CHAPTER 49

27 1 0
                                    


CHAPTER 49:

-xxx-

Mahigit isang buwan na ang nakalipas simula ng makapunta kami sa Korea. Naging busy ang buwan na ito dahil maraming inihanda ang magulang ko sa nalalapit nilang kasal. Oo, ikakasal sila mabuti naman at bago namatay ang first wife ni Appa ay divorce na sila. Approved na approve naman si harabeoji dito at siya ang katuwang ng mga magulang ko sa paghahanda. Kaya si Mama ay nasa Korea pa habang ako nandito sa Pilipinas nagtratrabaho sa kompanya ng ABC kasa ang mga kaibigan ko.

Mahigit na din isang buwan simula ng wala na akong komunikasyon sa Hori7on ngunit updated naman ako sa kanila sa news at articles. Laking pasalamat ko kay Appa at sa Management niya na nakalimutan na ng tao ang scandals namin ni Kyler at walang humaharass sa akin. Kaya lang kay Kyler madami. Kaya nagmumukha akong selfish sa paningin ng iba. 

Muling bumabangon ang grupo ngayon sa kabila ng mga issue at scandals nila ngunit itong si Kyler ay kung sino-sino na mga artista o singer ang na li-link dahil sa kaharutan nito. Kaya minsan makikita ko na stress na stress na si Appa pag nagvivideo call kami.


"Girl, may chika ako sa'yo."bungad ni Synthia sa akin dito sa mini kitchen namin sa opisina.

"Ano?"saad ko sabay higop sa kape ko.

"Dalian mo baka may gagawin pa ako sa table ko."dagdag ko sa kaniya.

"Alam mo ba na gulat na gulat ang ibang Hori7on nitong nalaman nila anak ka nila? Oo, 'te grabe ang gulat nila lalo na si Kim."kwento nito sa akin.

Napa-iling naman ako habang humihigop sa kape ko. "Pano naman 'yan?"

"Wala, share ko lang."nguso na saad nito habang napagtanto na hindi ako interesado sa mga sinasabi niya.

"Ano ba pinag-usapan niyo?"tanong ng biglang sumulpot.

"Grabe ka naman, Dave! Hindi ka ba marunong magpaalam na nandiyan ka bago ka magsalita? Aatakihin ako sa puso sa'yo."inis na saad ni Synthia bago umalis.

Napakilbit-balikat naman si Dave at umupo sa tabi ko. "Hinahanap ka ni Boss."

Napalingon naman ako sa kaniya. "Bakit naman?"

"Baka 'yung sa budget kaya ka pinatawag."saad nito at nagtimpla din ng kami.


Inubos ko naman ang kape ko at tumayo na at inilagay sa lababo ang baso. Tinapik ko naman ang kaniyang balikat upang magpaalam.


"Una na ako."paalam ko kay Dave.


Tumango lang siya sa akin. Naglalakad naman ako papunta sa opisina ng Boss namin ang head ng Team namin. Nakita ko naman ang boss namin na halos magtabi na ang kilay habang binabasa ang papel na hawak niya. Kaya kumatok muna ako bago pumasok.


"Good Afternoon po Boss."bati ko ng pagpasok ko kaya napalingon naman siya sa akin.

"Mabuti naman at nandito kana."malalim na boses nito.

"Bakit niyo po pala ako pinatawag?"takang tanong ko.

"I've read your proposal and mukhang hindi natin kaya ang budget na nais mo. Redo this, and pass your proposal tomorrow morning."saad nito.

Napasimangot naman ako at kinuha ang proposal ko sa kaniya. "Yes, boss."


Umalis naman ako sa opisina niya at padabog na bumalik sa table ko. Walang hiya naman akala ko pa naman maaga ako makakalabas ngayon pero mukhang hindi dahil overtime na naman ako nito.

By Your SideWhere stories live. Discover now