chapter 27 part 2

0 0 0
                                    


Chapter 27 part 2 

Ilang minuto pagkatapos tulungan ni Ataparag ang mga tumatakas na ravena ay inutusan nya itong tahakin ang landas patungong silangan para masalubong ang paparating na tulong mula sa galica.

Nangalat din sya ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan pa ng mga halimaw na umaatake sa mga maliliit na  bayan at tribo.

Napag alaman nya na nahahati sa maraming grupo ang mga ito upang atakehin ang mga lugar sa paligid ng probinsya.

" Kung ganun talagang binabalak nila lusubin ang lahat ng bayan dito?" 

Humakbang paalis si Ataparag pero bigla syang hinawakan ng matandang ravena upang pigilan at balaan sa pwede nyang kaharapin.

" Sandali lang po heneral, nakita ko kung gaano kayo kalakas makipaglaban pero hindi kayo pwedeng pumunta doon mag isa." 

Sinabihan sya ng mga ito na lubhang napaka delikado kung pupunta ito mag isa dahil ayon sa inuulat ng mga ibon na pagmamay ari ng mga rabena ay higit limang pung libong halimaw ang kabuuan ng mga kalaban na nakita nito sa paligid ng kabundukan.

Alam ni Ataparag na napakarami ng maaaring makalaban nya pero nagulat parin sya ng sabihin nila ang bilang ng mga ito.

" Hindi ko kayang maglabas ng ganung karaming insekto at limitado rin ang enerhiya na taglay ng katawan ko sa ngayon." bulong nito sa isip.

Kahit nangangamba at sumagi sa isip nya na kung hindi sya magmamadali ay tuluyan ng mailalayo ng mga halimaw ang mga bihag at napaka imposible na nilang mabawi ang mga nakuha nila sa oras na mai labas ang mga ito sa teretoryo ng bansa.

" Salamat pero ayon sa sinabi nyo ay marami silang bihag na nakuha kaya kailangan kong mailigtas sila ano man ang mangyari." 

Sa pagkakataon na iyon ay ngumiti lang sya at yumuko sa mga matatanda ng rabena habang pinapaubaya na sa kanila ang paglalakbay at pag iingat sa iba nilang kalahi habang tumatakas.

Pagkatapos nya makapag paalam ay hindi na sya nag sayang ng oras pa at nag simulang tumakbo paalis sa lugar.

Patuloy nyang ginagamit ang crimson item upang makapaglakbay ng mabilis at humihinto pansamantala upang magpahinga sandali.

" Kailangan kong tipirin ang enerhiya ko dahil hindi ko pa alam kung gaano kalalakas ang mga kalaban ko." 

"  Wala akong magiging problema kong kasing hina lang sila nung naunang prime Hube pero hindi ako pwedeng maging kampante lalo pa hindi ganun kalakas ang katawan ko." 

Pinagmasdan nya ang mga kamay nya at unti unting iniaangat at tinatakpan ang mga mata nito.

Nangangamba rin sya sa limitasyon ng crimson eye nya na may kakayahan na makipagpalit ang katawan nya sa isang bagay ngunit nagagamit nya lang ito kada limang segundo at limang beses sa loob ng tatlong minuto.

Malaking pakinabang nya rito lalo na sa pakikipaglaban ngunit dahil sa limitadong enerhiyang taglay ng katawan nya ay hindi nya kayang magawa ito ng maraming beses sa laban.

" Mas madali talaga kung kasama kung lumalaban si Toto at Nyabu para makakuha ng sapat na oras pero hindi naman nila kayang tumakbo ng mabilis kagaya ko." 

REWRITE : Lets escape the realityWhere stories live. Discover now