CHAPTER 2

98 2 0
                                    

CHAPTER 2:

-xxx-

Lumipas na ang isang araw ngunit hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang nangyari. Ramdam ko pa rin ang hininga ni Kyler. Ano ba tayo mylabs?! 

"WAHHHHHHHH"kilig sa saad ko.

"I do na agad sa'yo, Kyler!"kilig ko na saad habang nakatingin sa picture sa dingding.

"Hoy Amara, hindi ka ba papasok ngayon?"nakapameywang na tanong ni mama sa pintuan.

Napa-upo naman ako bigla. 'Langya naman si Mama eh, nagmomoment na ako eh. Hindi nga marunong kumatok ng pintuan. Napa-iling nalang ako.

"Mama naman eh, founders ngayon at saka hindi naman required na papuntahin kami doon."inis na saad ko.

Sino ba namang hindi maiinis na hindi naman kasi required at saka itong Mama ko pinipilit akong papuntahin sa school. Hindi ko nga pala nasabi na kami nalang dalawa ng Mama ko kasi iniwan kami ng mabuti kong ama at sumama sa mukhang crocodile niyang kabit. Joke lang, iniwan lang talaga kami ni papa kasi mas pinili niya doon sa bago niyang pamilya. Hindi nga kami sinusuportaan 'nun eh.

"Mabuti na 'yun at makihalubilo ka naman, hindi 'yung si Synthia lang kaibigan mo."saad ni Mama habang pilit akong pinababangon.

"Mama naman eh."pagmamaktol ko.

"Isa, tumayo ka na diyan."reklamo niya.

"Ayoko." Bumalik ako sa pagkahiga.

"Dalawa. 'Wag mo akong subukan, Amara Abalos."pagbabanta ni Mama.

Mabilis naman akong tumayo at pumasok sa CR para maligo. Si Mama naman kasi eh. Dali-dali naman akong naligo. Kahit ayoko talaga kumilos.

"Susunod ka naman pala eh."saad ni mama bago lumabas dahil narinig ko ang pagsarado ng pintuan.

Nang matapos akong maligo ay padabog akong lumabas sa CR para magbihis. Wala namang dress code kaya nagbihis lang ako ng parang nasa bahay lang. Jusko, sino pagagandahin ko doon eh wala naman si Kyler eh. Habang nagbibihis ako ay narinig ko ang boses ni Synthia sa labas. Kaya pala pinalabas ako ni mama kasi may nag udyak, langya tala 'tong si Synthia. BIgla namang may pumasok sa loob ng kwarto ko at iyon ay walang iba kundi si Synthia. Napa-irap naman ako.

"Ano ba namang 'yang suot mo?!"inis na bungad sa akin ni Synthia.

Napatingin naman ako sa suot ko. "Bakit? Anong problema sa suot ko?"takang tanong ko.

"Isang short at white t-shirt?" Hinusgahan naman niya ang suot ko.

"Anong problema sa suot ko?"kunot-noong tanong ko.

"Ang baduy! Try mo kaya maging girly, 'yung magmumukha kang tao."suhesyon niya.

"Anong akala mo sa akin, hindi tao?"inis na sinaad ko.

Hindi naman niya ako pinansin at dumeretso sa closet ko at naghalungkat ng mga damit. Kita mo 'to parang may-ari ng bahay eh. Galing sobrang feel at home. Inirapan ko nalang siya kahit hindi niya ako makita kasi nakatalikod siya sa akin. Padabog naman akong umupo sa kama ko.

"Perfect ito."sabi ni Synthia habang pinakita ang hawak niya.

"No way. Ayokong mag dress."pagmamaktol ko.

"Sige na, isang beses lang hehe."pilit niya.

Dahil alam ko naman na hindi siya papatalo ay tumayo na ako at kinuha ang dress na nakuha niya at dumeretso sa CR para magbihis. Ayoko na sana suotin 'to eh. Bigay sa akin ni Mama to noong birthday ko. Isang pastel color na above the knee na off-shoulder. Cute siya pero parang sexy lang siya. Matapos akong magbihis ay lumabas na ako at pinakita kay Synthia.

"Perfect. Hanggang gabi tayo, manonood tayo ng banda."saad niya habang hinihila ako palabas sa kwarto.

Habang naglalakad kami palabas ay nakita naman kami ni Mama na nagdidilig ng halaman sa labas. Agad naman itong lumapit sa amin.

"Wow. Ang ganda mo ngayon anak."proud na sabi ni Mama. Hindi nalang ako kumibo.

"Shempre naman, Tita." Si Synthia nalang ang sumagot.

"Mag-enjoy kayo doon at behave ha?"palala ni Mama.

"Oo na Ma."saad ko.

"Una na po kami Tita."paalam ni Synthia.

Medyo hapon na noong makarating kami sa school at nagprepare na sila para sa banda. Mukha namang hindi banda kasi walang drums at instruments clear stage lang.

"Akala ko ba may banda?"takang tanong ko kay Synthia.

Nagkilbit-balikat naman siya. "Aba, malay ko. Narinig ko lang eh sikat na banda daw."saad niya habang ngumunguya ng strawberry tanghulu na nabili niya sa entrance. 

"Teka na-iihi ako. Balik lang ako."saad ni Synthia bago ako iniwan sa sa kilid ng field.

Habang nagmuni-muni ako ay may biglang nag tap sa shoulders ko. Napalingon naman ako kung sino ito. 

"Anak ka ng-"hindi ko na natapos ang sasabihin ko at napatakip nalang ako ng bibig.

Natawa naman siya. "Shh lang Miss. Tatanong ko lang sana kung nasaan ang CR dito kanina pa ako naliligaw eh."kamot niya sa ulo.

Hindi ako makapagsalita at tinuro ang CR kung nasaan si Synthia ngayon. Hala, bakit siya nandito? Muntik ko na makalimutan na nagtatagalog nga pala sila. Si Kim ay kina-usap ako! Si Kim ng Hori7on! Don't tell me-

Tinignan ko ang stage at CR kung saan siya ngayon. Hindi kaya ang banda na sinasabi ni Synthia ay ang Hori7on? Tumatalon-talon naman ako ngayon dahil sa saya. 

"Hoy, na pano ka?! Mukha kang buang."bungad sa akin ni Synthia.

Hindi ko nalang siya pinansin at tumakbo papunta sa kaniya at saka siya niyakap at tumitili ng mahina.

"Kinikilabutan ako sa'yo, Amara."inis na pagmumuglas ni Synthia.

"Ang sinasabi mong banda ay 'yung nakita natin sa Mall."tiling saad ko.

Matagal bago siya makasagot. "Don't tell me, 'yung mga gwapong lalaki sa Mall?!"saad ni Synthia.

Tumango naman ako at ngayon ay pareho na kaming tumitili. Napatigil naman kami sa tilian ng marinig naman ang emcee sa stage.

"Pano mo nalaman?"takang tanong niya sa akin.

"Kasi naman habang hinihintay kita ay may nag tap sa shoulder ko paglingon ko, si Kim, miyembro nila, nagtatanong kung nasaan ang CR."paliwanag ko.

"Time na ba para kilalanin ko din sila?"kilig na saad niya.

Tumango naman ako. Nagsalita naman ang emcee na mag sta-start na daw kaya hinila ako ni Synthia papunta sa mga kumpulan. Napalingon naman ako sa likuran ko kung nasaan ang CR. Nakalabas na kaya siya sa CR?

Patuloy pa rin akong hinihila ni Synthia. Sumisingit na kami ngayon. Nagiging haggard na nga ako eh. Nasa medyo harapan naman kami pumwesto at dahil nga medyo haggard na ako ay mabilis ko inayos ang sarili ko dahil alam ko na nandito si Kyler sugarplum ko. Kumuha din ako sa bag ni Synthia ng lips stick at inilagay sa bibig ko. Okay na 'to!

-xxx-


See you next week! Updates would be available twice a week. Every Tuesday-Wednesday at 8pm. Thank you and keep reading!

-itsmeicayy

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon