CHAPTER 63

8 1 0
                                    

CHAPTER 63:

-xxx-

Nakabalik na kami sa Korea ngayon. Kinukulit ako ni Dave na huwag na muna daw pumasok sa trabaho bukas dahil alam niya na buntis ako at baka ikakasama ng dinadala ko. Natawa naman ako sa totoo lang.


"OA naman nito. 3 weeks pa lang ako at isa pa, CEO ako, dapat magtrabaho ako."saad ko kay Dave.

"Sige nan ga, basta 'wag ka lang magpaka stress."paalala nito sa akin bago umalis.


Hinatid lang niya ako sa bahay at umalis din agad siya. Kaya naman pumasok na din ako sa loob ng bahay nakita ko naman sina Harabeoji, Appa at Mama sa loob at kumakain sila.


"Did I miss something? Why is everyone here?"ngiting saad ko.


Naglingunan naman sila at mabilis na pina-andar ni Harabeoji ang wheel-chair niya para puntahan ako sa pwesto ko.


"How was your vacation with your friends?"magiliw na tanong niya.

Yumuko naman ako para makaharap ng maayos si Harabeoji. "It was fun!"


Tumayo naman agada ko at tinignan silang lahat. Mariin akong bumuntong-hininga bago ngumiti uli. I am now ready to announce something to my family. Dapat sila mauna at huli si Kylelr para special.


"I have something to announce!"masayang saad ko.


Napakunot ang noo nilang lahat kaya inilabas ko ang PT at itinaas ito para makita nilang lahat ang gusto ko iparating.


"I am 3 weeks pregnant."anunsyo ko sa kanila.


Nabitawan ni Appa ang baso niya kaya ito nabasag sa sahig. Si Mama naman ay nahulog sa sahig ang bitbit niyang chopstick. At si Harabeoji ay biglang napahawak sa puso niya.


"Mworago?!"gulat na hiyaw ni Appa. (What?)

"Yeah, it's true."simpleng saad ko.

"Y-You don't have a n-namja chinggu?"takang tanong ni Harabeoji.

Yumuko uli ako para makaharap siya. "I have po."

"Sino?!"hiyaw din ni Mama.


Tumayo naman ako habang tumatawa sa mga reaksyon nila isa-isa.


"Ang hysterical niyo naman! Pero, totoo siya... I'm pregnant and... it's Kyler's child."tipid na paliwanag ko.


Lumapit naman si Mama sa akin at bigla niya akong piningot sa aking tenga. Ang sakit!


"Ma naman!"reklamo ko.

"Nagbalikan na kayo pero hindi mo man lang sinabi sa amin?!"gigil na saad ni Mama.


Inawat naman ni Appa si Mama kaya nabitawan ni Mama ang tenga ko. Patuloy pa rin ako sa paghimas nito dahil masakit pa rin.

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon