CHAPTER 39

56 1 0
                                    


CHAPTER 39:

-xxx-

Matapos ang kadramahan na ginawa ko ay naglakad na kami ni Kyler pauwi sa bahay namin. Dahil sa pagmamadali ni Kyler ay nakalimutan na niyang magsuot ng disguise. Wala siyang kahit anong saplot sa mukha.


"Mabuti naman ay walang tao dito sa lugar namin."saad ko sa kaniya habang naglalakad kami.

Napakamot naman siya ng ulo. "Sorry nakalimutan ko. Dali-dali kasi akong pumunta dito pagkatapos mo tumawag."

"Anong sinakyan mo?"tanong ko.

"Nag taxi."simpleng tugon nito.


Napahinto naman ako sa gulat. Anong taxi ang pinagsasabi nito?!


"Nakilala ka ba? Teka, tignan ko baka viral kana..."tarantang saad ko.


Pinigilan niya naman ako at ngumiti siya sa akin at iniharap ako.


"Don't worry, walang nakakakilala sa akin."saad nito sa akin.


Napabuntong-hininga naman ako. Hindi na kami na nag-usap pa ng makarating na kami sa bahay namin.

Pumasok naman kami sa bahay pero nagulat naman kami ni Kyler ng may lalaking boses sa loob ng bahay naming at ang Malala pa nito ay kausap si Mama.


"Tell me, Amanda... do we have a daughter?"tanong ng lalaki.

"Umalis kana. Baka may makakita sa'yo."sagot naman ni Mama.

"Just...just tell me."humina ang boses ng lalaki.


Naisipan ko namang makisawsaw na. Ako din naman ang pinag-usapan nila.

Nakita ko ang isang pamilyar na pigura ng lalaki habang nakatalikod ito sa amin. Nagulat naman napatingin si Mama ng makita kami ni Kyler. Kaya naman ay lumingon na din ang lalaki.


"Sabi ko na nga ba."bulong na saad ko.

"Daepyonim?!"gulat na tawag ni Kyler.


Mabilis namang lumapit sa akin si Mr. Choi (nakaka-umay tumawag ng daepyonim sa tatay ko).

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko habang may mga butil sa kaniyang mukha.


"I knew it. Kaya ang pamilyar mo sa akin. Anak nga talaga kita."saad nito sa akin ng may halong accent pa at niyakap niya ako.


Bigla naman kaming inilayo ni Mama sa isa't-isa. Habang si Kyler naman ay tulala lang nanunuod sa amin. Siguro hindi pa siya makapaniwala sa natunghayan niya. Ang boss niya ay ang totoong tatay ko.


"Umalis kana paki-usap, Eun-Hoo."paki-usap ni Mama.

"No. I won't leave in this house unless makapag-usap ako sa anak ko."saad nito na nakatingin lang sa akin.

"Siguro naman ho ay nakaka-intindi kayo ng Tagalog. Umalis na ho kayo lalo na gumagabi na."saad ko ng walang emosyon na ipinapakita.

"Alam ko galit ka sa akin. I'm sorry. Your mother never told me about your existence."malungkot na saad nito.

By Your SideWhere stories live. Discover now