Chapter 34 part 2

1 0 0
                                    

Chapter 34 part 2

Sa pagpapatuloy ng laban ay walang pag aalilangan na inatake ng batang babae sila nathaniel ng mga sword fish na gawa sa tubig.

Dahil doon ay hndi malaman ng binata kung anong dapat gawin sa sitwasyon nilang dalawa dahil nag aalala sya kung magagawa bang maprotektahan ng kapangyarihan ng bathala si Aibara.

Ngunit nagduda sya na gagawin iyon ng kapangyarihan ng bathalang meron sya dahil tanging ang pagkamatay nya lang ang iniiwasan nito na maganap at hindi ang isang pangkaraniwang tauhan sa kwento kagaya ni Aibara lalo pa ayon sa komiks nya ay nakatakda ng mamatay sa lugar na iyon ang dalaga.

" Kapag wala akong ginawa ay mamamatay si Aibara dito." 

Walang maisip na paraan si Nathaniel at nauubusan na rin sya ng oras dahil malapit na ang pag tama ng mga sword fish sa kanila. Napapikit na lang sya at humingi ng tulong sa diyos na mailigtas si Aibara.

" Hindi! Tumigil ka !!!" Sigaw ni Nathaniel.

Sa pagkakataon na iyon ay biglang huminto ang mga sword fish sa ere at nanatiling nakalutang lang dito.

Ilang sandali pa ang lumipas ay nagtaka si Nathaniel dahil wala syang maramdamang sakit o pagtama ng mga isda kaya naman unti unti syang dumilat upang tignan ang paligid.

" Huh? Anong nangyari?" 

Maging ang batang babae ay nagtataka  sa nangyari at tumingin sa kanyang baston.

" Itinigil ng baston ang pag atake pero bakit? " Bulong ng batang babae.

Hindi maunawaan ni Nathaniel ang nagyayari pero batid nya na hindi titigil ang batang babae sa pag atake sa kanya.

Muling itinaas ng batang babae ang baston nya at nagtangkang muling umatake.

Dahil sa takot ay inaangat ni nathaniel ang kanyang kamay at nagsimulang maglabas ng apoy para umatake.

" Lubayan mo kami halimaw ka!"  Sigaw ni Nathaniel.

Kasabay ng pagsigaw ng binata ay ang pag ilaw bigla ng cristal ng baston at dito sa hindi inaasahang pagkakataon ay nag angatan ang mga tubig sa paligid maging ang mga pader.

Nagsanib ang mga ito at bumulusok sa dereksyon ng batang babae at tumama dito.

Halos durugin ng tubig ang kalupaan at gumawa ng matinding pag sabog.

Dahil sa lakas ng impact nito ay tinangay nito sila nathaniel at nagpagulong gulong sa lupa.

Laking gulat ni Nathaniel sa nangyari at patuloy na naguguluhan kung bakit inatake ng tubig ang batang babae.

Dali dali syang tumayo at kinuha si Aibara na hangang ngayon ay natutulog parin.

" Anong nangyari melon? Bakit parang inatake sya ng sariling nyang kapangyarihan?" 

Nabatid nya na nagmumula sa baston ang kapangyarihan ng kalaban nya at napansin nya na nawala ito sa kontrol ng batang babae.

Tumingin sya sa paligid at walang ibang naroon na pwedeng gumawa nito kaya naman na itanong nya kay melon na kung posible ba na makontrol nya ang kapangyarihan ng ibang nilalang gamit ang kapangyarihan na pinagkaloob ni Melon.

" Imposible yan, walang ganun kakayahan ang binigay ko sayong kapangyarihan at isa pa wala ka pang nakukuhang abilidad na katulad ng sinasabi mo." Sagot ni Melon.

Muling pumatong sa ulo ni Nathaniel si Melon ay pinaalalahanan ang binata na wag alalahanin pa ang nangyari dahil kailangan nilang tumakas agad sa lugar.

REWRITE : Lets escape the realityWhere stories live. Discover now