chapter 38 part 1

0 0 0
                                    

Chapter 38 part 1

Sa pag lipas ng ilang minuto ay sabay sabay nilabanan ni Agane ang mga tauhan ng Siren.

Halos magtalsikan ang mga slardar na patuloy na umaatake sa kanya sa bawat suntok at sipa na natatangap nila mula kay agane.

Sinubukan din na suntukin ng dambuhalang halimaw si agane gamit ang napakalaking kamao nito ngunit dahil sa bilis ni agane sa paglipad ay hindi nito kayang mataan ang heneral.

Alam ni Agane na kailngan nyang umiaip ng paraan upang matalo ang mga ito hangat hindi pa sya nauubusan ng lakas.

" Masyado silang marami para labanan ko ng sabay sabay, wala akong magagawa kundi gamitin ang teknik na yun." 

Lumipad sya sa himpapawid at muling nagpalabas ng malakas na awra kasabay ng pag litaw ng asul na dragon na gawa sa kanyang enerhiya.

Sa mga oras na iyon ay nagdilim ang paligid at nakakatakot na tunog ng hangin dahil sa nababalot ang paligid ng napakalakas na presensya ni Agane na tila ba may unos na darating.

Alam ng siren na may binabalak si Agane na gawin at maging sya ay nababahala sa malakas na presensyang nararamdaman nya.

Kasabay ng pag angat ni Agane ng kanyang kanang kamay ay ang paglitaw ng napakalaking magic circle na ngayon ay nakalutang sa itaas nila.

Lahat ng naroon ay nagimbal sa nasaksihang dambuhalang magic circle sa himpapawid na halos limampung metro ang lawak.

" Isang 4th grade wind magic? Hindi maganda ito."

" Tikman nyo ang galit ng wind dragon,  cyclone thousand strike." 

Naglabasan mula sa higanteng magic circle ang napakaraming wind strike na halos pumulbos sa mga bagay bagay sa kalupaan.

Maging ang halimaw na si darkness ay unti unting napapaatras dahil sa mga wind strike.

Dito makikita ni Agane na ilan sa mga wind strike na tumatama sa halimaw na anino  ay hindi lumulusot sa katawan nito.

Marami sa mga tumatama sa halimaw ang bumubutas at tumatagos sa katawan nito dahilan para unti unti itong mawasak.

" Alam ko na, hindi perpekto ang kakayahan ng halimaw nya na ipadala sa isang dimensyon ang mga atake na matatangap nya, marahil may limitasyon sa oras din ang kondisyon ng abilidad nya kagaya ng normal na abilidad." Bulong nya sa sarili.

Gumawa ng napakalaking pagsabog ang pag atake ni agane at napuno ng napaka kapal na usok sa buong lugar.

Pagkatapos ng pagsabog ay dahan dahan na bumababa si Agane sa lupa at napahingal dahil sa pagod.

Naramdaman nya na malaki ang enerhiya na nawala sa kanya dahil sa pag gamit sa teknik.

" Hindi ko na dapat patagalin ang laban na ito kung hindi delikado ang mga tauhan ko." 

Tumingin sya sa paligid at tila may napansin syang kakaibang tunog mula sa hangin sa paligid nya.

" Anong presensya ito?" 

Sa paglingon nya sa likod ay may biglang sumaksak sa kanyang kutsilyo. Napaatras sya sa pagkakataon na iyon at napatalon upang makalayo.

" Imposible." 

Nagulat sya ng makita na tumagos sa kanyang baluti ang talim ng kutsilyo.

Ang baluti na suot nya ay gawa mismo sa balat ng dragon na mas matibay pa sa bakal.

Dito nakita nya ang isa sa mga tauhan ng siren na halimaw na butike habang hawak ang gintong kutsilyo.

" Aba nagawa mong makailag, masyado mo akong pinapahanga heneral."  Sambit ng halimaw

REWRITE : Lets escape the realityحيث تعيش القصص. اكتشف الآن