CHAPTER 1

130 3 0
                                    

CHAPTER 1:

-xxx-

"Ma! Penge pera!"sigaw ko para marinig ni Mama.

"Saan mo naman gagamitin?"takang tanong ni Mama.

"Pambili ko plane ticket, maglalayas ako."saad ko.

"At saan ka naman pupunta?"naka pameywang na si Mama sa harapan ko.

"Punta ako Korea, bumalik na kasi ang sugarplum ko sa Korea."ngising sabi ko.

"Maryusep! Umayos ka nalang kaya sa pag-aaral mo? Graduating kana, Amara Abalos."inis na saad ni Mama.

Nakasimangot naman ako. Graduating na ako sa college at kaya ako manghihinge ng pera upang sundan ang pangarap ko. Sabi nga nila 'follow your dreams', kaya susundan ko si Kyler ko! Bahala na maging isang saseang ako basta makasama ko lang sila lalo na si Kyler. Sila ang Hori7on na pinuntahan ko na concert. Actually tumakas lang ako sa bahay eh para pumunta doon kaya 'wag kayong maingay ha? hehe.

Nakasimangot akong pumasok sa loob ng kwarto ko at tinignan ang pictures na nasa dingding ko. Si Kyler mylabs. Ang visual ng Hori7on at ang mylabs na sugarplum ng buhay ko, char. Tinignan ko siya ng medyo teary eyes pa.

"Kyler, hindi na kita makikita!"padabog akong nag-ikot-ikot sa kama ko.

Bumangon naman ako at nalala ko may thesis pa pala ako. Dali-dali naman akong bumangon at humarap sa laptop ko.

"Walanghiyang buhay naman, kailan ba kami magkakasama ng pamilya ko? Ang mga anak ko? Ang asawa ko? Si Kyler mylabs!"dramang saad ko habang naka harap sa laptop.

Padabog akong gumawa ng thesis hanggang matapos ko ito.

******

Maaga akong pumasok sa klase ko. Dalawa lang naman ang subject ko. Ang Feasibility at OJT. Kahit dalawa lang 'yan nakaka stress kaya. isipin mo Feasibility study palang parang gusto ko ng sumuko. Magbabayad ka pa ng legit na Engineer at Accountant at saka kailangan pang mai-defend. Ito namang OJT ay kailangan naming 600 hours ma comply ang work. Pero hanggang ngayon hindi pa kami dineploy.

"Oh, nakabusangot ka? Maaga pa Amara para mag-inarte."saad ni Synthia.

Kaibigan ko na hindi halata. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Kasi naman hanggang ngayon ay nagmomoment pa ako kasi babalik na ang Hori7on sa Korea for trainings and guestings. Paano naman ako? Itong pinagbubuntis ko sa anak namin ni Kyler?

"Oo, ikaw ba naman kaharap ko."pambabara ko sa kaniya.

Inirapan naman niya ako at mabilis namang pumasok ang prof namin sa feasibility. Nag-iwan lang siya ng note kung saan ay kailangan naming i-revise. Nagpaalam naman siya pagkatapos noon.

"Ano plano mo this founders week?"tanong sa akin ni Synthia.

"Ewan ko nga kung pupunta ako eh. Hindi naman required."saad ko.

"May sikat daw na banda ang tutugtog."sabi niya.

"Saan mo naman na kuha 'yan?"kunot noong tanong ko.

"Narinig ko lang sa iba."kilbit-balikat naman siya.

"Kilala mo?"tanong ko.

Napa-iling naman siya. Hindi ko nalang siya kinibo. Kung maghahanap ka naman ng chismis iyong kompleto sana at totoo ang source, tsk.

Bukas na kasi ang founders ng school eh. Kaya hindi gaano kadami ng studyante pero para sa aming mga graduating students ay still kailangan naming bumalik sa school to comply. Jusko naman, kailan ba kami makakapag relax?

Isa nga pala akong Business student na nag-aaral sa Brigeton Academy. Isang sikat na school at mamahalin pero nakapasok lang kami ni Synthia dito dahil sa scholarship. Magkakaibigan na kami ni Synthia Villar noon pa mang highschool kami.

"Hindi na muna daw tayo magkikita, sabi ni prof Alvarez, enjoy daw natin ang founders week."sabi ni Synthia habang naka tingin sa cellphone.

"Himala at hindi siya papasok."sabi ko.

"Baka nilagnat kaya nagka himala."sabi niya.

Sabay naman kaming natawa sa kalokohan namin. Si Prof Alvarez ang teacher namin sa OJT na hindi pa rin kami dineploy dahil need daw muna namin ng very mahabang orientation. Ewan ko ba pero naka tatlong orientation na kami na paulit-ulit lang naman ang sinasabi.

"Uwi kana?"tanong niya.

"Oo, san pa ba ako pupunta?"takang tanong ko.

"Ewan, gala muna tayo."saad niya.

Marahas niya akongkinaladkad. Jusko gusto lang pala mag mall ang bruha, hindi man lang ako sinabihan. Habang naglalakad kami ay napansin namin may mga taong nagkukumpulan sa isang cafe sa loob ng mall.

"Ano kaya ang nandoon?"tanong ni Synthia.

"Aba malay ko, magkasama kaya tayo kaya paano ko malalaman?"tinaasan ko siya ng kilay.

Hindi niya nalang ako pinansin at kinaladkad ulit ako sa nagkukumpulan. Napaka sadista ng babaeng ito. Ang sakit na kaya ng braso ko.

"Excuse me po!"singit ni Synthia sa mga tao.

Napatigil naman kami dito sa may unahan kaya tumingala naman ako kung sino ang pinagkaguluhan nila. OMG! Ang-

"Hori7on!"sigaw ng isa sa mga babeng nasa kumpulan.

Akala ko bumalik na sila sa Korea pero nandito pa pala sila. Mukhang may fanmeeting sila. OMG! Da best ka talaga Synthia. Hanggang ngayon ay naka nga-nga pa rin ako. Ang lapit ko sa kanila. Kitang-kita sa pwesto ko ang poging mukha ni Kyler.

"Hello anchors! Kamusta kayo? Ito pala 'yung suprise namin sa inyo. Hindi muna kami babalik sa Korea, we still have a lot of things na gagawin dito sa Pinas."ngiting saad ni leadernim. Si Vinci.

"Nandito kami ngayon para makilala ang mga anchors namin. Soled diba?"saad naman ni Kim.

"Kuya Kim and Kuya Vinci are right, we are here for you anchors kaya sana masaya kayo!."si Marcus naman ngayon ang nagsalita.

"Ano ba gagawin?"tanong ni Reyster.

Nagtawanan naman ang lahat dahil sa sinabi ni Reyster. Reyster will always be Reyster, ang laging lutang.

"Lalaki ako Sir!"sabi ni Jeromy habang naka hand gesture ng salute.

Hindi nagsasalita si Kyler pero tumatawa naman siya. Si Winston naman ay gumaya kay Jeromy. Madami silang ginawa. Kumanta, nagjoke at marami pang iba. Ngayon ay start naman para sa raffle. One lucky fan can get a selfie sa kanila, exclusive dinner sa bias at hug. Kaya pala may pinasulat kanina sa entrance. Na excite naman ako. Sana naman ako ang mabunot. Para makapag solo kami ni sugarplum.

"The lucky fan is Samatha DIaz!"si Winston ang bumunot.

Sayang naman at hindi ako. Pero okay na 'yun nakita ko naman sila ng ganito kalapit. Natigilan ako kasi nagtulakan na sila sa likuran at dahil ako ang nasa pinaka unahan ay ako ang natulak at madadapa na sana ako kaya ipinikit ko ang mga mata ko. Pero ang pinagtataka ko ay hindi ako bumagsak.

"Be careful."sabi ni Kyler.

Iminulat ko ang mga mata ko. Shit! Kaya pala hindi ako bumagsak ay nasalo niya ako. OMG! Nasalo niya ako, ang lapit pa ng mukha niya. Mabilis naman niya akong itinayo. Hindi pa rin ako maka paniwala.

"Are you okay, Miss?"nag-alalang tanong ni Vinci.

Napatingin naman at sa kaniya at marahang tumango. Nakakahiya nakatingin pala silang lahat sa akin. Kaya mabilis kong hinatak si Synthia palabas.

"OMG! hindi ko sila kilala pero napaka swerte mo naman."kilig na saad ni Synthia.

Hindi pa rin ako makapagsalita at ngayon ay naging kamatis na ako dahil sa sobrang pula ng mukha ko.

-xxx-

By Your SideWhere stories live. Discover now