CHAPTER 5

85 1 0
                                    

CHAPTER 5:

-xxx-

Maaga naman akong nagising dahil wala lang trip lang. Pero seryoso, may bumagabag sa isipan ko. This is every fangirls dream pero parang hindi talaga ako masaya. Ano bang problema mo, Amara? 'Yan na 'yung blessing binigay ni Lord for you to grab at saka makakasama mo sa si sugarplum mo. Para kasing hindi masaya si Kyler eh. I mean gusto ko naman talaga 'yung trabahong binigay kaya lang ayoko namang magtrabaho ng hindi masaya si Kyler na nandoon ako. Ayoko 'nun. Napa-iling nalang ako habang inaayos ang higaan ko. Napatingin naman ako sa cellphone na kanina pa naka-ring hindi ko lang mapansin dahil sa malalim ang iniisip ko. 

"Hello?"sagot ko sa kabilang linya.

"Good Morning. Si Amara Abalos ba ito?"

"Opo."tugon ko.

"This is from the team of Hori7on, the contract is already ready. You can come right now at our office."

"Sige po ma'am. Pupunta na po ako diyan."saad ko.

Pinatay niya naman ang tawag at mabilis naman akong naligo at nagbihis. Lumabas na din ako sa kwarto at nakita ko naman na nakahain na si Mama sa hapag-kainan. Mabilis naman akong ngumiti at lumapit sa kaniya.

"Mama, punta ako ngayon sa office ng Hori7on for contract signing."paalam ko kay Mama.

"Kumain ka muna. Sino ba 'yan sila at mukhang kailangan talagang may Personal Assistant?"tanong ni Mama.

Natawa naman ako dahil alam ko na hindi pamilyar si Mama sa mga sikat na boy groups o kpops ngayon.

"Basta sikat sila, Ma. Kuha nalang ako nitong pandesal."saad ko habang kumuha ng pandesal sa mesa.

"Galingan mo anak ha? May grades kana may sahod ka pa niyan. Proud talaga ako sa'yo."niyakap naman ako ni Mama.

"Sige na, Ma. Baka ma-late pa ako, patay naman ako 'dun."saad ko.

Binitawan naman ako ni Mama. "O'sige, mag ingat ka."paalala ni Mama.

Lumabas na ako ng bahay. Naikwento ko ni mama ang nangyari kagabi, 'yung about sa pagiging PA ko lang kinwento ko. Noong una, nag-aalinlangan si Mama pero noong sinabi ko na may sahod ako ay talagang gusto na niyang sungaban ang trabahong binigay.

*****

Nandito na ako ngayon sa office ng Hori7on at ngayon ay papunta na ako sa opisina ng management nila na nandito sa Pilipinas.

"Good Morning po."bati ko sa tao sa loob.

"Ikaw na ba si Amara Abalos? Maupo ka iha."saad niya.

"Ako nga pala si Henry Lopez ang agent nila dito sa Pilipinas."pagpakilala niya.

"Amara Abalos po."pagpapakilala ko.

May inilabas siyang papel na nasa sliding folder. "This is the contract."

Kinuha ko naman ito at binasa ng isa-isa. Mas mabuti na alam ko anong benefits ko. 

"Php 6,000.00 po ang weekly sahod ko? Sobrang above minimum na po ata 'to. At saka po hanggang sabado lang ako. If you divide 6,000 to 6 days po ay 1,000 per day? Naku!"gulat na saad ko.

Napangiti naman si Sir Henry. "We just want to compensate you, Ms. Abalos. Acording to Section 3, Part B should always be with Part A even if it is for trainings."saad ni Sir Henry.

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon