Chapter 39 part 2

0 0 0
                                    

Chapter 39 part 2

Nagawang maubos ni Suwi ang mga halimaw sa paligid nya at tumigil na rin ang iba sa pag lusob na tila ba natatakot na lumapit sa violet na apoy na nakakalat sa paligid ng dalaga.

Gayumapaman pagkatapos nyang itira ang napakalakas na atake ay bigla na lang nanlambot ang kanyang tuhod at bahagyang napaluhod dahil sa pang hihina.

" Napakaraming enerhiya ang kinuha saakin ng atakeng iyon." 

" Prinsesa kahit na binibigyan ka ng singsing ng maraming enerhiya ay wag mong kalimutan ang kondisyon ng katawan mo. Hindi maganda kung maglalabas ka ng ganung kalakas na enerhiya sa katawan mo ng biglaan." Paalala ni Serphia sa kanya.

" Alam ko naman yun pero wala naman akong pagpipilian." Sagot nito.

Habang nag papahinga sya ay bigla syang may naramdamang malakas na enerhiya sa paligid nya at biglang napalingon sa likod nya.

" Imposible ." 

Naglalakad palapit si Juggernaut habang napapalibutan ng napakalakas na enerhiya at tila ba bale wala sa kanya kahit madikit sya sa mga apoy sa paligid.

Nakaramdam ng pagkasindak si Suwi dahil sa nararamdaman nyamg presensya. Alam nya sa sarili nya na tinamaan nya sa atakeng iyon si juggernaut pero wala syang nakikitang palatandaan man lang na napinsalaan ito sa ginawa nya.

" Mahal na princesa mag iingat ka nararamdaman ko ang napakalakas na presensya mula sa kanya. " 

Kahit na nanginginig ang mga kamay ay matapang nya parin na hinawakan ang kanyang espada at muling naglabas ng enerhiya sa katawan upang maghanda sa laban.

" Flame slash !" 

Sinubukan nyang tumira ng apoy dito ngunit walang talab ito sa katawan ni juggernaut. Nagpatuloy itong maglakad palapit sa kanya.

Hindi nagpatinag ang dalaga at patuloy na inaatake si Juggernaut mula sa kinatatayuan nya pero kagaya nung mga nauna nyang pag atake ay hindi ito tumatagos sa malabakal na kalasag ng kalaban nya.

Dahil sa alam nya ma nag sasayang lang sya ng enerhiya sa pag tira ng flame slash ay naisip nyang tumigil at mag ipon na lang ng enerhiya sa kanyang espada.

Nag alab ang apoy sa espada na kung saan sumiklab ang halos sampung pulgadang taas ng kulay violet na apoy dito.

" Fallen dragon !" 

Itinaas nya ang espada nya at buong lakas na iwinasiwas pababa kung saan naglabas ito ng apoy na nag hugis dragon.

Bumulusok ang apoy na dragon at umatake kay juggernaut habang ito ay naghahanda na sa pag atake uoang sabayan ang dragon.

" Walang kwenta." 

Kumalat ang napakalakas na awra nito sa paligid at pumadyak sa lupa upang bumwelo sa suntok na gagawin.

Halos madurog ang kalupaan na tinatapakan nya sa lakas ng pag bwelo nito at sumuntok upang sabayan ang patamang dragon sa kanya.

Gumawa ang suntok nya ng napakalakas na pwersang halos lumusaw lang sa dragon na itinira ni Suwi.

Nagtalsikan ang mga bagay bagay palayo kasama na ang dalaga na ngayon ay pinipilit na bumalanse. Nagawa nyang maitarak sa lupa ang espada nya upang mapatigil sa pag talsik.

Sa pagkakataon na iyon ay gulat na gulat sya sa nangyari sa kanyang atake na nagawang mawasak ni Juggernaut sa isang suntok lang.

" Pati ang isa sa pinakamalakas na atake ko bale wala sa kanya." 

REWRITE : Lets escape the realityWhere stories live. Discover now