chapter 7 part 2

0 0 0
                                    

Chapter 7 part 2 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 7 part 2 

Hindi ko inasaahan ang mga pangyayaring naganap lalo na ang banal na apoy ang pride ng angkan namin bilang mga mandirigma. Para saakin hindi ito dapat nakikitaan ng kahinaan kaya naman kinakailangan kung tapusin agad ang bagay na ito.

Pero hindi ko inaasahan ang mga susunod pang mangyayari dahil ng makita nito ang pag amba ko ay bigla nito akong hinawakan sa binti ko.

"Teka anong ginagawa mo? " 

Laking gulat ko ng nagawa akong mahawakan ng taong ito nang matagal ng hindi nawawalan ng malay tao.

Wala akong nakikitang espesyal sa kanya , sino ba talaga ang taong ito?

Kakaiba ito dahil unti unti na dapat sinisira ang kaluluwa nya sa paghawak palang saakin dahil sa kapangyarihan ko bilang soul eater pero hindi ito gumagawa ng paraan para patayin ang taong ito.

"Lapastangan bitawan mo ako !"  Sigaw ko habang sinisipa sya.

Kinatatakutan ang lahi naming mga soul eater dahil sa kakayahan naming kumain ng kaluluwa ng mga nilalang at gawin itong power source.

At dahil isa akong maharlikha ay mas malakas ang kapangyarihan ko sa iba kaya dapat nahigop ko na ang kaluluwa nya sa pag hawak nya palang saakin.

Kaya nga nakakapagtaka na ang tulad nyang mababang uri ng nilalang ay nagagawa akong hawakan ng matagal.

Sandali? Hindi kaya sya ang binabangit ng mga matatanda saamin na espesyal na nilalang?

Hindi, hindi , hindi. 

Imposible ang mababang uri ng nilalang ang tinutukoy nila. 

Dahil sa naging banta ang aming lahi sa kaligtasan ng marami ay nagtulong tulong ang ibang mga lahi na lipulin kami noon kaya isa sa misyon ng natitira saamin ay ang mahanap ang kadiwa o soulmate namin at muling magparami.

Sa higit limampung taon kong pag hahanap ay wala akong makita na kayang tumagal sa abilidad ko bilang soul eater kaya nga patuloy akong umaasa na matatagpuan ko sya.

Unang beses ko lang makatagpo ng nilalang na nagawa akong hawakan ng matagal, alam ko na kalokohan itong iniisip ko pero hindi kaya ang mababang uri ng nilalang na ito ang kadiwa ko?

Nakakahiya ito, isa itong bangungot bilang myembro ng maharlika ng khan .

Pagtatawanan ako ng ibang maharlika kapag nalaman nila ito.

REWRITE : Lets escape the realityWhere stories live. Discover now