakamali dahil lang naging pabaya sila sa usapin tungkol sa mga genion.

Gayumpaman tikom ang bibig ni Magdalena sa bagay na ito at nanatili lang na nakatingin sa labas ng bintana.

Hindi naman maunawaan ni Pyun kung bakit hindi gumagawa ng aksyon si Magdalena gayung maraming beses na nilang nagawa na humatol ng mga soul eater.

" Pasensya na lady Magdalena pero kaya nyo ba hindi pwersahan na ipinag uutos na ipapatay agad ang Soul eater ay dahil sa asawa sya ni Xxv?" 

Natahimik ang lugar sa hindi nito pagtugon at dahil batid ng dalaga ang dahilan ng pananahimik nito ay muling nagsalita si Pyun upang ipaliwanag ang kanilang sitwasyon.

REWRITE : Lets escape the realityDonde viven las historias. Descúbrelo ahora