CHAPTER 22

78 1 0
                                    

CHAPTER 22:

-xxx-

Mabilis naman natapos ang meeting namin kaya naman agad ko ang mga text message. 3 messages. Inopen ko muna ang laman kay Kim dahil ito ang pinaka recent.


From: Kim

Narinig ko nasa headquarters ka daw. Are you free later? I'll treat you!


Ni-exit ko naman ang text muna ni Kim bago tignan ang dalawa pang text messages. Nakita ko naman kung sino ito. Agad naman akong napangiti. Kyler.


From: Kyler

We got the coffee. Thanks.

Treat you ice cream later, pambayad.


I chuckled dahil sa kilig. Agad namang napatingin sa akin ang mga tao dito sa opisina kaya naman mabilis akong umayos ng tindig at dali-daling nireplyan si Kyler.


To: Kyler

Dunno if I'm free later, may mga kailangan pa ayusin dito.


I immediately replied at ni replyan ko na din si Kim baka kasi mag tampo pa 'yun.


To: Kim

I'm not free eh. Busy pa dito.


Binalik ko nalang ulit ang phone ko sa bag ko at bumalik sa meeting room dahil may ipapaayos pa si Managernim sa akin.

Dumating naman si Managernim na may dalang mga papeles na kailangan ko daw i-organized. Alam ko PA ang trabaho ko pero since short sila ng staffs at saka gusto ko din namang tumulong kaya nagpresenta na din ako. Kaya ito ako tutok sa mga papeles na kailang ko ayusin para ma approved na ang variety show nila.


Mabilis naman lumipas ang oras dahil hapon na at natapos ko na din ang pinapagawa ni Managernim kaya naman pauwi na ako ngayon. Kakalabas ko lang sa building.


"Pst!"


Napalingon-lingon naman ako sa gulat kasi may biglang sumitsit sa akin. Mahigpit ko din hinawakan ang bag ko kasi mahirap na. Pero wala pa rin akong makita kaya naman ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad.


"Pst!"


Ulit nito kaya naman mas lalo ko pa binilasan ang paglalakad. Nagulat naman ng biglang may humila sa akin. 


"Huwag po! Maawa po kayo sa akin!"pikit na sigaw ko sa humawak sa akin.

Narinig ko namang tumawa ang bad guy kaya naman hinay-hinay ko binuka ang mga mata ko. "Kyler?!"gulat na saad ko.


Hindi niya ako pinansin pero patuloy pa rin siya sa pagtatawa kaya naman sinamaan ko siya ng tingin habang nakapameywang. Hinintay ko talaga na kumalma siya.


"Sira ka talaga! You think I'm a holddaper?"tawang tanong niya at marahang pinitik ang noo ko kaya napahawak ako nito.

By Your SideWhere stories live. Discover now