CHAPTER 36

59 1 0
                                    

CHAPTER 36:

-xxx-

Masaya kaming kumain nina Mama at Kyler. Habang si Mama ay todo ngiti ng nakatingin kay Kyler.

"Ang sarap po ng luto niyo!"masayang saad ni Kyler.

"Talaga ba?"masayang saad ni Mama.

Mabilis namang tumango si Kyler habang puno ang mga bibig ng ulam. Mahina naman akong natawa.

"Bumalik ka lang dito pag gusto mo kumain. Ipagluluto kita."masayang saad ni Mama.

"Shempre po babalik talaga ako dito, Tita!"masayang saad ni Kyler.

"Dahan-dahan sa pagkain."saad ko kay Kyler na kanina pa lagay ng lagay ng pagkain sa bibig.

Masaya naman kaming nagkwentuhan habang kumakain. Si Mama ay naging paborito na si Kyler kaysa sa akin. Akalain mo mas binibigyan pa ni Mama ng ulam ang plato ni Kyler kaysa sa akin na anak niya. Sabihin niyo nga, sino ba sa amin ang totoong anak?

"May tanong ako sa'yo, iho. Sana naman ay 'wag mo mamasamain."sabi ni Mama.

Umayos naman ng upo si Kyler. "Oo naman po."

"Mahal mo ba talaga ang anak ko? Pasensya na ha kung medyo pinagdududahan kita. Nag-iisang anak ko kasi si Amara at ayoko ko lang siyang masaktan. Mahal na mahal ko 'yan kahit minsan sakit sa ulo. Gusto ko sanang klaruhin mo..."tanong na may paliwanag ni Mama.

Huminga naman ng malalim si Kyler bago sumagot. "Oo naman po. Mahal na mahal. Maniniwala po ba kayo na siya ang unang babaeng minahal ko? Kasi po, oo eh. Siya po kasi kauna-unahang baabeng minahal ko po talaga. Kaya ko po gawin ang lahat para sa ikakasaya niya..."putol na saad nito.

Tumingin siya sa akin at ngumiti matapos hawakan ang mga kamay ko. "Hinding-hindi ko po siya sasaktan kahit anong mangyari."

Tinignan ko naman siya at pareho na kaming ngumiti. Habang si Mama naman ay masayang nakatingin sa amin.

"O'siya! Basta't pangako mo sa akin."saad ni Mama at tumingin naman sa kaniya si Kyler.

"Pangako po, Tita."saad ni Kyler.

*****

Kasalukuyan akong naghuhugas ng pinggan habang tinutulungan ako ni Kyler. Napangiti naman ako kasi buong akala ko ay hindi siya marunong maghugas ng pinggan. Pero nagkakamali pala ako kasi mas bihasa siya kaysa sa akin.

"Love and shine

We might've made a few mistakes but

Love and shine

The only way to find ourselves' through

Love and shine

No matter how the snow(rain) is falling"kanta ko.

"You know how to sing?"tanong ni Kyler sa tabi ko.

"Boyfriend ba talaga kita? Bakit parang hindi mo alam?"biro ko sa kaniya.

Natawa naman ako sa reaksiyon niya kasi kamot lang siya ng kamot sa ulo niya.

"Biro lang. Siguro, oo pero konti lang. Hindi naman ako katulad sa inyo na may tono. Marunong ako kaso lang wala sa tono."saad ko.

"No. Maganda kaya. Sing more."saad nito na may halong saya sa boses.

"Hello

I never was so sure to say it out

By Your SideWhere stories live. Discover now