chapter 12 part 2

0 0 0
                                    


Walang nagawa si Ataparag kundi malungkot at magbuntong hininga sa pagkadismaya dahil sa kinikilos ni Nyabu.

" Hindi na talaga sya nagbago." 

Humarap sya saakin at inihingi ang pasensya ang hindi magandang pagtrato saakin ni nyabu at sinabing kahit na masungit ito ay mabait ito at maaasahan.

Napangiti na lang ako kahit na hindi ako naniniwala sa sinabi nya dahil mukhang pinaglihi sya sa sama ng loob dahil sa kagaspangan ng ugali nya.

Muli nya akong hinawakan sa kamay at ipinakilala ang sarili bilang leader.

" Ako nga pala si Ataparag ang leader ng 10th battle force, sya naman si Toto ang isa sa mga assistant ko." Sambit nito.

Bigla akong hinawakan sa ulo ni Toto at sa sobrang gulat ko ay napatakbo ako palayo. Medyo kinabahan ako dahil hindi naman ako sanay na hawakan ng dambuhalang mga kamay.

" Ah.. naku pasensya na kung natakot ka pero wag kang mag alala mabait si toto kahit na ganyan ang itsura nya, hindi sya nakakapagsalita dahil sa epekto ng crimson item nya pero nakakaintindi sya. "  Sambit nito.

Napangiwi na lang ako dahil nga sa muka syang toro ay hindi mo alam sa reaksyon ng mukha nya kung galit ba sya o natutuwa saakin. 

Naiisip ko na lang kung ano ba ang depinisyon ng salitang mabait para kay ataparag at parang lahat sa kanya ay mabait

Dito ay tinanong nya ang pangalan ko at binangit na kailangan nya iyon para sa gagawin nyang aplikasyon.

" Ako nga pala si Nathaniel muntingbato hindi ko alam kung pwede talaga ako sa eskapa pero kailangan ko talaga ng matutuluyan dito." Sambit ko.

" Hm.. wag kang mag alala hindi lang naman tungkol sa pakikipaglaban ang pag sali sa eskapa, maaari kang sumali dito at maging kapakipakinabang . "

Dito naalala ko na may tatlong sangay ang pwersa ng eskapa na bawat pinamumunuan ng mga sandata.

Ang battle force unit ay mga myembro na nagsisilbi sa eskapa bilang mga sundalo at mandirigma 

Ang utility unit naman ang nakatoka para sa mga gawain na may kinalaman sa pagtatayo ng gusali, paglalaba, pagaasikaso sa lahat ng bagay na kailangan.

At ang medical unit na syang nakatoka para sa pang gagamot, pag responde at pag aalaga sa mga may sakit at sugatan.

" Ok sige, mukhang ok nga iyan." 

" Kung ganun mister nathaniel magtungo na tayo sa dorm ng team para makapagpahinga ka na dahil alam ko pagod ka na dahil aa nangyari." 

Namamangha ako sa pagiging maalalahanin nito kahit na hindi naman nya ako kilala at sa totoo lang naging pahirap pa ako dahil muntik na syang parusahan dahil sa pag tulong saakin.

Ilang oras pa ay nagpunta na kami sa isang apartment na kasalukuyang tinutuluyan ng kanyang team.

May limang pinto ito na nakahilera at dito binangit ni Ataparag na may limanpung myembro ang team nya sa kasalukuyan at ang bawat pinto ay may sampung magkakasamang nakatira.

Binangit nya na hindi ako pwedeng isama sa kanila ng hindi pa ako myembro ng team kaya naman pinasama nya ako sa kanyang unit

" Masyadong komplikado pero ayaw ng marami sa kasama ko sa mga tao kaya siguro sa unit ko muna ikaw magpahinga "  Sambit nito.

REWRITE : Lets escape the realityWhere stories live. Discover now