CHAPTER 54

21 1 0
                                    

CHAPTER 54:

-xxx-

Sumama naman ako kay Synthia dito sa parking area para kuhanin ang mga regalo na isinaad niya kanina lang. Natapos na din kasi ang party ko doon sa restaurant na iyon. Umuwi na sila Appa at Mama habang si Harabeoji ay hinatid na ng designated driver namin.

Ako at si Harabeoji nalang ang naiwan sa malaking mansion dahil bumukod na sila Mama at Appa at minsan naman ay umuuwi sila sa mansion.


"Ito, kaya mo ba dalhin lahat?"bigay niya sa akin ng mga paper bags.

"Ang dami naman ata nito."takang saad ko.

Napakilbit-balikat naman siya sa itinuran ko. "Binigay lang 'yan sa akin."

"Okay, thank you!"saad ko saka siya hinalikan sa pisnge niya.

"Bukas, 'wag mo kalimutan gala natin."paalala niya sa akin.


Nagsalute naman ako. Nagpaalam na siya sa akin na aalis na siya kaya naman pumunta na din ako sa kotse ko. Ako na ngayon ang magdi-drive dahil umuwi na si Dave kasama ni Zeus, siya na daw bahala doon dahil lasing na. Mabuti naman at hindi ako ganoon na apektuhan ng alak.

Pinaharurot ko na ang sasakyan ko pa alis na parking lot ng restaurant. Habang ako ay nagmamaneho ay may napansin akong pigura ng tao sa labas ng sidewalk kasama ang isang babae na kilala ko rin kung sino.

Mahigpit naman akong napahawak sa manobela ko. Sa lahat ba naman ng makikita ko ay sila pa talaga? Napakaliit naman ata ng mundo na ginagalawan ko. Mas sumeryoso ang pagmamaneho ko hanggang sa maka-abot ako sa mansion.

Nakita ko si Harabeoji ngunit hindi ko siya pinansin at saka ako pumasok sa loob ng kwarto ko ng walang salita.

*****

"Ang tagal naman ni Synthia."reklamo ni Trish.

"Akala ko ba magkasama kayo ng hotel?"takang tanong ko.

"Magkasama nga kaso umalis dahil pupuntahan ang boyfriend niya. Landi na 'yun!"inis na saad ni Trish.

"Let's just wait for her."saad naman ni Dave sa amin.


Nandito kami ngayon sa isang amusement park dito sa Korea. They want an after celebration parang vacation na din namin. Nagleave lang sila ng 3 days habang ako pwede naman hindi ako magtrabaho dahil ako ang CEO ang kompanya. They want me to rest daw from stress sa kompanya.


"At last, dumating na ang bruha."saad ni Trish.

"Wait, parang ang dami naman ata ng dala niyang mga kasama."saad ni Zeus.


Napatingin naman kami sa gawi ni Synthia. Talaga naman! Dinala niya ba naman ang lahat ng Hori7on members. Take note, walang disguise o kahit anong pantabon ang ginawa nila kaya nagtinginan ang mga tao at nagsigawa.


"Gusto ata ni Synthia ng gulo eh."saad naman ni Dave.


Napahilamos naman ako sa sarili kong kamay dahil sa nakita ko. Habang ang bruhang babae ay masayang naka-angkla sa braso ng boyfriend niya.


"Hello everyone!"bati ni Synthia sa amin.

"I just invited them. Para naman marelax and enjoy naman tayo."dagdag pa nito.

By Your SideWhere stories live. Discover now