CHAPTER 17

79 1 0
                                    

CHAPTER 17:

-xxx-

Nag-aalinlangan akong i-text sa kaniya ang location ko pero wala na din akong nagawa kundi masend sa kaniya kasi bigla-bigla akong tinawag ni Synthia.


"Kainis ka."bungad ko sa kaniya.

"Luh, inaano ka?"takang tanong niya.


Hindi ko nalang siya pinansin at inirapan nalang at pumasok ulit sa sala ng bahay nila. Inabutan naman ako ni Dave ng papel na kagagaling lang ata sa printer.


"Tapos na kasi ako sa part ko kaya tinapos ko nalang ang sa'yo."ngiting bungad niya habang naka abot ang papel.

Kinuha ko naman ito. "Tinapos mo ang rrl na dapat ako ang gagawa?"gulat na tanong ko.

Tumango naman siya ng napakaraming beses. "Baka kasi work related mo 'yung tumawag kaya ako na ang gumawa."

"Ah, wala 'yun. Ano lang, prank call. Oo, prank call."tugon ko habang hindi maka tingin sa kaniya ng maayos.

"Sige, ayusin ko lang ito. Thank you Dave."ngiting saad ko kaniya habang kinuha ang inabot niya sa akin.

"Para sa'yo."mas dumoble ang ngiti niya, imagine niyo nalang ngiti niya abot langit.

"Ayun ang lover boy namin, 'di papahuli."kantyaw ni Zeus ng marinig niya si Dave.


Napa-iling nalang akong bumalik sa pwesto ko. Inaayos ko pa din ang mga papel na nasa harapan ko, although natapos na ni Dave ang part ko ay kailangan ko pa rin tong i-double check at i-fact check kasi mahirap na talagang magkamali.


"Mag gagabi na, wala pa tayong ulam."saad naman ni Trish kaya napatingin ako sa gawi niya.

"Oo nga, nagugutom na nga ako."reklamo naman ni Zeus.


Tinignan ko naman ang oras. 6:45pm. Nagkulay kahel na din ang kalangitan at senyales na nito na mag gagabi na nga. Hinanap naman ng mga mata ko si Synthia at tumayo ako at kinausap siya ng makita ko siya.


"Hindi pa ba uuwi magulang mo?"tanong ko kay Synthia.


Umalis kasi mga magulang niya at nasa lolo't lola niya dahil naggkasakit daw ang mga ito at kailangan nilang alagaan.


"Tumawag nga eh. Ang sabi bukas nalang daw sila babalik kasi hindi nila maiwan si Lolo't Lola doon eh."saad ni Synthia.

Napabuga nalang ako ng hangin. "Ako nalang bibili ng uulamin natin."saad ko.

"Samahan na kita!"tumayo naman si Dave.

"Sige, lechon manok nalang ha! Samahan mo 'to, Dave kasi minsan to lutang."saad ni Synthia.


Sinamaan ko naman siya ng tingin at hinampas. Kinuha ko naman ang wallet ko at lumabas na ahabng si Dave ay nakasunod lang sa akin. Kasalukuyan na kaming naglalakad papunta sa bibilhan ng makain.


"Kamusta pala ang tarabho mo bilang PA?"tanong ni Dave habang naglalakad kami.

"Okay naman kaso nakaka drained din minsa eh."saad ko habang deretso lang ang tingin sa daan.

By Your SideWhere stories live. Discover now