chapter 14 part 1

0 0 0
                                    

Chapter 14 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 14 

Dahil sa desidido na sila na pasalihin ako sa eskapa ay pinasama ako ni Ataparag sa mismong base ng eskapa upang ibigay ang listahan ng naimbitahan nila at gusto sumali bilang myembro nito.

Sa pagkakatanda ko ay may proseso ang eskapa na kinakailangan ng aplikante na makapasa sa tatlong exam, pinagdaanan din iyon dati ni Xxv bago sya tangapin ni Magdalena.

Bumagsak sa dalawang exam noon si Xxv at tanging ang naipasa nya lang ay ang physical exam sa loob ng isang laro  pero kahit na ganun ay pwinersa na lang sya ni Magdalena na maisali.

Habang naglalakad kami sa pasilyo ay pinagtitinginan ako ng mga naroon at hindi ko alam kong ano ang magiging reaksyon ko dahil akoo ang sentro kanilang atensyon.

" Teka bakit parang nakatingin lahat sila saakin." Bulong ko kay ataparag.

" Ah.. eh ... Hehehe siguro dahil parin sa naganap kahapon pero wag matakot dahil pinakawalan ka na ng reyna kaya walang pwedeng manakit sayo dito." Sambit ni Ataparag.

Marahil nagtataka ang mga ito sa pagpapakita ko dito gayung isa ako sa kasama ng soul eater na kinatatakutan nila.

Umakyat kami sa 2nd floor ng gusali at pumunta sa opisina ni Sei. Kinausap saglit ni Ataparag ang mga bantay sa pinto at ilang sandali pa ay pinapasok na kami.

Dito naabutan namin na nagkaupo sila sei at aoi kasama ang tatlong heneral pa ng kanyang pwersa na tila nagpupulong.

Hindi parin nagbabago si sei dahil mababakas parin sa mukha nito ang malamig na reakayon at meron parin syang pagkain sa kanyang mesa.

" Magandang umaga kamahalan, nandito po ako para ibigay ang report at ang listahan ng mga naimbitahan namin na sumali sa ating pwersa." Payukong sambit ni Ataparag.

Hindi ko maalis ang tingin ko kay sei dahil nakasuot ito ng korona na bago sa paningin ko at dahil doon ay hinila ni ataparag ang kwelyo ko para yumuko.

" Kailangan mong magbigay galang sa kamahalan bilang reyna pag nakasuot sya ng korona" bulong nito saakin.

Nagtaka ako kung bakit kailangan iyon gayong sumasaludo lang naman ang mga sundalo ng eskapa kapag nakikita sya at ayon sa design nya ay wala naman akong nilagay na korona dito, may hindi ba ako alam tungkol sa kanya? 

Wala akong nagawa kundi yumuko at batiin sila katulad ng ginawa ni ataparag pero habang ginagawa ko iyon ay biglang nagdabog sa mesa si Agane.

" Anong ginagawa ng mukong na yan dito. Ano nanaman ang kalokohan ang nasa isip mo Ataparag." Galit na aambit nito.

Nagpanik agad si Ataparag at aligagang nagpapaliwanag.

REWRITE : Lets escape the realityWhere stories live. Discover now