CHAPTER 62

8 1 0
                                    

CHAPTER 62:

-xxx-

"Hintayin nalang natin si Doc."saad ni Trish.


Kasalukuyan kaming nasa OB-GYNE. Hinihintay naming ang private doctor ni Trish. Dahil gusto namin magpacheck.


"I'm sorry for being late."tinig ng isang boses na kakapasok lang.

"It's okay, doc. Bago lang din naman kami naghintay."saad naman ni Trish sa kaniya.

"So, what brought you here? Kakacheck ko lang naman sa'yo last week."saad ng doctor.

"Hindi po kasi ako, itong kaibigan ko. She is suffering from the same symptoms gaya sa akin. We just want to make sure po at isa pa po if ever wala baka madala naming siya sa hospital."paliwanag ni Trish.

"I see. Sino ba sa kanilang dalawa?"tanong ng doctor.

"Aba'y hindi po ako, doc. Hindi pa kami ready hehe."depensa ni Synthia ng ikinaikot ng mga mata naming habang tumatawa ang doctor.


Lumapit naman sa akin ang doctor at tinignan ang BP ko, normal naman. Sunod niyang ginawa ay ang pakikinig na rhythm ng heart ko.


"It's kinda odd. I do hear two heartbeats at the same time."mahinang saad ng doktora.


Napatakip naman ng bibig si Synthia habang si Trish ay ngumiti ng nakakaloko. Tinignan naman ako ng doctor ng nakakaduda.


"Nag PT kana ba?"tanong sa akin ng doctor.

Umiling naman ako. "Hindi pa po."

Inabutan niya ako ng isang PT na galing sa drawer niya. "Try mo."


Nag-aalinlangan ko naman itong kinuha sa kamay niya pero kinuha ko pa rin. Pumunta naman agada ko sa CR habang sinamahan ako ni Synthia dahil nag-uusap pa si Trish at ang Doctor niya.


"Sabihin moa gad ako pag tapos kana."saad ni Synthia sa labas ng cubicle ko.


Hindi na ako sumagot pa. Napabuga muna ako ng hangin bago ginamit ang PT na binigay sa akin. Habang naghihintay ako ng resulta ay tagaktak ang pawis sa noo ko.

Agad ko namang nabitawan ang PT na hawak ko kaya napulot ito ni Synthia labas ng cubicle ko.


"Gaga ka! Ano 'to?!"gulat na saad niya.


Binuksan ko ang pintuan at tulala akong lumabas. Bumalik na kami sa loob ng opisina ng hindi man lang ako umiimik.


"So, ano resulta?"tanong agad ni Trish pagpasok namin.


Inabot naman ni Synthia ang hawak na PT at nagulat naman si Trish sa nakita niya. Habang ang doctor ay nakangiti lang sa akin.


"Congratulations, you are pregnant!"saad nito sa akin.

"C-Can we double check po?"tanong ko.


Don't get me wrong, hind isa ayaw ko pa na makabuo kami ni Kyler pero this is too sudden. Sa totoo nga, natutuwa ako pero hindi ko alam kung paano sabihin kay Kyler ito at lalo na sa mga magulang ko. Baka naman, ako na naman ang dahilanan ng pagkasira ng grupo nila.

By Your SideWhere stories live. Discover now