chapter 5

0 0 0
                                    


Chapter 5. 


Sa pagtatagpo namin ng napakagandang diwata na nasa harap ko ay naisip ko na isang pambihirang pagkakataon ito na makakilala ng nilalang na nagmula sa komiks na sinulat ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa pagtatagpo namin ng napakagandang diwata na nasa harap ko ay naisip ko na isang pambihirang pagkakataon ito na makakilala ng nilalang na nagmula sa komiks na sinulat ko.

Dahil nga sa humihingi ito ng pag alalay ay agad ko naman na inabot ang kamay ko at wala naman pag aalinlangan nitong tinangap .

Ramdam ko sa palad ko ang malambot nitong mga kamay habang inaalalayan ko sya na makatayo.

Nung makatayo ito ay agad itong nagpasalamat saakin kasabay ang napakaganda nitong mga ngiti.

" Maraming salamat munting nilalang." Sambit nito.

Hindi ko alam bakit nya ako tinatawag na munting na nilalang , ito ba ay dahil maliit akong tao o dahil isa akong tao. 

O baka dahil isa syang mataas na uri ng nilalang ? Ewan pero sino bang may paki doon eh mukha naman syang mabait at may respetong diwata sa katulad kong tao.

Bukod sa malambing na boses nya ay mukhang napakabusilak din ng loob nito dahil napakadisente nitong pag sasalita at gusto nya pa akong bigyan ng gantimpala sa ginawa ko.

" Wala akong sapat na kakayahan sa ngayon pero balang araw ay gagantimpalaan kita sa kabutihan na ginawa mo saakin." 

Napaka werdo para saakin ang sinabi nya dahil para saakin napakaliit na bagay lang ang pag tulong ko na alalayan sya na tumayo para bigyan pa ako ng gantimpala pero siguro iba ang nakasanayan nya at paniniwala sa lugar kung saan sya nagmula.

Pagkatapos nun ay biglang nagtanong saakin ang dalagang iyon kung naroon ba ako upang sumali rin sa eskapa kagaya na lamang ng mga taong naroon din sa lugar.

" Hindi, nagkakamali ka binibini pero hindi ako naparito para sumali sa eskapa. " Agad na sagot ko .

Inakala nya na interesado ako na sumali sa eskapa kaya ako naroon pero agad kong nabangit na wala akong intensyon na maging myembro nito gayung ang mga sumasali lang dito ay may mga sapat na kakayahan at lakas.

" Balita ko mga magigiting na sundalo sila na nagliligtas ng buhay ." 

Sinang ayunan naman ito ng babae at sinabi na ang eskapa ay mga mandirigma ng kalangitan at huling pag asa ng endoryo laban sa mga mapang abusong mga nilalang.

" Tinipon at biniyayaan sila ng kalangitan ng kakayahan upang ipagtanggol ang sanlibutan  sa mga trahedya at pagkawasak dulot ng mga ganid na nilalang sa endoryo." 

REWRITE : Lets escape the realityWhere stories live. Discover now