CHAPTER 55

24 1 0
                                    


CHAPTER 55:

-xxx-

Ilang araw din akong hindi nakapasok ng trabaho simula ng mag amusement park kami dahil sa mataas na lagnat at over-stress sa trabaho.

Ngayon ay kasalukuyan akong naglalakad sa isang field kung saan ay gaganapin ang shooting ng isang advertisement ng Hori7on. Actually, hindi pa ako ganoon kagaling kaya lang pinilit ko lang din pumasok dahil nakatambak na ang trabaho ko.


"Is the budget okay?"tanong ko sa isa sa mga producer.

"Yes, Sajangnim."sagot nito sa akin.


Habang naglilibot ako ay nagulat naman ako na nandito din ang Hori7on, lahat sila. Lumapit naman sila agad sa akin.


"What are you doing here, Ate?"tanong ni Marcus.

I smiled at him. "Inspections lang."

"Are you okay, Ate? You looked pale."saad ni Jiro.

"I'm really fine."saad ko naman para hindi sila mag-alala.

"Balik lang kami sa trabaho."saad ni Vinci.


Bumalik naman sila kaya naman tumingin ulit ako sa paligid at ginawa ang trabaho ko. I did inspect all the location and it's okay naman. Kaya naman nitong nag break-time ay umupo ako sa bandang dulo ng area upang doon magpahinga.

I closed my eyes and leaned towards the wall. Dahil medyo nahihilo ako. Nakalimutan ko kasi uminom ng gamot ko.


"Anong ginagawa mo dito?"tanong ng isang tinig.


Agad ko naman naimulat ang mata ko para malamn kung sino ang nagsalita dahil wala na akong lakas.


"I'm sorry. I didn't know you're here."mahinang saad ko.


Tatayo na sana ako ng medyo mahilo ako kaya naman napabalik ang upo ko sa upuan ko. Nabigla naman ako ng hawakan niya ang noo ko.


"Shit! Ang init mo."saad nito.


Mabilis niyang kinuha ang jacket niya at ipinatong sa akin. Lumapit din siya sa akin para ipa-inom ang dala niyang tubig. Ininom ko naman ito ng walang angal.


"Salamat."saad ko matapos uminom.


Hinawakan niya naman ang ulo ko at ipinatong sa balikat niya. Ramdam ko ang init niya kaya naman ay hindi na din ako nilalamig.


"Just rest."awtoridad na saad nito sa akin.


Sinunod ko naman ang isinaad ni Kyler. Hindi na ako umangal o kung ano pa dahil nahihilo na talaga ako.

*****

Nagising naman ako na medyo okay na ako. Ngunit hindi ko na nakita pa si Kyler sa tabi ko. Nakapatong pa din sa akin ang jacket niya. Tumayo naman ako at pinagpag ang gamit kaya naman dumeretso na ako sa parking area para umalis na at umuwi. Wala si Dave ngayon dahil may inaasikaso.

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon