CHAPTER 29

75 1 0
                                    


CHAPTER 29:

-xxx-

Last day na namin ngayon sa Bacolod at aalis na kami after lunch. Alam niyo mukha akong maganda dahil nag-uunahang magbigay ng kape sina Kim at Kyler o ang 2K. Matatawa na nga lang si Vinci sa amin eh.


"Tikman mo 'to."nilagyan ni Kim ng isda ang plato ko.

"Hindi. Mas masarap 'to."nilagyan naman ako ni Kyler ng shrimp at kinuha ang inilagay ni Kim sa plato ko at kinain.


Nagtinginan naman silang dalawa. Pero ningitian lang ni Kyler si Kim kaya napa-iling nalang ako. Si Kim naman ay masamang nakatingin kay Kyler. Kinain ko nalang ang inilagay ni Kyler sa plato ko habang si Kim ay tumayo at nagdadabog kaya mahina akong natawa. 


"Ba't mo naman kasi ginawa 'yun?"tanong ko kay Kyler.

"Sinabi ko bang magpapatalo ako? Aba'y hindi!"matigas na saad nito kaya napangiti ako.


Sa totoo lang gusto ko sagutin si Kyler pero at the back of my mind parang ayoko pa. Ngayon ko lang kasi maexperience ang traditional na way eh. 'Yung liligawan ka muna at isa pa pagnagkataon magiging unang boyfriend ko si Kyler. Swerte niya. Also, I feel sorry to Kim although alam naman niya na hindi ko siya gusto pero alam ko mga nararamdaman niya. 


"You're wearing Kuya Kyler's bracelet."saad ni Marcus at umupo sa tabi ko.

Napatingin naman ako sa bracelet. "Shempe. Sino pa ba bibigyan ko?"pagmamayabang ni Kyler.

Napatawa nalang si Marcus. "Nag-iba ka na, Kuya."

"In what way?"tanong ko.

"Kita mo, Ate. Kuya Kyler is not masungit na."conyo na saad nito.


Napatango naman ako kasi sa totoo. Nag-iba kasi ang ihip ng hangin at hindi na isang expression ang makikita mo.  Si Kyler naman ay walang sinasabi pero ngumiti lang ito.


"Good Morning, everyone!"bungad ni Synthia sa amin.

"Paano ka nakapasok?"tanong ko.

"Aba't may free pass."saad naman ni Winston pero inirapan lang siya ni Synthia.

"Where's Kim?"tanong nito at tumingin sa paligid para hanapin si Kim.

"Umalis 'yun kanina."saad ko naman.

"Sige hanapin ko lang, may dala akong coffee sa kaniya."saad nito at umalis.

"Tignan mo, pumunta lang dito para maglandi."saad naman ni Winston.

Natawa naman ako. "Why is you're best friend looking for him?"kunot-noong tanong ni Kyler.

"Hindi pa ba halata? Hindi ba si Reyster ang laging slow sa inyo bakit nalipat sa'yo?"natatawang tanong ko.


Hindi naman siya sumagot pero napakamot naman siya ng ulo. Kaya mas lalo akong natawa ngunit mahina lang.


"Bakit nasama naman ako?"takang tanong ni Reyster.

"I have a question."saad ko kay Reyster.

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon